Payb

191 7 12
                                    


Pagdilat ng mata ko, napatayo ako bigla.


Nasa apartment ako. Check.


Wala akong katabi. Check.


Hindi masakit si little Yvonne. Check.


Hindi ako nakahubad. Chec---


Napasigaw ako. Bakit ganito na yung suot ko?! Bakit nakapantulog na ako?!


"Tyrone?!" Sigaw ko nung nakita ko siya sa salas na nakahiga paglabas ko ng kwarto.


"What?" Sabi niya.


"A-anong nangyari sakin? May nangyari ba satin? Ano ginawa mo?! Papatayin kita--"


"Listen. Pinalitan ko lang yung damit mong may suka. Wala akong... ginawa sayong kalokohan." Sabi niya tapos bumalik ulit sa pagtulog.


"SO NAKITA MO LAHAT NG TINATAGO KONG YAMAN DITO?!" Sigaw ko sa kanya.


"Lugi pa nga ako." Sabi niya. Binato ko siya ng unan. "Fine! Nakita ko. But of course I wasn't attracted that much. Para lang akong nagbibihis ng bata."


Aba ako talaga inaasar nitong baklang to.


"AH GANON? PWES LUMAYAS KA DITO SA BAHAY KO! WALANG HIYA!"


"Yan ba ang thank you mo sa ginawa ko sayo kagabi?" Tinignan niya ako ng masama. Na may halong pang-yayamot.


"May trabaho ka pa diba? Lumayas ka na. Bago pa mandilim paningin ko sayo." Sabi ko sa kanya tapos deretso ako sa kusina. Nagluto ako ng paborito kong almusal - itlog - at kumuha ng chocolates sa ref.


Sinilip ko sa salas si Tyrone pero wala na siya. Buti naman. Sira ulo siya.


Bakit ba ang galing-galing niyang manira ng araw ko?! Bwisit talaga siya. Sana makaapak siya ng tae sa labas tapos magkalat siya sa trabaho niya. Sana rin maamoy ng mg aka-opisina niya yung tae niya para masira ang maganda at hot niyang image.




Teka, bakit may hot?


Pero yung fact na nakita ni Tyrone yung buo kong katawan -- I can't imagine it! Feeling ko napakarumi ko na! Paano na yung mapapangasawa ko sa future? Ano na lang ang sasabihin niya sakin?!


--


"Wow. Ang ganda. Galing mo talaga." Sabi ni Mrs. Mendez. Isa sa mga bumabalik na client ko. Pumunta siya sa studio ko para kunin yung portrait na ginawa ko para sa kanya. "Paano pa kaya kapag pumunta pa ako sa exhibit mo next month? I'm sure mauubos ang pera ko sayo."


"Thank you, Maam. Basta ikaw." Sabi ko habang nakangiti. Ibinigay na niya yung bayad niya at umalis na.


I went back to work to finish my collection. Actually, hindi ako masyadong confident sa collection ko ngayon para sa darating na exhibit next month.


Seeing my works, I know there's something off. Feeling ko may kulang. Pero dahil malapit na ang exhibit, hindi na ako nagplanong ibahin yung concept ko. Bahala na kung walang magandahan at mahumaling na bilhin ang mga gawa ko.

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon