35

730 18 0
                                    

Chapter 35
3rd Person's POV
"Alam mo kung nasaan ang parents ni Leah? River, ano pang tinatago mo sa akin?" tanong ni Jayson na salubong ang kilay habang nakatingin kay River na kaharap sina Loki at tinatanong kamusta pakiramdam ng mga ito.

Pinaaalis ni River ang mga tao sa living room. Sinapo ni River ang noo at hinarap si Jayson.

"Half sister ko si Leah at oo alam ko kung nasaan kayo. Alam ko din na ilang taon mo din ako hinanap at ang plano mo. Alam ko din na nakipagkasundo ka sa parents ni Leah. Kung ibibigay mo ang kompanya lahat ng ari-arian mo ay makaaalis ka at ang mga bata. Hindi tumupad ang usapan ang parents ni Leah at nalaman iyon ni Leah. Hinawakan ka niya sa leeg gamit ang mga bata. Alam ko lahat ng iyon," ani ni River. Nagbago ang expression ni River at niyukom ang kamao.

"Iyon din ang dahilan bakit ako bumalik. Nasira lang lahat ng plano ko na wasakin ang angkan ng pamilya ng ama ko dahil sa inyo nina Loki," ani ni River at tumalikod.

"I want to get rid all of them pero tuwing naiisip ko na may dugo at laman si Leah kina Loki— hindi ko magawa. Pinatapon ko sa isla ang pamilya ni Leah at hinayaan ko si Leah makulong sa mental hospital dahil kinokonsidera ko pa din iyong idea na siya nagsilang kina Loki."

"Tinatago ko?"

Lumingon si River at sinabing nagtatrabaho siya sa isang secret organization. Sinabi ni River na totoo ang sinabi ni Leah kanina na pinatay ni River ang mga pinsan niya at parents ng daddy niya.

"Ginawa ko lahat ng iyon," ani ni River. Na-shocked sina Azure matapos marinig iyon.

"Pinatay ng ama ko ang mama ko sa mismong harapan ko. Ang mga pinsan ko 13 years old ako noong tinangka nila akong gahasain pagkatapos nila ako molestiyahin simula noong 7 years old ako. Umalis ako 'non sa mansion. Kulang pa iyon sa lahat ng ginawa nila at—"

Napatigil si River matapos yakapin siya ni Jayson sa likod. Doon napansin ni River na umiiyak na siya.

"Hindi ko magawa magpatawad Jayson. Ang hirap," bulong ni River. Nangingilid ang luha ni Azure matapos makita ang papa niya na umiiyak ito.

Binitawan ni Desiree sina Loki at Tiago. Napatingin sina Loki. Ngumiti si Desiree at sinabing hug nila si River.

Mabilis na lumapit sina Tiago sa ama at niyakap ito. Napatigil si River matapos siya yakapin nina Loki.

Lumambot ang expression ni Desiree. Lahat may kahinayaan may mga time lang na kailangan nila magpakatatag dahil alam nila sa sarili nila na wala silang makakapitan.

"Fairy, halika hug ka din sa amin," ani ni Azure. Napatigil si Desiree at agad namula ngunit lumapit pa din siya at yumakap. Natawa ng mahina si River at niyakap ang mga anak niya.

Kinabukasan,
Napatigil si River matapos may iabot si Paris na mga litrato. Nakaupo sa gilid ng table ai Dahlia na may hinihigop na kape. Nasa opisina sila ngayon.

"Ayan ang litrato ng ex wife ni Jayson. Nagpabago siya ng appearance mula ulo hanggang paa. Hindi ka ba nagtataka kung saan kumuha ng ganoong pera ang babaeng iyon at paanong hindi niyo siya nahanap ni Jayson?"

Napatigil si River matapos makita lahat ng dokumento at sino nasa likod ng mga iyon. Natawa si River at tiningnan sina Paris.

"Sino ba talaga kayo? Alam niyo ba na ilang investigator ang hinire ko para hanapin ang babaeng iyon tapos kayo naibigay niyo ito sa kain ng parang balewala lang at complete detail. Pati iyong taong nag-iwan ng kahon nakuha niyo," ani ni River. Ngumisi si Paris.

"Wala kaming pakialam sa business niyo mag-asawa at issues niyo pero iba ng usapan kung related na iyon sa son-in law namin at sa anak ko. Kapag may isa siya sa mga Rivas na na-offend kahit saang impiyerno hahalukayin namin sila para mahanap," ani ni Paris. Ngumiwi si River at kalaunan natawa. Muntikan niya na makalimutan kung sino ang mga babae na kaharap niya.

"Iyong anak mo pala nasa bahay namin. Ayaw pakawalan ng mga anak ko. Incase na hanapin niyo," ani ni River matapos tumalikod dala ang mga dokumento at naglakad palabas ng opisina.

"Pupunta kami doon sa susunod na araw. Damihan mo stock mo," ani ni Paris bago sumandal sa upuan. Binuksan ni River ang pinto at bahagyang nilingon si Paris.

"You don't need to worry. Apat na refrigerator ko sa mansion," ani ni River at sinara ang pinto bago pa may lumipad na upuan sa kaniya.

"Tingin niya sa atin baboy?" tanong ni Dahlia. Last time kasi na dumalaw sila doon ay walang stock. Sa kalagitnaan ng gabi naghahanap sila ng bukas ng convenience store.

Hindi nagi-stock ang mga Lucero dahil madalas sa labas kumakain ang mag-asawa at may sariling unit naman sina Loki na tuwing weekend lang din umuuwi.

Kalaunan sa mansion ng mga Lucero,
Nanonood si Desiree sa room ng tatlo. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ni Loki habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Hinahawakan naman ni Tiago ang dulo ng maikling buhok ni Desiree. Pina-trim iyon ni Desiree kaya mas lalong umikli iyon.

"Hindi ka nabo-bored Desiree?" tanong ni Azure. Nakaupo si Azure sa itaas ng kama habang nasa baba ng kama ang mga kapatid niya at si Desiree.

"Wala ng mas nakaka-bored kapag mag-isa," sagot ni Desiree habang nakasandal kay Loki at kumakain ng grapes.

"Iyong buhok mo. Naiinis pa din ako kapag nakikita," ani ni Tiago at naipatong ang ulo sa balikat ni Desiree.

"Bakit? Panget ba kapag maiksi buhok ko? Hindi na ba ako maganda?" ani ni Desiree. Napatingin sa kaniya ang tatlo.

"Kahit anong gupit at suot mo maganda ka pa din," sagot ni Loki. Sumang-ayon sina Azure.

"Then walang big deal. Patay na patay pa din naman kayo sa akin kahit maikli na ang buhok ko," ani ni Desiree matapis ngumiti ng matamis. Sinabi ni Desiree she don't really mind lalo na kung para iyon kina Loki.

"Kung hindi ko iyon ginawa hindi ako makakalapit sa inyo. Hindi ko kayo mapapakalma then hindi aayos lagay niyo kahit kaunti," ani ni Desiree at ngumiti ulit.

"Kung mangyari  ulit iyon hindi ako magdadalawang isip na paputulan ulit ang buhok ko," ani ni Desiree. Puno iyon na sincerity.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon