CHAPTER 6

2.9K 9 0
                                    

LEAH's POV

Nakakainis!

Anong ginagawa ng gwapong lalaking 'yon sa kwarto ni Lulu? Don't tell me na 'yon ang asawa niya. Argh! Kainis! Bakit ang gugwapo ng mga asawa nila ng Ate Alice niya? Ano bang ginagawa nila at nabibiyayaan sila ng mga gwapong lalaki? Samantalang ako na maganda at sexy ay nagtitiis sa matandang hukluban na asawa ko.

Ang sarap manakit ng tao.

Oh, well. Choice ko naman kung bakit asawa ko ngayon si Abner. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong asawa sina Alice at Lulu na mga lalaking biyaya ng langit. Naiinis ako. Naaasar ako!

Tiningnan ko ang asawa kong mahimbing na natutulog sa kama. Kaunting tiis pa. Kakayanin ko ito. Masisira ko rin ang pamilyang ito. Kailangan kong mag-focus sa totoong misyon ko kung bakit nandito ako ngayon sa kinalalagyan ko. Kailangan kong makaganti sa mga sakit at pagdurusang dinanas ko rahil sa pamilyang ito.

Pinatay nila ang lalaking mahal ko.

----------

Kinabukasan ay tama nga ang hinala ko. Asawa nga ni Lulu ang hot na lalaking nakita ko kagabi. Si Henry. May-ari siya ng isang furniture shop at isa rin siyang artist. Hobby niya ang photography.

Kung oobserbahan ko ang bawat kilos ng mga taong ito ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng asawa ko sa dalawa niyang lalaking manugang. Siguro ay dahil hindi ka-level ng estado niya ang estado ng mga ito sa buhay. Kung tama ang hinala ko, pwede kong magamit ang bagay na 'yon para sa pagsira ko sa pamilyang ito.

Leah: So, asawa ko, anong agenda natin today? Since kumpleto na tayo, umpisahan na nating kilalanin ang bawat isa ng mas mabuti.

Isa-isa kong tinitigan ang mga hilaw kong anak at ang mga hilaw kong manugang.

Grabe kung makakapit si Alice sa asawa niya. Parang linta. Oh, well. Hindi ko siya masisisi. Kanina pa kasi malagkit ang tingin ng mister niya sa akin.

Alam kong nabitin si Leandro kahapon. Maski naman ako. Pero mukhang masarap tuksuhin itong si Leandro. Patakamin. At kapag takam na takam na, roon ko siya gagamitin para masira ang pamilya niya.

Si Paeng ay masama pa rin ang tingin sa akin, as usual. Pero bagay ang nagsusungit kay Paeng. Lalo siyang nagiging hot sa paningin ko.

Si Debbie ay masyadong feeling close. Laging nakangiti sa akin. Siguro ay gusto niya talagang maging maayos ang relasyon ng pamilyang ito. Pero halata namang napipilitan lang siya at nakikipagplastikan sa akin.

Si Lulu ay masyadong tahimik. Siguro ay pinapakiramdaman ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka-plain niya. Ano ba ang nagustuhan ni Henry sa kanya? Oo. Maganda siya. Pero hindi agaw-pansin tulad ng ganda ko. Simple lang siyang mag-ayos. Hindi rin siya sexy tulad ko. Manang siya at losyang.

Nang si Henry ang titigan ko ay talaga namang naglapot ang loob ng hiyas ko. Saan ba galing ang lalaking ito at parang hinulog mula sa langit para pagsawaan ng aking mga mata, labi, mga kamay, at ng aking masabaw na tahong.

Ang mahirap kay Henry ay hindi siya makaramdam. Basa na ako sa kanya pero siya ay parang wala lang. Tuluy-tuloy siya sa pagsubo ng kanyang almusal habang nakikinig sa usapan namin. Hindi man lang niya tinangkang bosohan ang dibdib ko. Ni titigan ako ng malagkit ay hindi niya ginawa. Hindi katulad ni Leandro na kung titigan ako ay para akong isang masarap na pagkain.

Argh! L*che kasi si Lulu!

Kung wala rito si Lulu ay malamang nakipaglandian na itong si Henry sa akin. Hindi uubra sa akin itong pande-deadma niya. Mas lalo lang akong nagnanais na matikman siya rahil sa pagiging hard-to-get niya. Hindi ba niya alam na sa bawat kilos niya ay lalo siyang gumugwapo sa aking paningin? Na naglalawa ako rahil sa kakisigan niya. Isa siyang masarap na putahe sa aking paningin. Gusto kong matikman ang lahat sa kanya.

Abner: Gusto ko sanang mag-ikot-ikot tayo rito sa resort. Mag-banana boat tayo pagkatapos. Basta gamitin natin ang lahat ng amenities ng hotel at resort para makapag-bonding tayong lahat.

Ewww! Makikipagplastikan talaga ako sa mga ito. Kadiri talaga. Kay Henry ko lang naman gustong maging close ng totoo.

Leah: That sounds so great, asawa ko. Ngayon ay may pagkakataon na talaga akong mas makilala pa ang mga anak ko.

Yuck! Nakakasuka!

Debbie: Buti na lang talaga at naisipan ninyo ang ganitong bagay, Papa. At least matatapos na ang hidwaan sa pagitan ng bawat isa.

Ewan ko sa 'yo. Tabachoy!

Paeng: Gusto niyo bang mag-billiard tayo, Papa? Isama natin sina Leandro at Henry.

Napaangat ang ulo ni Henry mula sa pagngasab ng alimangong nakahain sa harap nito. Napakasarap tingnan ng labi nitong may sabaw-sabaw pa. Ang sarap sipsipin mula sa labi nito.

Henry: Gusto ko 'yan, bayaw. Sama ka, babe.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Lulu at hinalikan.

Lulu: Amoy-ulam na 'yang kamay ko, babe. Hindi ka man lang nagpunas ng kamay at bibig.

Biglang na-conscious si Henry at nagpunas ng labi habang tatawa-tawa.

Henry: Okay na, babe. Kiss muna ko.

Tinampal ng mahina ni Lulu ang kaliwang pisngi ni Henry.

Lulu: Mag-toothbrush ka muna.

Nagtawanan silang lahat. Syempre kailangan ko ring tumawa. Pero sa loob-loob ko ay corny pala itong dalawang ito. Oh, well. At least gwapo si Henry. Pero itong si Lulu ay nakakainis. Ang sarap burahin ng ngiti sa labi niya.

----------

Kinahapunan ay nakahiga ako sa lounge chair sa tabi ng pool habang masayang nagkukwentuhan sa katabing table ang dalawa kong hilaw na anak na babae at ang babae kong manugang. Nakakasuka talaga.

Katatapos lang naming mag-swimming at ngayon ay nagpapahinga kami. Nagkukunwari akong tulog habang nakikinig sa kanila.

Debbie: So, how's your married life, Lulu? Nagbabalak na ba kayong magkaroon ng anak ni Henry?

Lulu: Oo. Nasa plano namin 'yon. Gustung-gusto na naming magka-baby.

Alice: Inaaraw-araw niyo ba, sis?

Lulu: Gusto nga ni Henry araw-araw, pero hindi ko talaga kaya. Mahirap magkaroon ng asawang masyadong mahilig.

Nagtawanan ang tatlong babaeng nakakainis ang mga boses sa pandinig ko.

Hmmm… So active pala si Henry pagdating sa kama. Hindi pala ako mahihirapang akitin siya. Oo. Tama ang nabasa niyo. Aakitin ko siya. At magtatagumpay ako. Mark my words.

----------

PAENG's POV

Kanina ko pa napapansing panay ang tanong nitong si Leandro kay Papa tungkol kay Leah. Bakit ba masyado siyang interesado sa stepmother ko?

Leandro: Ano ba ang dating trabaho ni Leah…I mean ni Mama Leah, Papa?

Abner: Dati siyang modelo sa isang modeling agency na pagmamay-ari ng mga Montecillo. Ang Montecillo House of Models. Nakilala ko siya sa isang event na in-organize ng office namin at doon kami nagkapalagayan ng loob. Pero pinatigil ko na siya sa pagmo-model. Sabi ko ay kung gusto niyang maging model ulit, dapat mag-pose na lang siya sa harap ng camera at dapat kilala ko ang photographer.

Umakbay si Leandro kay Henry.

Leandro: Tamang-tama pala. Photographer itong si bayaw.

Inalis ni Henry ang bisig ni Leandro na nakapatong sa balikat niya.

Henry: Nature ang kinukuhanan ko. Hindi tao.

Leandro: Sino ba nagsabing ikaw? Ako naman ang kukuha. Kailangan ko lang ng sideline. Tuturuan mo lang ako. Okay ba 'yon, Papa?

Napailing ako. Ano kaya ang pinaplano nitong si Leandro? Wala akong tiwala sa kanya.

----------

to be continued...

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon