"What do you mean, you're not really engaged?" Naiiyak ako sa magiging reaksyon ni Tita Minerva ngayon. Yumuko na lang ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Tyrone. Ganun din ang ginawa niya sa kamay ko. In fact, parang mas mahigpit pa yung hawak niya.
Last night, Tyrone and I decided to tell his Mom the truth. Tama naman kasi na walang patutunguhan yung pagpapanggap at pagsisinungaling namin.
Kahit na maganda ang intensyon namin ni Tyrone kung bakit namin nagawa iyon, mali pa rin yung paraan na ginawa namin. We lied just to make someone happy.
I don't think that's an excuse.
"I'm sorry, Mom. It was my idea. I am really sorry." Narinig kong sinabi ni Tyrone. I looked up at him and saw his weary but sincere face towards his mother.
I really admire Tyrone when it comes to taking care of his mom. I know the very reason why he did this 'fake engagement' thing; to make his Mom happy.Sobra kasing delikado na ang condition ng Mom ni Tyrone noon. All of us thought it will be the end of her, so Tyrone decided to fulfill his Mom's wish; that is to settle down. I still remember the first time he proposed the idea to me.
Syempre umayaw agad ako. Pero dahil mahal ko ang kaibigan ko at si Tita, napapayag na rin ako. Months passed by and Tita Minerva's condition was improving.
Hindi na namin naisip na itigil. Sabi sakin ni Tyrone, hintayin na lang na gumaling na nang tuluyan si Tita bago namin sabihin.Hanggang sa ganito na nga ang nangyari. Okay na si Tita.
It's time to let her know the truth.
Hindi ko makayang titigan si Tita ng deretso. "Tita, sorry po. Sorry po talaga."
Hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi. Tahimik pa rin siyang nakaupo sa wheelchair. I don't have the strength to check her face to see if she's angry or crying or what.
So kay Tyrone na lang ako tumingin. Seryoso pa rin siya at halata sa mukha niya na nalulungkot siya sa nangyayari.I suddenly feel the need to hug him.
"Oh, come on, children. Don't fool the old hag." Then she laughed. Naramdaman kong sabay kaming napatingin kay tita at nagulat sa reaksyon niya.
"But, Mom---"
"Wag ninyo akong maloko-loko. I was not born yesterday, okay? Now let's have some lunch. Nagugutom na siguro itong si Yvonne." She smiled at me. "Will you help me set the table?"
"Ahm, a-ano... ano po kasi---"
"Mom, can you listen for a moment?" Ramdam ko na yung inis ni Tyrone. Binitawan niya bigla yung kamay ko tapos nilapitan yung mommy niya. "We are telling you the truth. Hindi kami totoong mag-fiance. It was all a lie. Mom please---"
"Anak, gutom lang siguro 'yan."
"MOM!" Sigaw ni Tyrone. Naku ito na nga ba ang sinasabi ko. Hinawakan ko kaagad si Tyrone para pakalmahin siya. Alam ko naman na wala siyang gagawing masama sa mommy niya.
Pero minsan kasi, hindi maawat sa kasisigaw itong si Tyrone kapag hindi naiintindihan yung point na ine-explain niya."Tyrone, kumalma ka lang. Sasampalin kita dyan." Bulong ko sa kanya. I watched him as he take a deep breath and face again his mom.
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
RomanceA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...