Think of anything, basta wag lang siya. Anything but him!
Chocolates. Hay, ang chocolates ko sa ref—na puro galing kay Tyrone.
Yung mga paintings ko sa studio! Yun! Tama! Tinulungan ka ni Tyrone na pintahan at ayusin ang studio na yun. Siya rin ang pumili ng kulay ng tiles.
Yung baby Junior ko! Right! Siya yung unang nagpaamo nun kaysa sayo.
I groaned and cursed in surrender. Sinabunutan ko yung sarili ko at inuntog-untog yung ulo ko sa dingding. Hindi na ba mawawala yung isip ko sa kanya at sa mga narinig ko sa kanya kahapon? "Hindi pwede! Hinde! Hinde!
"Suskupo, Yvonne Deladia," sabi ko sa sarili ko. Feeling ko ang lugmok-lugmok ko. Feeling ko isa ito sa pinaka-tangang bagay na nangyari sakin. Ang isipin na... "Hindi talaga pwede, Yvonne, okay? Para mo na siyang kapatid eh. Sobrang tagal na ng friendship niyo, wag kang mag-isip ng ganyan!"
Pero kasi...
"You sounded like you're jealous."
"Really? Well, maybe."
"Really? Well, maybe."
"Really? Well, maybe."
"Really? Well, maybe."Bakit naman siya magseselos? Bakit?! At bakit ba parang napakalaking big deal (napakalaki na nga big pa) yung sinabi niyang maybe? Eh hindi naman sagot yun!
It's not a no, or even a yes. Maybe. Bakit yung salita na yun napaisip ako ng malala? At bakit parang ang laki-laki ng epekto sakin ha?!
Kinamot ko yung masakit kong ulo. "Hindi pwede, Yvonne. Hindi ka hopia sa kanya."
"Anong drama ito?" Tanong ni Eurisse. "At bakit kailangang nandito pa tayo sa isang coffee shop kung may itatanong ka lang sakin?" Biglang bumaba yung kilay niya at hinawakan niya yung kamay ko. "May problema ba?"
May problema ba? Tanong ko sa sarili ko. Ako ba yung problema?
Huminga ako ng malalim. "Minsan lang ako manlibre kaya mag-order ka na." Sabi ko.
Inirapan ako ng gaga. "Alam mo, friends naman na tayo, so sabihin mo na yung sadya mo sa akin okay? Hindi yung ikaw lang yung nagdadala. Magaling ako mag-advice."
"Mag-order ka muna." Sabi ko. "Saka ko ibubuhos sayo."
"Ay gaga. Yung kape ibubuhos mo sakin? Mag-isa ka."
"Hinde! Yung problema ko."
Nag-order na siya at nagsimula ko nang ikwento yung problema ko. Hell, hindi ko nga alam kung problema nga ba ito or katangahan ko na naman. I told him everything about Tyrone. Sinabi ko yung lahat-lahat, yung 18 years of friendship namin, pati yung mga nicknames ko sa kanya, pati yung akala ko bakla siya. Everything.
Matagal kaming magkatinginan ni Eurisse. Nakataas yung kilay niya habang binibigyan niya ako ng mabibigat na tingin. "Uy, wag ka namang magpa-inlove dyan. Ang pogi mo kaya pag ganyan ka tumingin." Sabi ko.
Ngumiti siya. "Gaga. Lahat na lang ng bagay kailangan mong bigyan ng meaning?"
"Ano na ang verdict mo? Sa tingin mo tanga lang ako para mag-isip ng ganun or meron talagang something? Anong gagawin ko?"
"Gaga to, ginawa mo naman akong problem solver mo. Sampalin kita dyan eh." Huminga siya ng malalim matapos lumagok ng kape. "Hindi ko alam. Hindi ko pa ata nakikita ang Tyrone na 'yan. Siya ba yung lalaking naghintay sayo sa labas ng apartment mo?"
Napakamot ako. "Ewan. Pero kasi, parehas sila ni Lawrence na naghintay sakin sa labas ng apartment ko?" Tapos nun sinabunutan ako ng walanghiya. "Masakit yon!"
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)
RomanceA self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That is: TO GET LAID. Giving her virginity and falling in love, she can't seem to handle them both well. Lalo na kung maraming mga naniningalang...