47

690 13 0
                                    

Chapter 47
3rd Person's POV
Tatlong araw matapos umalis sina Loki. Malungkot si Desiree. Inaasar ni Emjay si Desiree kaya naman madalas nababatukan ni Azure ang kakambal.

"Pwede naman natin sila tawagan mamaya," ani ni Azure. Nakahilig siya sa table. Kaharap si Desiree na nakaharap sa side niya. Pareho silang dalawa na nakahilig sa table at kaharap ang isa't isa.

"Bawal ba talaga tayo pumunta?" tanong ni Desiree. Natawa si Azure at pinisil ang ilong ng girlfriend niya.

"Sinabi na ni tito na bawal. Hindi ka nage-excel sa academics mo at diba may competition din kayo na pinaghahandaan?" tanong ni Azure. Napasimangot si Desiree at naglalambing na yumakap kay Azure. Natawa ang lalaki at niyakap si Desiree pabalik.

Napairap si Emjay at sinabing ang da-drama. Walong oras lang naman ang biyahe mula doon.

"Bawal kasi pumunta doon si Desiree," ani ni Azure. Nilabas ni Emjay ang dila para asarin ang kapatid. Lumipad sa mukha ni Emjay ang isang notebook.

Ayon nga mas minabuti ni Desiree na mag-focus sa pag-aaral niya, sa game at kay Azure. Medyo nakampante din kasi si Desiree kalaunan dahil tuwing may bakanteng oras sina Loki imbis magpahinga ay tinatawagan siya ng mga ito kahit 10-20 minutes lang. Hindi siya kinakalimutan ng mga ito.

Sa university kung saan gaganapin ang competition. Nasa gymn sina Loki ngayon kasama ang buong grupo.

Maraming babae ngayon ang nanonood at may ilan pang nagpapa-picture. Dedma lang naman sina Loki at Tiago na ngayon ay pinupunasan ang sarili gamit ang puting towel habang umiinom ng tubig.

May ilang babae ang palihim na kinukuhanan ng litrato ang dalawa. Tinawag ni Uriel ang dalawa at sinabing lunch break na.

Kinuha na nina Tiago ang mga bag nila. Naglakad palabas sa gymn pero dahil may mga babae na hindi sila tinitigilan ay  nagkasiksikan doon.

May babaeng matutumba sa harapan nina Loki— out of instinct sinalo ito ni Tiago. Halos umakyat lahat ng dugo ng babae sa mukha matapos maramdaman ang kamay ni Tiago sa dibdib niya.

"The heck! Sorry!"

Napaatras si Tiago at napataas ang kamay. Dibdib ng babae ang nahawakan niya. Nangingilid ang luhang tumakbo ang babae palayo. Siniko ni Loki si Tiago. Napamura si Tiago at sinabing hindi niya sinasadya iyon.

Kumalat ang picture na iyon sa social media. Tawa naman ng tawa sina Uriel matapos mabasa ang mga komento like. Touch mine too.

"Masyadong wild ang mga babae. Sigurado kung panget gumawa 'non nasabihan ka na ng maniac nasampal ka pa," ani ni Vincent na natatawa.

Sapo ngayon ni Tiago ang noo. Nag-start na ulit ang practice nila. Next week na ang sunod na competition kaya naman talagang hapit sila sa practice.

Lumipas pa ang mga araw,
Nagulat na lang si Tiago matapos kumalat na may girlfriend siya doon. Napa-what the fuck si Tiago.

"Para sa ikatatahimik ng mundo mo Tiago mag-start ka ng magdasal na hindi iyon malaman ni Desiree," ani ni Loki. Tatawa-tawa niyang tinapik sa balikat ang kapatid at naglakad palayo.

"Loki! You idiot!"

Sa university,
"Ang daming chocolate at bulaklak ulit Desiree," ani ng isa sa mga kasamahan niya. Tambak iyon sa bench na dapat uupuan nila.

"Kuhanin niyo na. Maalis lang ang kalat diyan," bored na sambit ni Desiree na ngayon ay umiinom ng tubig.

After mawala nina Loki sa university marami ulit mga lalaki ang umaaligid kay Desiree. Akala ng mga ito magkakaroon na sila ng chance dahil lang nawala sina Loki.

"Gosh, kahit ako magkaroon ng mga boyfriend na katulad nina Loki— hindi na ako maghahanap pa ng iba."

"Mas masaya kaya marami. The more the marrier."

Nailing na lang si Desiree matapos marinig ang usapan ng mga ka-teammates niya.

Ni sa panaginip hindi niya naisipan na humanap ng ibang lalaki bukod kina Loki. Siguro pagod na din siya maglaro— gusto niya na ng serious relationship. Isa pa hindi pa naman sira ang ulo niya para ipagpalit pa sina Loki sa mga random guy. Hindi ang mga kalibre nina Loki ang mga pinagpapalit at makikita sa tabi-tabi.

"Fairy!"

Napatigil si Desiree matapos may yumakap sa bewang niya at humalik sa pisngi niya. Lumingon si Desiree at mabilis na hinalikan si Azure sa labi.

"Anong ginagawa mo dito? May practice kayo?"

Nakita ni Desiree na papasok na din sina Fider sa gymn. Kumaway si Fider.

"May mga bagong pasok sa team. Pinatawag kami ni captain para batiin sila."

Humiwalay na si Azure at may sinubo na maliit na energy bar chocolate sa  bibig ni Desiree.

"Nilagyan kita sa bag mo. Siguradong hindi ka na naman nagdala. Ubusin mo iyan," ani ni Azure. Umatras si Azure at natatawang umalis.

Hinawakan ni Desiree ang kalahati ng energy bar at ngumuya. Napanguso ang mga ka-teammates nina Desiree sinabing paanong maging isang Desiree Rivas Ortega.

Ngumisi si Desiree at sinabing dapat silang maging si Desiree. Kinain ni Desiree iyong binigay ni Azure. Ayaw niya ng lasa 'non pero dahil binigay ni Azure kailangan niya iyon kainin.

Maya-maya tumunog ang phone ni Desiree. Nakapatong ang phone sa bag ni Desiree. Nakita ni Desiree ang name ni Loki. Agad niya kinuha iyon at sinagot. Video call iyon.

"Hi honey," bati ni Tiago. Natawa si Loki at sinabing may isusumbong siya.

Tinakpan no Tiago ang bibig ni Loki at sinabing huwag maingay.

"Isusumbong? What is it? Don't tell me porket wala ako diyan nambababae na kayo?" ani ni Desiree. Actually, alam niya na hindi iyon gagawin nina Tiago. May tiwala siya sa mga ito ngunit— hindi sa mga nakapaligid dito.

"May tinatagong girlfriend dito si Tiago."

Napatingin ang buong dance group matapos may marinig na boses.

"Tiago Rivera Lucero! You jerk! Huwag na huwag ka magpapakita sa akin puputulan talaga kita ng titi! Huwag ka ng babalik dito!"

Pinatayan ni Desiree ng tawag sina Loki. Doon bumulahandrit ng tawa si Loki. Pinaghahampas ni Tiago ng notebook sa ulo si Loki na tawa ng tawa.

"Stop! Stop! Akala ko ba gusto mo makita si Desiree," tawa ni Loki. Pinagmumura ni Tiago si Loki.

"Anong kinalaman 'non doon! Galit si Desiree at dahil iyon sa iyo! Kapag ako talaga pinutulan 'non isusumpa kitang mabaog ka sana tangna ka!"

"Ahm, hindi ba sila aware na hindi lang silang dalawa ang nasa gymn na ito?" tanong ni Vincent. Napa-pokerface si Uriel na may hawak na stick at nakatingin sa dalawang nasa itaas ng stage— magkapatong.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon