"Shit naman, sandali lang!" Sigaw ko habang pinipilit ko yung sarili kong tumayo sa kama ko. Kanina pa kasi may kumakatok, napakabastos. Ano ba ang ibig sabihin kapag walang nagbubukas? Diba meaning nun tulog pa yung tao sa loob?
Di magets?
Padabog akong lumabas ng kwarto ko. Napatid pa ako sa bote ng beer sa sahig. Pucha ang sakit talaga ng ulo ko. Binuksan ko yung pinto. "Ang aga-aga Lawrence ha."
He looked... confused. "9:30 am na." Sabi niya.
"Anong pakialam ko sa oras ngayon? Maaga pa rin sakin yun no. Do you need something from me? Kung wala pwede bang paki—"
"Uhm, ngayon yung photoshoot?"
Photoshoot. Okay. Matagal kaming nagkatinginan ni Lawrence bago mag-sink in sa tumitibok kong utak yung sinabi niya. "Give me five minutes!" Sinara ko ulit yung pinto at tumakbo papasok sa banyo.
Yung five minutes ko naging fifteen. Patawarin sana ako ni Mrs. Mendez.
"Dapat kasi nagyaya kang uminom. Para may umawat sayo kagabi." Sabi ni Lawrence habang nagmamadali kaming maglakad papasok sa village kung nasaan nakatira si Mrs. Mendez.
Hindi nagdala ng sasakyan si Lawrence dahil akala niya sa studio ko gagawin yung photoshoot. Kaninong kasalanan? Sakin. Wala kasi akong sinabing detalyadong bagay sa kanya. Oras at lugar ko lang.
Gago ka, Yvonne. Napaka-gaga mo ngayon.
"Ano ba kasing problema mo at uminom kang mag-isa?"
"Shut up, Lawrence. Please." Inirapan ko muna siya bago ako naglakad ng mabilis. Walang effort na nakasunod si Lawrence. Ang haba kasi ng biyas.
"Really, okay na tayo diba? We're friends so tell me if you need my—"
"Oo, friends na tayo. Kaya wag kang gagawa ng ikabubwisit ko, okay? We are here to work. Professionally. So please, walang asaran ngayon."
"But you promised me lunch today."
"Sinabi ko yun?"
"Hi, good morning! Mukhang na-traffic kayo sa daan ha!" Bati sa amin ni Mrs. Mendez. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay niya at kanina pa siya naghihintay. "Kumain na ba kayo?"
"Ahm, okay na po, Maam." Sabi ko. "Sorry po kung napaghintay namin kayo."
She smiled at me. "No, it's okay. Hindi pa rin naman kumpleto ang family ko. May tatlo pang kulang eh. Yung dalawa kong apo at yung anak ko." Sabi niya. "Come in, come in."
Pumasok kami sa mala-masyon niyang bahay. Sa salas may limang nakaupong babae. Tatlong bata – well, kasing edad ko siguro – at dalawang teens.
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
RomanceA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...