LEAH's POV
Dumating na rito sa mansyon namin ni Abner ang isa sa mga anak nitong si Lulu at kasama niya ang gwapo at masarap niyang asawa. Kahit nakatayo lang si Henry ay namamasa na ang hiyas ko. Ganito ito ka-hot. Titigan ko pa lang ay namamasa na ako. Wala ba itong ideya na sobrang hot nito? Sobrang lakas ng manly appeal. 'Yong tipong ang sarap-sarap hubaran. Shocks! Basang-basa na talaga ako.
Lulu: Mama Leah, natulala na kayo riyan. Hindi niyo pa po ba kami papapasukin ni Henry?
L*ntik. Nahalata kaya ni Lulu ang pagtitig ko kay Henry? Ang gwapo naman kasi talaga ng asawa niya. Ang sarap titigan buong araw.
Leah: Pa-pasensya na, Lulu. Lutang pa rin ang isip ko rahil sa mga nangyayari ngayon. Maisip ko pa lang na nanghihina na ang katawan ni Abner ay sobrang nasasaktan ang puso ko.
Kainis. Ayaw lumabas ng mga luha ko. Leche! Papalungkutin ko na lang ang mukha ko. Kailangan malungkot ako. Argh! Nakakaasar.
Yumakap ako kay Lulu kahit si Henry ang gusto kong yakapin. Umarte ako na humahagulgol sa balikat ni Lulu. Hayan na. Medyo namamasa na ang mga mata ko. Kung bakit naman kasi mas nauna pang mamasa ang hiyas ko. Kasalanan 'to ni Henry.
Leah: Ayoko siyang mawala, Lulu. Mahal na mahal ko ang Papa niyo. Alam niyo 'yan.
Naramdaman ko ang paghimas ni Lulu sa aking likod. Pilit niya akong pinapakalma. In fairness, medyo lumalambot na ang puso ni Lulu sa akin. Eh kasi naman, kitang-kita niya ang pagmamahal ko sa kanyang Papa Abner. Pero syempre kunwari lang.
Ilang sandali lang ay bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang fake tears ko. Hindi pa rin kumukupas ang galing ko sa pag-arte.
Leah: Pa-pasensya na kayo, Lulu, Henry. Masyado lang talaga akong emotional these past few days. Ang sakit-sakit sa dibdib.
Tumalikod ako at umaktong nagpupunas pa rin ng mga luha. Muli akong humarap sa kanila.
Leah: Pasok kayo. Forgive my manners.
Pumasok sina Lulu at Henry sa loob ng mansyon. Napansin kong isang maleta lang ang bitbit ni Henry. Pinaupo ko silang dalawa sa sofa.
Leah: Pasensya na kayo. Hindi pa ako nakakapagluto. Kagigising ko lang. Ganito ang gising ko araw-araw. Tinatanghali na rahil hindi ako makatulog sa sobrang pag-aalala sa Papa ninyo. Buti na lang ay narinig ko ang pagtawag ninyo.
Lulu: Buti na lang din at binigyan niyo kami ng kopya ng susi ng gate dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kami ni Henry sa labas ng gate.
Oo nga pala. Binigyan ko silang magkakapatid ng duplicate key ng susi ng gate ng bahay noong nagkaayos na kaming lahat after family reunion. Pero 'yong sa gate lang. Ayoko pa rin na basta-basta silang pumapasok dito sa pamamahay namin ni Abner. Lalo na ngayon na marami akong ginagawang kalokohan sa loob ng bahay na ito. Mula kasi noong hindi dumalo sa kasal namin ni Abner ang mga anak nito ay talagang pinapalitan nito ang lahat ng susi ng bahay.
Leah: Magluluto muna ako ng makakain ninyo. Paniguradong pagod kayo sa biyahe.
Lulu: Bakit pa kayo nag-aabala, Mama, gayong may dalawa namang housemaids si Papa?
Oo nga pala. Hindi pa nila alam.
Leah: Ilang linggo na silang wala, Lulu. Pinaalis namin noong nalaman namin ni Abner na pinagnanakawan nila kami ng iyong Papa. Masakit sa Papa mo na paalisin sila pero sinira nila ang tiwala ng iyong Papa. Hindi na kami nagsampa ng kaso para hindi na lumaki pa ang gulo.
Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Lulu.
Lulu: Nagnakaw sina Yaya Miding at Yaya Lucy? Parang hindi ko naman---
BINABASA MO ANG
The Slutty Stepmom
General FictionSi LEAH NARCASIO-GALIVANIO, ang babaeng pinagkaitan ng totoong pagmamahal. Siya ay maghihiganti para sa lalaking inagaw sa kanya ng walang awa. Sa huli, may magmamahal pa kaya sa kanya ng totoo gayong galit ang nangingibabaw sa kanyang puso? May esp...