Wan

439 14 9
                                    


I really love birds.



Sobrang daming birds na nilikha para maging malaya sa mundo at mapasaya ang mga tao. Taong katulad ko.




Inirapan ko ang sarili ko tapos binura ang kanina ko pang tinype na description sa bagong gawa kong account sa isa na namang dating site. Ang OA nung naisip kong I LOVE BIRDS. Talagang halata na sabik ako sa birds. Kairita.


Paanong hindi ako makakaisip ng birds? Eh yung pangalan ng site mismo ay LOVEBIRDSFOREVER.COM, at saka sa totoo lang, I really love birds. Super. Mabalahibo kasi sila. At mapayapa.


Huminga ako ng malalim at nag-decide na mag-give up na lang. In-exit ko yung site na yun at binisita ang mga account ko sa ibang dating sites.


Meron akong apat, pero lahat nun wala pa ding progress. Puro ako yung laging nage-effort na makipag-chat at makipag-flirt. Tapos yung iba naman nagyaya agad ng SKYPE eh hindi ko pa nga alam kung anong favorite color niya! Mukhang mga maniac pa yung iba.


I gave out a sigh of surrender. Itataas ko muna yung puting bandila dahil nangangamoy tuyo na binabad sa suka na ako.


Sinara ko na yung laptop ko tapos dumeretsong shower. Naalala kong may promise akong lakad sa bestfriend kong bakla.


Minutes later, narinig ko na yung katok at alam kong si bakla na yun. Nagtapis ako at pinagbuksan siya. "Ang aga mo naman." Sabi ko sabay irap. "Early bird."


"Yvonne. How many times will I tell you not to walk around only wearing that?" Ang sama ng tingin niya sakin tapos parang inis siya na ewan. "Paano kung hindi ako yung kumakatok?"


Nangiti lang ako. Overprotective na bakla. "Tyrone, ang aga-aga ang barla mo na agad. Syempre hindi pa ko tapos? Duh?"


Hindi na nagsalita si bakla. Hinayaan ko na lang tapos pinanood ko siyang pakainin si Junior -- ang pinakamamahal kong parrot. Nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko itong baklur na ito. Sobrang swerte ko.


Pero mas nagpapasalamat ako na hindi ako nadudulas sa pagtawag sa kanyang bakla or Tyra Banks. Eh kasi hindi naman DAW siya darna.



At automatic na friendship over na kapag nadulas ako at natawag ko siyang bakla. Wala na akong lovelife, bestfriend pa ba?


"Ano pang itinatanga mo dyan? Bilisan mong maligo at nang makaalis na." Puna niya habang namumula. Galit agad?


"Hulaan ko. Na-basted ka na naman ano? Barla barla ever ka na naman dyan talo mo pa ang may reglang babae." Sabi ko habang nakapamewang pa. Siya na nga 'tong sasamahan sa lakad niya siya pa 'tong demanding! Nakakabarla na din.


"Hurry up." Sabi niya and giving me a blank expression. Inirapan ko siya tapos naligo na ako at nagbihis ng mabilis.


Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko si Tyrone na nilalaro si Junior -- yung parrot ko.


"Ty, baka ma-over busog yang junior ko wag mo na pakainin. Tara na." Sabi ko.


Nginitian niya lang ako tapos nangiti na din ako. Ganito kami lagi, kapag nagkakainitan o nagaaway, nagkakaayos din agad kami.


"I checked your laptop." Sabi niya. Nilingon ko yung laptop ko sa sofa couch na nakabukas na. "Honestly? Pinagkakaabalahan mo na naman yang mga dating sites na yan?"


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon