Basang-basa ako at hingal na hingal nang nakarating ako sa mansyones ponyetes ni baklang Tyrone.
"Tyrone? San ka?" Sigaw ko. Pumunta ako sa sala at sa kusina. Tapos sa kwarto. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya tapos nakabalot siya ng kumot.
"You're late." Sabi niya habang nakapikit. Nagpunas ako ng kamay at nilapat ko yung kamay ko sa noo at leeg niya.
"Ang init mo." Sabi ko.
"Ang lamig ng kamay mo." Sabi niya. "Don't touch me until you're dry enough."
"ANG ARTE MO! Sampalin kita dyan eh." Sabi ko.
"Fine. Patuyuin mo muna yung sarili mo bago mo ko hawakan. Nilalamig nga kasi ako. Gamitin mo muna yung mga gamit ko dyan. Wag mong guguluhin ha."
"Arte arte talaga siya na nga 'tong tutulungan." Sabi ko. Ginamit ko yung towel niya at kumuha ng extra t-shirt at pants.
"Shit. Don't tell me dito ka sa harap magbibihis? Dun ka sa labas." Sabi niya. Pero di ko siya pinakinggan. Alam kong hindi niya ako bobosohan at kung makikita niya, hindi siya mae-excite or what. Bakla kasi nga siya.
"Damn it, Yvonne." Sabi niya nung tuluyan na akong naghubad at nagbihis ulit. Sus inggit ka lang sa sexy body ko.
"Oh ayan na. Tuyo na ako." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ulit yung leeg niya. "Wala akong dalang thermometer. Meron ka?"
"Wala." Sabi niya habang nakapikit. Namumula siya sa sobrang init.
Kumuha ako ng mga kakailanganin para pababain yung lagnat ni bakla. Pagkaakyat ko sa kwarto niya nakaupo siya sa kama niya. "Oh? Humiga ka lang." Sabi ko.
"Akala ko lumabas ka pa para bumili ng thermometer. Mababasa ka ulit." Sabi niya. Tinignan ko yung nakakaawang pes niya.
Hay si bakla, kaya mahal na mahal ko 'to eh. Kasi naguumapaw ang concern sa akin kahit kailan. Kung lalaki lang 'to, jinowa ko na 'to eh. Ang kaso, parehas kaming eba na naghahanap ng ibon. So wit na wit.
"Ano ako tanga? Saka ayoko na mabasa no. Sige na. Hubad."
"You're kidding." Sabi niya. Tinaasan niya ko ng kilay. "Why do I have to--"
"You know, para punasan ang katawan mo. Para bumaba ang init ng katawan mo. Para gumaling ka agad. Para masaya na tayong dalawa." Sabi ko. "Hubad."
"Damn it." Narinig kong binulong niya tapos naghubad na siya ng t-shirt.
Napanganga lang ako sa katawan niya. Perfect. Grabe may muscles and abs nga pala itong lalaking to? Hindi ito ang first time na nakita ko siyang nakahubad. Pero shyeeet. Nakumbinsi tuloy ako na siguro hindi siya bakla.
Matagal kaming nagkatinginan ni Tyrone. Hala feeling ko hindi ko na siya matatawag na Tyra or baklur. Ngayon ko lang siya nakita na lalaking may abs at lawet. Syeteeee.
"Hey. What are you looking at?" Sita niya.
"Abs mo-- este ang sabi ko bakit ka kasi nagpabaya sa sarili mo?" Tinanggal ko muna yung kalandian at kalaswaan sa isip ko. Tumabi ako sa kanya tapos nagsimulang punasan yung mainit --as in super hot talaga-- na katawan niya gamit yung basang towel.
Huminga na naman siya ng malalim. "I have no choice but to work." Sabi niya.
Oo nga pala. Siya ang breadwinner ng family nila. Tapos nasa ospital pa si tita at sobrang laki ng gastos. Kailangang kumayod ni Tyrone ng bongga para magkapera. Tapos minsan pasaway pa akong kaibigan. Minsan pabigat pa ako. Minsan nangungutang pa ko. Minsan dumepedende rin ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/42801861-288-k860781.jpg)
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
RomanceA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...