Tuwenti-Wan

115 5 0
                                    


"Miss Yvonne, paano nga ulit makakagawa ng color green? Paturo ulit." Mahinhing request ni Thea, ang aking student sa Arts. Isang linggo ko na siyang tinuturuan ng pagpipinta at syempre, dahil beginner pa lang siya hindi maiiwasan ang ganito.


Nginitian ko siya sabay silip sa gawa niya. "Mix blue and yellow." Sabi ko.


"Ah, I remember!" Sabi niya habang natatawa. "I thought art was easy. Mali pala ako."


Pinagmasdan ko yung pinipinta niyang puno. "Ganyan din ang akala ko noong unang sabak ko sa College of Arts. Akala ko gagawa lang ako ng something creative, at ayun na, art na yun. Pero mali pala."


"I am really happy that I get to have a teacher like you." Sabi niya na nagpakilig naman sa akin. I pat her shoulders and left her to finish her masterpiece.


Si Thea ay anak ng isa sa mga clients ko noon. She is a twelve-year-old beautiful girl na may sakit sa puso at kailangang hindi mapagod. To cut it short, naka-homeschool siya para makasabay pa rin sa mundo sa kabila ng pagkakaroon niya ng komplikasyon. Gusto pa rin ng mga magulang niya na makaranas si Thea ng close-to-normal na buhay, kaya ganito.


At kaya nandito ako. Dahil isa ako sa mga nagtuturo sa kanya.



Isang linggo pa lang kaming nagkikita at sobrang mahal ko na siya. Minsan iniisip ko sana noong namatay sina Mama at Papa, sana may kapatid ako. Para hindi naman ako alone.


Pero hindi eh, siguro tadhana ko talagang hindi maging masaya.


Two hours lang ang session namin ni Thea kada araw. I checked my phone to see if we still have time. Ten minutes na lang. "Thea, kung hindi mo matatapos 'yan, sa next meeting na lang natin. Okay?"


Nilingon niya ako at nginitian. "Okay. I will surprise you."


"Good. May oras pa naman, kaya gamitin mo pa rin." Sabi ko. Tinignan ko yung mga missed calls at unread messages ko.


Lahat galing kina Shiela at Eurrise.


Puro sorry, at puro babawi na lang raw sila. Hay nako. Isang linggo na rin simula noong mangyari ang hindi inaasahan sa akin. Naisuko ko ang Bataan sa hindi ko pa kilala kung sino, at wala man lang kaalam-alam itong dalawang kasama ko kung saan ako napadpad noong gabing iyon.


Ang ikinagagalit ko, hinayaan nila ako. Walang pake!


Napapikit ako at huminga ng malalim. Grow up, Yvonne. Grow up. Alam mong hindi nila kasalanan ang pagkawala ng Virgin coconut oil mo. Hindi sila ang lumandi at sumama sa Unidentified Hot Guy sa hotel. 


Hindi sila ang lumandi at nag-spread ng legs para magpaangkin. Hindi sila ang lumandi at humarot. Ikaw. Ikaw, Yvonne.


Grow up and stop blaming others, Yvonne. Masakit man ang nangyari na ang first mo ay hindi mo naibigay sa taong mamahalin mo ng habambuhay, kailangan mong tanggapin at harapin iyon.

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon