48

752 13 0
                                    

Chapter 48
3rd Person's POV
Sure si Loki na pupunta doon si Tiago. Alam din naman ni Loki na hindi maniniwala doon si Desiree. Si Tiago lang talaga ang niyerbiyosin.

Salubong ngayon ang kilay ni Desiree. Lahat ng nasa gymn nakatingin sa kaniya. Umalingawngaw kasi sa apat na sulok ng gymn ang boses ni Desiree at mukhang walang pakialam doon si Desiree.

"Nambababae si Tiago?" tanong ni Fider at nilingon si Azure na nakatingin kay Desiree.

Natawa si Azure na hawak ngayon ang bola at tiningnan si Fider.

"Sure ako hindi. Mukhang namimis na noong dalawa si Desiree," ani ni Azure na natatawa.

Hindi kinontak ni Desiree sina Loki. Napapamura na lang si Tiago tuwing hindi sinasagot ni Desiree ang tawag o pinapatayan siya.

"Kasalaman mo lahat ng ito Loki," ani ni Tiago na naniningkit ang mata. Nasa labas sila ngayon no gymn.

"Diba sabi mo boyfriend mo siya. Lapit ka bilis!"

Napatigil si Tiago noong may bumangga sa likod niya noong babatuhin niya si Loki na tawa ng tawa. Napatigil ang dalawa at lumingon.

Pulang-pula ang babae na nakatingin sa kaniya. Mukhang freshman pa ito.

Hindi alam ni Tiago kung anong sasabihin. Kapag tinanggi niya ito siguradong lalabas na child abuse iyon kapag umiyak. Kapag sumakay naman siya siguradong kakaretehin siya ni Desiree ang worst sasabihin pa siyang pedo.

"Tiago, ayan na anak mo," pang-aasar ni Loki. Siniko ni Tiago si Loki na tumawa lang. Mas lalong namula ang babae.

"Look bata— may girlfriend ako. About sa nangyari last time sorry talaga. Hindi ko sinasadya na hawakan ka," ani ni Tiago. Nangilid ang luha ng babae.

"Janette!"

Napatigil sina Tiago matapos may grupuhan na lumapit. Pamilyar ang mga lalaking ito kasi isa ang mga ito sa grupuhang kasali sa competition.

Biglang umiyak ang bata. Napa-what tje fuck si Tiago. Nagsumbong ang bata sa mukhang mga kapatid nito.

"Ikaw ba iyong sinasabi ng kapatid namin na boyfriend niya?"

Sinabi ni Tiago na hindi niya girlfriend ang bata.

"Hinawakan mo! Dapat pakasalan mo siya! Alam mo ba kumalat sa social media ang litrato niyo!"

Hinablot ng isa sa mga ito ang kwelyo ni Tiago. Sinabi  ng mga ito na kailangan pakasalan ni Tiago iyong bata.

"May girlfriend ako for god's sake! Kung hindi ko siya hinawakan masusubsob siya sa sahig! Hindi ko iyon sinasadya. Malay ko bang dibdib niya nahawakan ko akala ko nga likod," banat ni Tiago. Napa-pokerface si Loki. Sumama kasi ang mukha ng mga ito matapos nga marinig ang sinabi ni Tiago.

"What! Sinasabihan mo ng maliit iyong cute strawberry ni Janette!"

"No! No!  Hindi ko sinasabihan na maliit. Pwede ba pag-usapan natin ito ng maayos?"

"Ang tagal. Suntukin mo na. Tama lang iyan sa mga babaero."

Napatigil si Loki at Tiago. Lumingon sila at nakita nila si Desiree na naka-pokerface habang nakatayo sa hindi kalayuan at naka-cross arm. Natatawang kumaway si Azure katabi si Emjay. Sumama din si Emjay at sina Aiki para makita nga ang mga kapatid.

"Honey!"

Napangiwi si Tiago matapos nga hablutin siya ulit at tinanong kung boyfriend ba ni Desiree ang gago na si Tiago.

"Hindi na ngayon. Bugbugin mo na. Huwag mo lang tamaan sa mukha. Sayang eh," ani ni Desiree. Sinabi ni Tiago na hindi nga siya nambabae.

"Putangina mo Loki! Traydor kang hayop ka. Isusumbong kita kay papa!"

Tawa ng tawa si Loki. Pumagitna na si Loki at kinuha ang kapatid.

"Nagkatulakan sa gymn talaga 'non. Niligtas lang ni Tiago ang kapatid niyo kasi masusubsob ng sa sahig. Ikakasal na din kami," ani ni Loki at tinuro si Desiree sa likuran niya.

"Ayon iyong girl," ani ni Loki na natatawa habang kaakbay si Tiago na hawak ang leeg at masama ang tingin kay Loki.

"Hindi ba oras na ng practice? Ano pang ginagawa niyong apat dito?"

Napatigil sina Loki matapos may dumating pa na isang lalaki. Na-shocked sina Emjay.

Naiiyak na lumapit ang babae at binuhat ito noong lalaking kararating lang. Tinanong kung ano na naman kalokohan na ginawa ng apat at umiiyak so Janette.

"Misunderstanding," sagot ng isa sa apat.

"Xerxes?"

Lumingon ang lalaki. Ngumisi ang lalaki at binati sina Emjay.

"Sir Emjay. Nandito din pala kayo."

Tinanong ni Xerxes kung nahanap na ni Emjay ang mga kapatid niya. Tiningnan niya sina Tiago then ang kakambal ni Emjay.

"Yeah, sila iyan," ani ni Emjay at tinuro sina Loki then si Azure.

"Mabuti naman kung ganoon. Atleast hindi na ka na palaging patakbo," natatawa ng lalaki. Sinumbong ng babae si Tiago.

"Hindi ba sabi ko sa iyo mag-iingat ka. Isa pa ano na naman hahawakan niya sa iyo?"

Kinagat ng babae sa pisngi ang nakakatandang kapatid at sumigaw na ibaba siya.

"Alis na kami," paalam ni Xerxes. Tiningnan niya sina Loki.

"Kita-kita na lang ulit tayo sa dance floor," ani ng lalaki bago tumalikod habang buhat ang babae. Sinundan ito ng mga kapatid.

"Kilala mo sila?" tanong ni Desiree at nilingon si Emjay.

"Pinsan namin sila to be exact. Xerxes Kiri then iyong lima kanina na guy."

May kapatid na lalaki si Timothy. Iyon ang ama nina Xerxes ngunit namatay ito kasama ang asawa matapos ipanganak ang bunsong kapatid ni Xerxes dahil sa isang aksidente.

Tumira ang mga ito sa ibang bansa. Naging guardian nito ang ama nina Emjay at tuwing vacation ay nanatili din ang mga ito sa isla. Kalaro ito nina Aiki simula noong mga bata pa sila.

Madalas lang nagkakaroon ng problema dahil inaaway sila ng mga kapatid ni Xerxes kapag lumalapit sila kay Xerxes.

Pinaka-creepy sa magkakapatid na ito ay ang pinakabunso. Tiningnan ni Emjay iyong batang buhat ni Xerxes. Yakap nito sa leeg ang nakakatandang kapatid at walang buhay na nakatingin sa kanila. Napa-pokerface si Emjay.

"See? Hindi big deal iyon pinsan namin iyon," ani ni Tiago at parang batang niyakap si Desiree. Hinila ni Desiree ang pisngi no Tiago at pinagmumura ito.

"Wala kang konsiderasyon. Sa bata mo pa talaga ako pinapalit," naiinis na sambit ni Desiree.

"Humawak ka pa din ng ibang babae! Hayop ka! Ang dami mong hahawakan dibdib pa at sa bata pa talaga," ani ni Desiree. Sunod-sunod ang daing ni Tiago habang hawak ang pisngi.

"Sino bang girlfriend tinutukoy niyo?" tanong ni Emjay. Tinuro ni Loki iyong batang buhat ni Xerxes.

"Hindi naman iyon babae. Puro lalaki pinsan natin sa side ni daddy Tim," sagot ni Emjay. Napalingon si Desiree at Tiago.

"What!"

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon