Sa loob ng isang studio ay naroon ang bida ng kwentong "The Slutty Stepmom" ni Mr. WOM na si Leah.
Leah: Isang magandang araw sa lahat ng mambabasa ng "The Slutty Stepmom". Ibang Leah muna ang makikita ninyo ngayon. 'Yong medyo nice na Leah.
Isang payak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Leah sa harap ng camera.
Leah: Una po sa lahat ay maraming salamat sa lahat ng mga patuloy na nagbabasa ng kwentong ito. Nakatataba ng puso ang patuloy na pagtaas ng bilang ng reads ng "The Slutty Stepmom" kahit ang ilan sa inyo ay naiinis na sa aking character.
Makikita sa mga mata ni Leah ang pasasalamat sa lahat ng readers na sumusubaybay sa kanyang kwento.
Leah: Nakikita po ni Mr. WOM ang mga silent reader ng "The Slutty Stepmom" na ina-add sa kanilang reading lists ang kwentong ito. Kaya maraming, maraming salamat.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Leah at nag-bow sa harap ng camera.
Leah: Dahil sa inyong ipinapakitang suporta para sa istoryang ito kaya naman naisipan ni Mr. WOM ang gumawa ng special chapter bago ang huling kabanata ng kwentong ito.
Nakangiting tumango-tango si Leah sa harap ng camera.
Leah: Tama ang inyong nabasa. At ang magiging focus ng special chapter ay ang mananalong choice ng majority of the voters ng Poll sa kwentong ito.
Marahan munang tumawa si Leah bago muling nagsalita.
Leah: Abangan natin kung muli bang titibok ang aking puso para sa isang lalaki.
Nakangiting nagkibit-balikat si Leah.
Leah: Isa kaya kina Abner, Leandro, Henry, at Paeng ang muling makapagpapatibok ng aking puso?
Umaktong nag-iisip si Leah matapos sabihin iyon.
Leah: Well, depende iyan kay Mr. WOM. Pero ang special chapter ay nakadepende sa inyong mga minamahal naming readers.
Ipinagsalikop ni Leah ang kanyang mga palad.
Leah: Muli, maraming salamat sa inyong lahat at sana ay ma-enjoy ninyo ang future chapters ng "The Slutty Stepmom". Abangan ang update ng kwentong ito every first Friday and every third Tuesday of the month.
----------
BINABASA MO ANG
The Slutty Stepmom
General FictionSi LEAH NARCASIO-GALIVANIO, ang babaeng pinagkaitan ng totoong pagmamahal. Siya ay maghihiganti para sa lalaking inagaw sa kanya ng walang awa. Sa huli, may magmamahal pa kaya sa kanya ng totoo gayong galit ang nangingibabaw sa kanyang puso? May esp...