Tuwenti-Payb

118 4 0
                                    

A/N: Pssst! Kung bata ka pa at binabasa mo 'to, huy, mag-anime ka na lang muna. This chapter has something... you know. Sa mga adults: enjoy mga beshie!

_____


Ding-dong!



Napamura ako ng malutong. Kung sino ka mang bwisit ka makakatikim ka talaga sa akin. Minadali ko yung sarili kong umihi, yung tipong pwersado pa, para lang mabuksan agad yung pinto. "Sandali lang!" Sigaw ko, sa pang-apat na pagkakataon.


Pero pag unang biyaya ng tubig sa umaga sobrang haba at tagal.


Ding-dong!


Ding-dong!


"Isa pang ding-dong dyan iuumpog ko yang ulo mo sa pader!" Sigaw ko ulit. Noong natapos na ang unang seremonyas, agad-agad akong naghugas at nagpunas, tumakbo sa labas para pagbuksan ang pinakaunang tao na sisira ng araw ko.


Or maybe I'm wrong.


Sabay ng pagbukas ng pinto yung paglaglag ng panga ko. I blinked several times. Jusko panaginip ba ito? Siguro panaginip ito. Pero umihi ka na, Yvonne! Ibig sabihin...


Ibig sabihin naihi ako sa kama at panaginip lang itong nakikita ko? I tried to slap my face. Hindi. Gising na gising ako. At tama itong nakikita ko.


"Charming." Sabi niya. "I was gone long enough to give you chance to change." He eyed me from head to feet and smiled. "... and here I am, looking at someone who's still stupid."


Tyrone!


Napangisi ako ng pagkalaki tapos niyakap siya ng mahigpit. "Oh my God! Bumalik ka na nga! Oh my God, Tyrone!" I shouted and cried at the same time while jumping nonstop. God, I missed this monkey friend of mine so much!


"Is that your new way to say goodmorning?" He muttered, then I felt his hands around me, pulling me closer to him. The contact made me jolt, kaya kumawala kaagad ako sa yakap niya. Matagal kaming nagkatitigan.


Sa tagal ng tinginan namin, alam kong naalala niya rin yung mga huling nangyari noong huli kaming nagkita. We both remembered the reason why he went away. Unti-unti kong naramdaman yung pagkailang hanggang sa napalayo ako ng dalawang hakbang.


I stared at my feet.


"So... how have you been?" Matagal kong inisip yung English na yan sa haba ng oras na nakalipas sa amin. Ang hirap pa naman mag-english kapag bagong gising. "Tapos na ba yung inaasikaso mo sa... sa States?"


You were gone for a month you bastard.


"Yes." He whispered. "Ikaw? Kamusta ka?"


So many things happened when you went away. Gusto kong i-kwento lahat lahat ng nangyari sa akin sa loob ng isang buwang wala siya. But I can't open my mouth and start to talk about... about that thing and that man. "O-okay lang. Ganito pa rin."

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon