24

821 20 0
                                    

Chapter 24
3rd Person's POV
"Pinagalitan ka ba nina tita?" tanong ni Tiago mula sa kabilang linya.

Nakahiga si Desiree sa kama at nakataas ang dalawang kamay habang hawak ang phone. Ka-videocall ni Desiree sina Tiago na nasa loob ng sasakyan at bumabiyahe.

"Kaunti lang pero hindi naman sila totally na galit kasi hindi naman ako grounded. Lagi naman talaga ako napapaaway since highschool. Sanay na sina mommy," sagot ni Desiree. Natawa si Azure at napa-pokerface si Loki.

Halata naman kasi na mahilig sa away si Desiree. Umikot si Desiree at dumapa sa kama. Tinanong ni Desiree kung nasaan na sina Loki kung ilang araw pa ang biyahe nila.

Hindi napatay ni Desiree ang phone niya. Nakatulog ito habang nasa kabilang linya sina Tiago na pinanonood lang matulog ang babae. Ini-ss pa iyon ni Tiago at natatawang sinabi kina Loki na isi-send niya iyon sa dalawa.

Nag-mute sila para hindi nila maistorbo si Desiree. Hindi nila pinatay ang tawag.

Nabo-boring si Desiree sa bahay kaya naman sumama si Desiree sa work ng mommy Paige niya na related sa modelling.

Actually niyaya ni Paige si Desiree since ito nga lang ang nasa bahay. Baka interesado din si Desiree mag-part time— hindi naman ini-expect ni Paige na sasama sa kaniya ang anak at papayag ito basta may pera.

"Ang gandang bata. Ito ba iyong isa sa mga anak mo?" tanong ng mukhang photographer matapos sila pumasok sa isang studio.

"Yes, by the way. This is my daughter— Desiree. Magpa-part time lang siya," ani ni Desiree. Inukutan si Desiree ng photographer.

"Gosh! She's so perfect. Isa nga siyang Rivas. How lucky!"

Maganda ang hubog ng katawan ni Desiree dahil sa pagiging player nito. May maganda din itong mukha at natural curly na buhok.

May mga model din doon na lalaki ang kasalukuyan na nakatingin kay Desiree na hindj naman sila tinatapunan ng tingin.

Agad na pinagsimula si Desiree at pinasusunod sa make up artist kasama ang ilang model.

"Mommy, pwede ba ako kumuha mamaya ng copy ng mga picture ko? Gusto ko ipakita kina Loki," ani ni Desiree habang nakaupo sa  harapan ng salamin at pinalilibutan ng mga make up artist.

"Sure sweety, kausapin ko mamaya ang photographer."

First time niya mag-work at kumita ng pera para sa sarili niya. May kita naman siya sa mga laro niya ngunit iba naman iyong work talaga specially mahilig din siya sa fashion at sa make up.

Noong nag-start na tuwang-tuwa ang photographer sa pagkuha ng litrato kay Desiree dahil napaka-natural nito. Ang galing din nito magdala ng damit at hindi na kailangan ng instruction para mag-change ng pose.

Natawa si Paige dahil sa idea na karamihan sa ginagawang pose ni Desiree ay karaniwang pose nila ni Dahlia.

Iba't ibang damit, make up, expression at pose and last iyong wild and seduction pose. Walang idea si Desiree sa theme.

Tiningnan ni Desiree si Paige. Lumapit si Paige sa photographer at may sinabi ito. Binigyan siya ng instruction ng photographer ngunit hindi iyon nakukuha ni Paige.

"Desiree, nakita mo boyfriend mo. Naiinis ka dahil may sumasayaw na babae sa harapan niya anong gagawin mo para agawin atensyon niya?" ani ni Paige. Binigyan niya ng sitwasyon si Desiree. Umayos ng tayo si Desiree at huminga ng malalim.

"Pwede makahingi ng sofa?" tanong ni Desiree. Gumawa ng gesture ang photographer at agad na kumilos ang mga staff.

Ginulo ni Desiree ang buhok at bahagyang ibinaba ang pula na coat para ma-exposed ang collar bone niya.

Sa likod ang itim na sofa. Hinawakan ni Desiree ang mahigpit ang whip at bahagyang tumingala.

Na-shocked ang mga staff. Napapalakpak si Paige matapos makita ang pose ng anak.

Tumalikod si Desiree — isinampa ang isang paa sa sofa— itinungkod ang isang kamay sa  sandalan ng sofa at tumingin sa camera.

Kahit ang photographer ay nagkaka-goosebump sa bawat pose na ginagawa ni Desiree.

Meron pa doon noong humiga si Desiree. Na-shocked si Paige— namumungay ang mata ni Desiree na tumingin sa camera.

After ng ilang shots kinukulit na ng photographer si Paige na isali si Desiree sa team nila. Dodoblehin nila ang bayad ngunit natatawa si Paige na tumanggi. Magagalit sa kaniya ang asawa at mga kapatid.

Tiningnan ni Paige ang anak na natutuwang tiningnan isa-isa ang mga copy ng litrato niya at iyong pera na nakuha niya.

"Mommy! Look nakakuha ako ng pera. Papakita ko ito kina daddy," natutuwa na sambit ni Desiree. May mga binigay din na dapat ang team kay Desiree bilang remembrance.

May ilang lalaki ang lumapit kay Desiree at nagpakilala. Binati si Desiree at tinanong kung maari nilang makuha ang number ni Desiree.

Kinuha ni Desiree ang phone niya at pinakita ang lockscreen niya.

"Tiyaka ako magkakaroon ng pake sa sinasabi niyo kung magiging kayo iyong mga guy sa lockscreen ko," mataray na sambit ni Desiree. Natawa si Paige at hinila ang anak na babae palayo sa grupuhan.

Nagpaalam na sina Paige sa photographer at sa nga staff. Tinanong ni Paige kung may balak ba si Desiree maging model in future. Naglalakad na sila palabas ng studio.

"Kapag pumayag iyong mga future husband ko. Isa pa alam ko naman na hindi ko na need mag-work in future marami na akong sugar daddy," banat ni Desiree habang binibilang iyong pera na nakuha niya. Napangiwi si Paige. Mayaman nga naman ang mga Lucero at kaya nga ng mga Lucero bigyan ng palasyo si Desiree kung gugustuhin ng babae.

Noong makauwi sila tumakbo si Desiree pabalik ng room niya matapos makita ang name ni Loki sa screen.

Agad na binuksan iyon ni Desiree. Nakita niya si Loki na half naked katabi si Azure. Maingay tapos mukhang nasa isang pool party sila.

"Wait nasaan kayo? Akala ko ba pinuntahan niyo daddy niyo," tanong ni Desiree. Ang daming niyang nakita na babae sa background.

"Nasa isang party kami dito sa resort kasama namin si papa kausap ang ilang investors," sagot ni Loki. Kumaway si Azure at tinawag si Desiree.

Binagsak ni Desiree ang katawan niya sa kama at tinanong kunh nasaan si Tiago bakit si Loki at Azure lang ang nandoon.

Nawala sa camera sina Loki. Nakita ni Desiree si Tiago na nasa kabilang bahagi ng pool may iniinom na drinks at may kausap na dalawang babae.

"Tiago! Iyong honey mo nandito hinahanap ka!" sigaw ni Azure na natatawa. Hinarap ni Loki ang screen kay Tiago na napatingin. Salubong ang kilay ni Desiree habang nakatingin kay Tiago na napaubo. Iniwan nito ang iniinom na alak at babae.

Agad na napalayo si Tiago at lumangoy palapit kina Loki na natatawa.

"Tiago, gusto mo mawalan ng alaga habang buhay?" banta ni  Desiree. Namutla si Tiago kaya mas humagalpak ng tawa si Azure matapos makitang tinakpan ni Tiago ang harapan.

"Kaklase ko sila ng highschool. May tinanong lang sila. Hindi ako nambababae," sagot ni Tiago. Napa-pokerface si Desiree at sinabing wala siyang sinabi.

"Defensive."

Tagsuyo si Tiago kaya naman walang ginawa sina Loki kung hindi asarin ang kapatid. Napatingin naman ang parents nina Tiago matapos marinig ang tawanan ng mga anak nila habang may kausap sa phone. Sa buong araw na nandoon sila ngayon lang nila nakita na nag-enjoy ang mga anak nila sa party at makitang tumawa. Hindi kasi ang mga ito nakikipag-usap at dumidistansya sa mga tao.

"Sinong kausap ng mga bata?" tanong ng daddy nina Loki. Napatigil ang asawa ng lalaki at bahagyang lumingon.

"Hindi mo alam na may girlfriend sila?"

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon