Nadatnan kong mag-isa si Lawrence sa waiting area ng ospital. Hindi niya pa napapansing nakarating na ako kaya hindi ko muna in-announce yung presence ko.
I stared at the crying man. Nakapalumbaba siya habang nakangiti at paminsan-minsan ay hinihilamos niya rin ang mukha gamit ang kamay niya.
"Anong nangyari?" Sabi ko noong hindi ko na makayanan ang ginagawa niya sa sarili niya. Agad na nag-angat ng tingin si Lawrence.
"Yvonne." He pulled me for a tight hug. "Thank you for doing this, thank you."
"Relax. Anong nangyari?" Sabi ko noong makaupo na kami.
"We were celebrating our monthsarry at my place..." Napairap ako sa kwento niya, and thank God hindi niya nakita 'yun. "We had this little argument at bigla na lang siyang nag-freak out." He said while gesturing his hands in the air. "Hanggang sa nahihirapan na siyang makahinga... I don't know what was wrong with her... hindi ko alam..."
"Okay. Relax lang, kundi sasabunutan kita." Sabi ko.
"Did you tell her Granny about this?"
"Oo naman. Noong papunta pa lang ako tinawagan ko na siya. Sabi niya paparating na raw siya. She was freaking out too. Nagmana si Macy sa kanya." Sabi ko sabay tawa ng konti. Okay, maybe not the right time to joke.
"Where is she?"
Napalingon kaming dalawa ni Lawrence sa may-ari ng boses. The owner of the voice was mad and panting and coming towards us. "Where is she?"
Saka ko lang natandaan yung mukha niya noong nakalapit na siya at kinuwelyuhan si Lawrence. Arc Angel! Si kuyang killer! Agad ko silang inawat kahit na takot din ako sa mangyayari. "Hep, hep. Nasa ospital tayo, bawal ang barbie. Bawal ang gulo." Sabi ko habang pumapagitna sa kanila.
"Where is my sister?" Hinarap ko si Arc Angel na galit na galit. "Why are you here?"
"Relax lang, sir. Okay?" Pinara ko siya ng kamay ko habang nilalabanan ko ang sarili kong tignan siya sa mata dahil sobrang nakaka-intimidate siya. "Ako yung tumawag kay Mrs. Mendez, okay? Relax lang tayo. Nasa ER pa rin siya."
"What happened to her?" He caught my arm, and automatically my eyes were like magnet to his. Para akong napatanga sa ginawa niya. "Did she pass out?"
"Yes. Nawalan siya ng malay nung nahirapan siyang makahinga." Paliwanag ni Lawrence. "You can let her go, man. Natatakot si Yvonne sa'yo."
He let my arm go and took a seat across us. "The girl was always stubborn. She doesn't know what could kill her."
"Excuse me? May sakit ba si Macy?" Tanong ko sa kanya, at nakatanggap ako ng masamang tingin. "Okay lang kahit di mo sagutin."
"This will not happen if you did not introduce this bastard to her." Mas dumoble yung pamatay niyang tingin. Pakiramdam ko at any moment may kakain na ng buo kong katawan. Kaya ibinaling ko na lang kay Lawrence yung tingin ko. Nakayuko siya at para bang wala siyang magawa kahit kakatawag lang sa kanya na 'bastard'. "If she didn't meet him, she won't be here in the first place—"
![](https://img.wattpad.com/cover/42801861-288-k860781.jpg)
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
Storie d'amoreA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...