Nayn

127 5 0
                                    


Sa dinami-dami ng pwede kong makabanggaan sa grocery, bakit yung taong nakakailang pa!?


"Hi." Eurisse smiled at me. "It's been a while."


I gave him an awkward smile. Kundi lang dahil sa singsing na suot niya ngayon, mai-inlove talaga ako sa pogay na ito. "H-hello."


Tinignan niya yung basket na dala ko. "Himala. Wala kang chocolates?" He asked in disbelief.


"Ah. Kasi ano eh... yung friend ko dinalhan ako ng isang katutak na chocolates. Saka nagtitipid na din ako." Paliwanag ko. Nginitian na naman niya ako ng makalaglag panty. Yvonne! Stop it! Parehas kayo ng gusto okay? Parehas ibon ang target ninyo! Get a grip!



"Ah, I see." Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin. "What a sweet lover he is. Siya ba yung guy na nakita ko sa tapat ng pinto mo last week? I think he stayed there waiting for you hanggang umaga."


Iniisip ko na hindi magagawa ni Tyrone iyon dahil in the first place, tumatawag yun kapag pupunta siya sa apartment ko.


Then I realized na si Lawrence pala yung lalaking tinutukoy niya!


"Ahh. Yun ba? W-wala lang yun." Sabi ko at itinuon ko ang focus ko sa hawak-hawak kong sabon panlaba. "Ay sosyal, seven fifty na lang yung Ariel?" tapos nilagay ko sa basket ko yung sabon.


"Ooooooh. Looks like nag-away kayo ng lover mo ha." He grinned. "Patawarin mo na."


I rolled my eyes at him. Kung alam mo lang talaga!



"H-hindi ko siya boyfriend or lover o kung anuman." Nauna akong pumunta sa cashier at sumunod siya sakin.


Mas lalong naimbyerna ang buhay ko nung makita ko yung parehas na babaeng cashier na sinopla ko noon.


"Go, girl." Narinig kong bulong ni Eurisse sa likod ko. Nanimangot yung mukha nung cashier pero ginawa niya pa din yung trabaho niya.


"Wala po ba kayong iiwanan na item, Maam? Baka po kasi magkulang yung dala ninyo." Tanong sakin nung babae. Namula yung mukha ko.


Aba aba talaga nga namang sinusubukan ako ng babaing ito. I smiled sweetly. "Ah, no. Bibilhin ko yan lahat." Kulang na lang sabihin ko sa kanya na kaya ko siyang bilhin eh!


"One hundred and sixty two pesos, Maam." Sabi niya sabay peke ng ngiti sa akin. Bitch. I know better.



"Oh, wait." Binuksan ko yung wallet ko at binigyan ko siya ng isang libong malutong. "Wala akong barya eh, sorry." Sabi ko while looking innocent. "Ikaw meron?"


"That's my girl." Sabi sakin ni Eurisse nung makalabas na kami ng store. "Hey, busy ka ba mamayang gabi?"


Inisip kong tapusin yung collection ko mamayang gabi pero nai-stress talaga ako. Wala pa namang pumapasok sa utak ko kapag urat ako. "Wala. Wala naman. Bakit?"


"Great!" Sigaw niya sabay palakpak. Ngayon ko lang nakita ang kalandian niya. "Samahan mo ko sa bar! Let's have some hot night." He winked at me.


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon