Huli na noong napagbuksan ko na ng pinto si Arc bago ko ma-realize ang suot ko at ang lagay ng mata ko. Isasara ko pa sana ulit kaso humarang na ang malaki at (masarap) na katawan niya sa pintuan. He reached for both of my arms and began to search for something. Tinignan niya ko simula ulo hanggang paa.
"Teka lang," protesta ko noong sinusubukan kong bawiin yung mga kamay ko. "Ano bang ginagawa mo? Anong trip mo?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.
As if he was satisfied, he let go of my hands. Pero this time hinawakan naman niya yung mukha ko. "Are you feeling well? Papasok ka ba ngayon?" Juskupo yung tingin niya. Pakibalik na po yung mga hangin sa katawan ko please mamamatay na ko dito. Gusto ko pa siyang jowain.
Kahit na labag sa kalandian ko, nilayo ko yung sarili ko sa kanya. "Bakit ka ba nandito?" I glanced at the clock. "Jusko anong oras pa lang. Seriously, nambubulabog ka ng bahay ng alas syete?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Parang eraser yung ngiti niya dahil nabura na agad yung pagkainis ko konti. "I'm here to give you a ride." Lumapit na naman siya at hinawakan yung pisngi ko. "You didn't get enough sleep? Napuyat kang iniisip ako?"
Pasalamat siya gwapo siya para bitawan ang joke na 'yun. Kung hindi baka ngayon pa lang dumadanak na ang dugo. "Hindi ako papasok. Wala kaming session ni Thea ngayon kasi..." napahinto ako sa pagkukwento. "Sorry, madaldal."
"It's nothing to me," bulong niya tapos saka niya ko hinalikan... sa noo. Sa noo lang!? "I love it when you open your mouth and speak your mind."
Sorry sa mga factory ng asukal or sugarcanes lugi na kayo. "Wala kang trabaho?"
He looked smug when he smiled. "No need for you to worry about my schedule." Naramdaman kong bumaba yung mga kamay niya sa... sa... "I work whenever, wherever, and however I want."
Pinilit kong ngumiti. "Kung gusto mong mabuhay pa at magkalat ng lahi, tatanggalin mo 'yang mga kamay mo sa pwet ko." How can this man be so infuriating?!
Hindi niya tinanggal. "You don't sound so rude the last time I touched this—"
I cut him off with a kiss. When I think he was enjoying and became demanding, saka ako lumayo sa kanya. He just gave me a look saying you will pay for that later. Pero nanatili ako sa pwesto ko malayo sa kanya. "Seriously, Arc, kung anumang balak mo ngayon ituloy mo."
The excitement died down and he sat on the couch. "Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka umiyak kagabi." He challenged my gaze, hanggang sa ako na lang ang sumuko. What's with people who can read faces and observe like a freak?!
"Umiiyak ako sa mga movies. Pinagpuyatan ko yung bagong K-drama." Palusot ko. Alam ko namang hindi niya tatanggapin yun pero hindi niya kailangang malaman. "At balak kong manood maghapon dito sa bahay ng walang nilalang na mang-iistorbo—"
"You are easy to read, but hard to understand." He whispered. "Now tell me the real reason why you cried."
Napahawak ako sa bewang ko. "And you are worried because...?"
"You will soon be mine and I don't think we should start this relationship with keeping secrets. Tell me." Nawalan na naman po ako ng hangin sa katawan sa binitawan niya. Relationship?
"Arc..." dahan-dahan akong lumapit sa kanya nang hindi binibitawan yung tingin niya. "Sinasabi ko sayo, kung ano man yung balak mo sakin, sabihin mo na. Don't play this game. Your words are sweet and tempting, but if you just want me to fill you needs then you should go." Napaiwas ako ng tingin noong nag-iba yung mukha. "I am... looking for..." lecheng plema ito ang galing umeksena! "I am looking for love and... this will be my first. What I'm saying is..."
![](https://img.wattpad.com/cover/42801861-288-k860781.jpg)
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
RomansaA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...