Epilogue

1.6K 30 2
                                    

Epilogue
3rd Person's POV
Lumipas ang ilang taon,
Isa lang ang alam ni Desiree. Mahirap talaga ang magbuntis at isama pa iyong pag-aalaga ng bata.

Iyong siyam na buwan na paghihirap niya like— pagsusuka, pagiging sensitive niya at iyong paghilab ng tiyan niya lahat-lahat.

Naiiyak siya madalas lalo na kapag gigising siya na pinupulikat siya. Ang pinakamalala doon iyong pinapanganak niya na iyong panganay niya. Feeling niya mamatay siya dahil doon.

"Pero worth it naman. Gosh, ang gwapo ng anak ko," natutuwa na sambit ni Desiree habang buhat ang panganay niya na pinangalanan niya na Sanford.

Mag-iisang taon na ito ngayon. Nasa labas siya ngayon ng napakalaking mansion. Maganda daw kasi ang init mg umaga para sa mga baby.

Tuwing umaga nandoon siya at kinakausap ang anak nila.

"Honey, umupo ka muna."

Napatigil si Desiree matapos may humawak sa balikat niya at pinaupo siya sa isang upuan. Lumingon siya at nakita niya si Tiago.

"Tiago? Kanina ka pa ba nakauwi?" tanong ni Desiree. Hinalikan siya sa labi ni Tiago. Naka-business suit pa din ito.

"Kauuwi ko lang. Pagkababa ko ng sasakyan dito na agad ako dumiretso dahil alam ko nandito kayo. Hindi ka na naman ba nakatulog?" tanong ni Tiago. Umikot si Tiago at inipitan pa ng buhok si Desiree.

"Nakatulog ako. Umuwi si Azure kagabi siya nagbantay kay Sanford. Kaalis lang din niya kanina. Medyo worried nga ako kasi may meeting siya ngayon araw," ani ni Desiree. Kahit busy ang mga asawa niya hands on ang mga ito sa kaniya. After kasi niya manganak bumagsak ang katawan niya ng todo. Palitan ang mga ito sa pag-aalaga sa kaniya at sa baby nila.

Hindi din ng mga ito mapabayaan ang business nila dahil nga palagi ng mga ito sinasabi kapag nawala business nila hindi na nila mai-spoil si Desiree. Hindi naman siya gastadora.

"Day off ako ngayon. Gusto mo sumama kina Lucky? Nabanggit nina Fider balak ng mga iyon mag-shopping. Makipag-hang out ka muna sa mga kapatid mo," ani ni Tiago. Tumawa si Desiree at sinabing kahit makipag-hang out siya sa mga kapatid hindi niya din mai-enjoy iyon. Siguradong laman ng isip niya palaging ang anak niya.

Bahagyang lumuhod si Tiago at hinawakan ang pisngi ni Desiree.

"Then may gusto ka ba? Pagkain? Kahit ano ibibili kita," ani ni Tiago. Ngumiti si Desiree at sinabing gusto niya ng home made pizza ni Tiago.

"Okay gagawan kita ulit 'non. Dito lang kayo ni baby babalik din agad ako," ani ni Tiago at hinalikan siya sa noo. Hindi ni Tiago ginalaw si Sanford dahil nga hindi pa ito nagsha-shower. Natatawa na lang si Desiree sa pagiging over protective sa kanila ng tatlong lalaki.

"Azure, mukha kang zombie. Anyare sa iyo?" tanong ni Phinea. Tatawa-tawa pa ito matapos makita si Azure na naghihikab habang may dalang envelop at may mga kasunod na empleyado.

"Magandang umaga sister-in law," bati ni Azure. Natawa si Phinea. Hindi nga siya nito nakita kanina.

"Pinuyat ako ni Sanford. Masyadong iyakin. Hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang iyon," banat ni Azure. Nag-gesture siya sa mga empleyado na kasunod at parang sinasabi na mauna na ang mga ito.

"Curious din ako. Hindi naman ganoon si Desiree," natatawa na sambit ni Phinea. Tinanong ni Phinea kung kamusta si Desiree.

"Medyo nakakabawi na si Desiree. Nailalabas na din niya si Sanford at nakakalakad," ani ni Azure. Masaya ito masyado dahil safe na din si Desiree at stable na ang lagay nito.

"Natural lang iyon. Unang anak niyo si Sanford at nagkaroon ng komplikasyon si Desiree dahil masyadong balahura sa katawan ang babaeng iyon," ani ni Phinea. Nakipagkwentuhan si Phinea sandali then nagpaalam na din dahil ihahatid niya pa ang business plan na iyon sa mommy niya.

Sa mansion,
"Akala ko ba ayaw mo ng gamot?" tanong ni Loki. Napatigil si Desiree at lumingon. Nakita niya ang asawa na buhat ang anak nila at nilalaro ito. Nasa labas si Loki ng kusina at nakatingin kay Desiree na nakaharap sa table. Maraming lalagyan na nakakalat sa lamesa. Lahat iyon vitamins.

"Kung gusto ko humaba pa ang buhay ko kailangan ko makinig," ani ni Desiree. Tiningnan ni Desiree ang nga gamot sa lamesa.

Hindi siya nakinig noon kina Loki kaya muntikan na mawala si Sanford sa kanila. Nakita niya din umiyak sina Loki matapos nga bumagsak ng todo ang katawan niya after manganak.

Ang mga asawa niya ang nagdala lahat ng responsibilidad sa anak nila na dapat siya naman talaga. Like siya magpupuyat para patahanin ang anak nila at aluin ito.

Matapos inumin ang huling tableta ay uminom na siya ng tubig. Niyakap ni Loki sa likod si Desiree at natatawang nagsabi ng very good.

"Ginawa mo akong bata," ani ni Desiree na natatawa at bahagyang nilingon si Loki.

"Kapag tuluyan ka ng naka-recover bakasyon tayo. Dalhin ka namin nina Tiago sa magandang lugar," ani ni Loki. Sinabi ni Loki na magandang way din iyon para maka-recover agad si Desiree.

"Hmm, how about another baby muna bago vacation?" tanong ni Desiree. Nilambing niya si Loki.

"No," sagot ni Loki. Na-shocked si Desiree. Pati si Loki ayaw na din.

"Nainom na ako ng maraming vitamins. Malakas na din ako at promise hindi na ako maninigarilyo or iinom. Araw-araw na din ako mage-exercise."

Bumuga ng hangin si Loki sinabing okay na sa kanila si Sanford. Umalis si Loki sa kusina. Napa-what the fuck si Desiree.

Nireklamo ni Desiree iyon sa parents nina Loki at sa parents niya. Tawa naman ng tawa sina Ceres na nandoon din.

"Ano pa at tatlo sila kung hindi nila ako bibigyan ng maraming anak," pagmamaktol ni Desiree. Buhat ni Timothy ang apo niya.

"Desiree iba naman kasi kayo. Tatlo sila iisa kang babae. Isa pa, hindi ganoon kalakas ang katawan mo. Muntikan ka na kaya mamatay," ani ni Levi asawa ni Jasper. Nag-cross arm si Desiree at sinabing gusto niya pa ng anak.

"Huwag mo masyado i-push sina Loki. Baka mas lalo kang hindi bigyan ng mga bata na iyon. And worst magpa- vasectomy sila para mapigilan ka. Alam mo naman ang mga batang iyon hindi ba," ani ni River. Napasimangot si Desiree.

"Kausapin mo na lang sila kapag medyo malaki na si Sanford at healthy ka na talaga," dagdag ni Ceres. Tiningnan ni Desiree ang wedding pictures nila sa estante. Then mga baby pictures ni Sanford.

"What ever, siguro naman bibigyan din nila ako after mag- 2 year old ni Sanford," ani ni Desiree. Nailing na lang sina Paris dahil sa hindi pakikinig ni Desiree.

Sa isip ni Desiree magagawa niya din pilitin ang mga asawa niya. Wala siyang gusto na hindi masusunod.

Ano pa at naging siya si Desiree Ortega Lucero? Ngumiti ng matamis si Desiree at tiningnan ang wedding ring niya.

Gusto niya ng gumawa ng mga carbon copy ng mga asawa niya then isang girl. Sobrang cute 'non.

"Anong problema?"

Sandaling nilingon ni Tiago si Loki. Nagda-drive ngayon si Tiago. Sa passenger seat si Loki at nasa backseat naman si Azure na may hawak na ipad at mukhang may kausap ma investor sa kabilang linya.

"Bigla kasi ako nilamig," ani ni Loki. Natawa si Tiago at sinabing tumatanda na si Loki.

"Fuck off."

"Tara na umuwi na tayo. Siguradong bubungangaan na naman tayong tatlo ni Desiree kapag late tayo umuwi para sa dinner."

Pinabilisan ni Tiago ang pagpapatakbo ng sasakyan.

End of the Epilogue

Hopelessly, Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon