Por

209 9 7
                                    


Busy akong tumitingin ng mga paint brush nung tumunog yung phone ko. Nangiti ako ng bongga nung makita ko kung sino yung nag-text.



From: Eurisse
Message: Hi, Yvonne. Free ka ba ngayon? Wanna have some lunch together? Dito sa apartment ko? I have something to show you.




This is it! Gusto talaga ako nito ni Eurisse eh. As in. Kasi naman. Simula nung ibigay ko sa kanya yung number ko last week, text siya ng text. At hindi ako ang nauuna! Siya palagi ang nagte-text!


Nararamdaman ko na ang salitang "love" sa life ko. Eto na yun!


Ni-reply-an ko siya. Sige. Sakto dahil pauwi na ako. See ya :-)



Binili ko yung mga paint brush at dali-daling umuwi ng bahay. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng dress. Tapos nagmake-up ako ng konti. Tapos nagpabango at nag-tooth brush.


Tumunog uli yung phone ko.


"Hello? Ahm, paakyat na ako wait lang. Sorry ha ang tagal ko ba---"


"Huh?" Boses ni Tyrone yung narinig ko.



"W-wala. Bakit ka tumawag?" Sabi ko. Sobrang na-badtrip ako sa kanya nung nakaraang linggo.


"Buksan mo yung pinto."


Yung magandang araw ko tuluyan nang nasira. Pinagbuksan ko siya at nagulat sa nakita ko.



Isang boquet ng white roses at may isang malaking box ng Kisses. As in box talaga!



"Anong drama yan?" Sabi ko.


"I wanted to thank you the last time you... went to my house and...." Napakamot siya ng ulo. "I'm sorry. I went too far."


"A for the effort. D for the sincerity." Sabi ko. Kinuha ko yung roses tapos yung box ng chocolates. "Thank you pa din. Sige na alis na--"



"May lakad ka?"



"Oo. Niyaya ako mag-lunch ni Eurisse sa apartment niya."


"Saan?"


"Sa third floor lang."


"Ngayon na? Wala pang tanghali ah."


I rolled my eyes at him. "Wag mong umpisahan, Tyrone." Sabi ko.


Ngumiti lang siya. "Okay. Papakainin ko muna si Junior. Sige na alis na."


"Behave. Wag mong galawin yung laptop ko." Sabi ko. Tapos nun umakyat na ako ng third floor. Kumatok ako sa room 305.


Pinagbuksan kaagad ako ni Eurisse. Ngumiti siya at tinignan ako simula paa hanggang ulo. "Wow. You look perfect."


I smiled. Eto na talaga yun. "Salamat. Naghintay ka ba ng matagal?"


"No, it's okay. May ipapakita ako sa'yo." Sabi niya. Tuluyan niya akong pinapasok sa apartment niya.

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon