Tu

272 9 8
                                    

Kung may pagkakataong gusto kong maging bulag at bingi ako, actually eto na yun.


"Ano ba yan, baby, wag kang malikot. Mahihirapan si Miss Yvonne na i-drawing tayo." Sabi nung client kong babae sa malanding kasintahan niya.


"Hindi yan. Pa-kiss lang ako. Isa lang." Sabi naman ng chakang lalaking ito.


Inirapan ko silang dalawa kahit di nila ako nakikita. Nag-ehem sound ako at tumigil sila. Bwisit na mga nilalang ito. Gawin ko silang caricature ehh!


"Ahm, pwedeng wag kayong masyadong maland--- magalaw? Baka maging doodle itong ginagawa ko." Sabi ko. Akala ko epektib yung pagtataray ko pero natawa lang sila.


Nako talaga. Kundi lang mataas ang bayad nila sa akin eh. Hindi ko gagawin ito.


Actually hindi ako tumatanggap ng trabaho na kailangang live ko silang ipipinta dahil hindi nga ako sanay sa ganoon at gusto ko ako lang mag-isa kapag pumipinta. Pero si Tyrone mismo ang nagrecommend sa kanila na kunin ako kaya why not? Pera na ito!


Pero ang lalandi pa din nila. Sana hindi magtagal yung pagsasama nila.


Isang oras na kalandian at lampungan ang nagdaan nang natapos na talaga akong kopyahin sila. Ipinakita ko sa kanila yung mukha nilang ewan at satisfied sila. Umalis na sila at ibinigay ang paunang bayad habang ako, tinatapos ang painting.


Nawalan ako ng ganang pagandahin pa lalo yung painting kaya ang simple lang ng dating. Wala naman kasing espesyal na feeling ang naramdaman ko noong pini-paint ko ito at lalong hindi ako na-inspire sa kanilang dalawa. Bwisit.


Kinulayan ko lang tapos okay na. Bahala na kung madismaya sila. Eh sa hindi ko feel na ipinta sila.


Lumabas ako ng studio ko at pumasok sa apartment. Magkatabi lang sila kaya ang gaan ng buhay ko lagi. Binuksan ko yung ref ko at lalong nadismaya sa nakita ko.


Wala na pala akong stocks! Bwisit.


Napahinga ako ng malalim. "Hooooopiaaa... Yvonne... hooopiaaaa..." At talagang inaasar pa ako ngayon ng Junior ko. Leche ding Tyra na yan kung makapagturo ng mga kagaguhan sa bebe bird ko.


Bwisit talaga. Sinalpak ko yung earphone ko sa dalawa kong tenga at nagpatugtog.


I have no choice but to go to the nearest grocery. Buti na lang at may tabi pa akong extra money at nagbayad ng kalahati yung clients ko.


Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na grocery. Bumili ako ng mga biscuits, cold cuts, fresh eggs at kaunting fruits and vegetables para naman mabuhay pa ako. At hindi ko makakalimutan ang mga chocolates ko. Kumuha ako ng pang-isang buwan na lamunan ng chocolates.


Lumukot yung mukha ko nung nakita ko yung presyo ng mga nakuha ko. "That would be two thousand and one hundred three pesos and sixty five centavos." Sabi nung babae sa cashier. "Maam?"


"Ah, ano, naalala ko na hindi na pala nagpapabili yung... yung boss ko ng chocolates. Teka... tanggalin mo na yung mga chocolates, please." Sobrang nakakahiya! Nakita kong medyo nainis yung cashier. Anong magagawa ko eh kapos ako ngayon! 1,990 lang ang dala ko ehh!

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon