Tuwelb

116 4 0
                                    



"Seryoso ka talaga?" Sabi ko. "Seryoso kang hindi ka nagpa-reserve sa restaurant na 'to?"



Tumawa lang si Lawrence. "Yep." Inabutan niya ako ng isang stick ng fishball. Nandito kami sa isang fishball stand sa tapat ng restaurant na sinabi niya. "You told me you want chibog. So I canceled the reservation at naisipan kong dito na lang tayo."



"Ah. So eto na yung dinner." Hindi naman ako masyadong disappointed. Hindi ko lang in-expect. "Buti na lang hindi ako nagmaganda ng malala para sa dinner na ito. Buti tinamad ako mag-ayos." Tumawa na naman siya. Sige, pagtawanan ba naman ako.


Kumuha pa ako ng stick at tumusok ng kwek-kwek. "Hoy libre mo 'to ha. Pan-taxi ko lang yung budget ko dito." Tumango-tango siya habang kumakain. Buti na lang at iniwan ko ang poise ko sa bahay at umatake ang pagiging lamunera ko.


"Nirentahan ko 'tong si Manong kaya. So eat all you can, Maam!" Sabi niya. Muntik naman akong mabulunan. Nirentahan? Jusko.



"Akala ko simpleng dinner lang 'to. Eat-til-you-drop dinner pala." Inirapan ko siya.


"Aren't you happy? You want to go somewhere else? Tuloy ko sa restau?"


"Wag na. Ginanahan na ko dito eh. Baka masira pa tyan ko pag lumipat tayo."


Pinilit kong hindi na ako ihatid ni Lawrence. Pero sabi niya, "Since you want this to be the last time, please let me drive you home." Kaya ngayon, inihatid niya ko.


Hindi muna ako bumaba nung huminto na yung sasakyan.


"Miss Deladia, apartment mo 'to diba?" Tanong niya sakin.


"Oo."


"Bakit parang... ayaw mo pang bumaba?"


"May sinisigurado lang ako." Sabi ko. Tinignan ko ulit yung paligid and searched for Tyrone's shadow. Negative. "Sige, salamat. Goodnight." Binuksan ko na yung pinto—


"Wait." Tinignan ko yung kamay ni Lawrence sa braso ko. Binitawan naman niya agad. Buti nadadaan ka sa tingin. "You have to forgive me, Miss Deladia." Sabi niya.


"Bakit naman?"


"I won't stop." Sabi niya habang nakangiti. "I'm sorry."


Ano bang sinasabi niya? "Di ko gets. Anong 'I won't stop'? Eh nakahinto naman na yung kotse mo? Duh?" Bumaba na ako sa takot na baka humarurot siya ng takbo at kidnapin ako or whatevs. Pero tumawa lang siya.


"See you." He closed the door and drove.


"Nalasing siguro sa suka ng kwek-kwek yun." Sabi ko. Kinuha ko na yung susi sa bag ko nung napatid ako sa isang bote sa sahig. Tapos yung bote na yun gumulong hanggang sa nakita ko si Tyrone na nakahandusay sa gilid ng pintuan ng apartment ko.


"Damn. What took you so long?" Sabi niya habang tumatayo. Naamoy ko yung alak sa bibig niya. Tapos dun ko lang napansin na hindi lang isang bote yung nasa sahig.



Lima. Five fucking bottles.


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon