18

890 22 0
                                    

Chapter 18
3rd Person's POV
"Ayos lang ako daddy. You don't need to worry. Gumagawa lang kami ng ilang school projects," ani ni Desiree. Ini-open niya ang camera at pinakita sina Loki. Nakaharap si Loki sa laptop na gumagawa ng report activity ni Desiree na ire-report niya next week. Nagda-drawing si Azure para sa art projects ni Desiree at ginagawa ni Tiago ang human anatomy project ni Desiree.

In short ginagawa nina Loki ang projects ni Desiree. Nagkalat ang mga gamit sa living room. Nagpaalam kasi si Desiree na kina Loki matutulog ng ilang araw pumayag naman ang parents niya pero siyempre tshini-check pa din siya ng mga ito.  Gumagawa naman talaga sina Desiree ng project pampalipas ng oras nila doon.

"Hi tito," bati ni Azure. Nakita pala nina Azure iyong camera at kausap ni Desiree ang ama. Bumati din sina Loki na mukhang busy talaga sa mga ginagawa.

"Kayo gumagawa ng projects ni Desiree?"

Napangiwi si Desiree. Napakamot sa ulo si Desiree at hindi naka-react sina Loki. Narinig ni Desiree na tumawa sa kabilang linya ang ina ni Desiree na si Dahlia.

"Huwag niyong sasanayin iyan. Hindi na gagawa iyan ng mga school activities. Hindi pwedeng kayo palagi ang gagawa," ani ni Jackson. Sumaludo sina Tiago. Ngumuso si Desiree dahil masyadong kj ang ama niya.

Noong mamatay ang tawag nanlalambing na yumakap si Desiree kay Loki na nagtitipa ulit sa laptop.

"Tapos ka na sa assignment mo?" tanong ni Loki. Sumuot si Desiree sa ilalim ng mga braso ni Loki at humilig sa hita nito. Pinatong naman ni Desiree ang mga hita niya sa mga hita ni Tiago na balewalang tinaas ang hawak na book.

"Pahinga mga 5 minutes," ani ni Desiree. Nailing si Loki. Wala talagang interes sa pag-aaral si Desiree.

Nakita ni Desiree ang phone ni Loki. Tiningnan ni Desiree si Loki then inabot niya ang phone ni Loki na mukhang wala naman pakialam.

Pag-open niya may password. Napanguso si Desiree at sinabing may password.

"Bakit may password ka? May tinatago ka ba?" tanong ni Desiree at pinakita kay Loki ang phone niya.

Ilang beses hinawakan nina Loki ang phone niya dahil wala iyon password. Minsan nasa kanila pa iyon dahil sa mga games. Nahawakan na din ni Desiree ang phone ni Azure at Tiago since mga mahilig din sa game sina Tiago at madalas niya kalaro ang mga ito.

Si Loki lang talaga hindi mahilig sa games at hindi niya nahahawakan ang phone.

"Gamitin mo ang finger print mo mabubuksan iyan," sagot ni Loki ng hindi inaalis ang mata sa laptop. Na-shocked si Desiree matapos nga mabuksan ang phone ni Loki.

"Pinupuno nina Tiago ng games ang phone ko kaya nilalagyan ko iyan," ani ni Loki. Sinabi ni Loki na ayaw niya magpalit-palit ng phone. Na-shocked si Desiree matapos makitang nabuksan ang phone ni Loki.

Natawa si Desiree matapos makitang nabuksan nga iyon ni Desiree. Kinulikot niya ang phone na iyon. Puro app sa related sa academics ang nandoon— pictures nila nina Azure then videos na mukhang sa isang dance competition nila somewhere.

Marami iyon kaya pinanood iyon nina Desiree isa-isa. Ang galing sumayaw nina Loki at ang cool ng mga ito habang sumasayaw.

Gusto ni Desiree mapanood sina Loki na sumayaw sa stage. Tahimik si Desiree kaya naman napatingin sina Azure at Tiago. Nakita nila si Desiree na may pinanonood sa phone ni Loki.

Pinagpatuloy na muli nina Azure ang ginagawa nila at sinulit habang busy pa si Desiree at hindi pa nanggugulo.

Maya-maya may nag-doorbell. Napatingin si Desiree at napalingon sina Azure.

"May delivery ba na parating?" tanong ni Desiree at bumangon. Sinabi ni Azure na baka pizza iyon na ini-order niya kanina. Bumangon si Desiree at sinabing siya na ang kukuha.

T-shirt lang na damit ni Loki ang suot niya at underwear. Naglakad si Desiree patungo sa pinto at binuksan iyon. Napatigil si Desiree matapos makitang hindi iyon mukhang delivery boy.

Isa iyong babae na may dalang luggage bag at nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya.

"Who are you? Nasaan sina Loki?" tanong ng babae. Ni head to toe ng babae si Desiree at ganoon din si Desiree. Bumulong si Desiree ng fake.

"What?" ani ng babae na nanlalaki ang mata. Sasabihin sana ni Desiree na halatang retokada ang buong pagkatao ng babae nang marinig niya ang boses ni Azure.

"Fairy, bakit ang tagal m— Jessa? Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit si Azure at hinawakan ang bewang ni Desiree.

"Naglayas ako sa amin. Dito ako magi-stay," ani ng babae na ngayon ay nakatingin sa braso ni Azure na nasa bewang ni Desiree. Napa-pokerface si Desiree. Hindi maganda pakiramdam niya sa babae na iyon.

Pinapasok ni Azure si Jessa at sinabing kay Loki magpaalam dahil kay Loki ang unit na iyon.

Binagsak ni Desiree ang katawan sa sofa. Umismid si Desiree matapos siya tingnan ng babae.

"Hindi ka pwede mag-stay dito Jessa. Maraming available na unit dito magpa-book ka na lang then ako na magbabayad kung wala kang dala na cash," ani ni Loki. Tinuro ni Jessa si Desiree at tinanong kung sino ang babae na iyon.

"Ah, girlfriend nila," sagot ni Desiree at tinuro sina Loki. Napa-what si Jessa. Napasapo si Tiago sa noo. Pinakilala ni Tiago si Desiree at sinabing gumagawa sila ng project.

Pinakita ni Tiago ang mga nakakalat sa sahig. Sinabi ni Tiago na pinsan nila si Jessa.

"We're not," pagtatama ni Jessa na salubong ang kilay. Kumunot ang noo ni Loki at sinabing kung ipagpipilitan ni Jessa na sa unit nila ito mag-stay kailangan ni Jessa umalis dahil hindi siya papayag.

Nakatingin lang si Desiree habang nakikipag-away ang babae at nagpapadyak sinabing ayaw niya mag-isa sa unit. Napa-pokerface si Desiree.

Kinuha ni Azure ang phone niya. Nag-dial ito at napatingin ang babae.

"Sasabihin ko kay papa na nandito ka."

"No!"

Natamaan ng heels ng babae ang paa ng coffee table  noong hahablutin ng babae ang phone ni Azure. Babagsak ang babae sa dibdib ni Azure nang mabilis na hinila ni Desiree si Azure na napaupo sa tabi ni Desiree. Bumagsak ang babae sa carpet at nasubsob.

"You bitch!"

Tiningnan ng babae si Desiree na hawak ang braso ni Azure. Napataas ang kilay ni Desiree.

"Anong problema mo? Mukha ba akong ikaw na patanga-tangang binangga ang coffee table?" tanong ni Desiree. Pinipigilan ni Tiago na tumawa. Kung hindi nahila ni Desiree si Azure kay Azure babagsak ang babae.

Napa-pokerface si Desiree. Akala siguro ng babae hahayaan ni Desiree na hawakan ng kung sinong higad ang isa sa mga boyfriend niya.

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon