CHAPTER 16

1.3K 11 2
                                    

HENRY's POV

Ilang araw na mula nang mag-stay ang aking misis na si Lulu sa malaking bahay ng ama nitong si Abner para maalagaan ang ama nitong unti-unti nang nanghihina.

Nami-miss ko na si Lulu.

Nami-miss ko na ang may kayakap sa gabi.

Isa akong sekswal na lalaki at nagpapasalamat akong lagi akong napagbibigyan ng aking asawa pagdating sa aking pangangailangan bilang lalaki sa tuwing umuungot ako rito na magtalik kami.

Kahit na nga ba palaging isang posisyon lang ang paulit-ulit na ginagawa namin ni Lulu sa ibabaw ng aming marital bed ay hindi pa rin ako nagrereklamo rahil mas mabuti na iyon kaysa wala.

Kahit hindi ako satisfied sa pagtatalik namin ni Lulu ay mayroon namang mga mahahalay na videos online na pwede kong panoorin habang pinapaligaya ko ang aking alaga gamit ang aking kamay.

Sa bawat paglalarong ginagawa ko sa aking alaga ay palaging ang aking asawang si Lulu ang laman ng aking isipan. Iniisip kong ginagawa namin ni Lulu ang iba't ibang posisyong napapanood ko sa mga mahahalay na videos.

Ngunit hindi ko maikakaila sa aking sarili na sa dalawang beses na pinaglaruan ko ang aking alaga ay ibang babae ang naging laman ng aking isipan.

Isang babaeng hindi ko maitatangging napakaganda at nakakaakit ang kaseksihan.

Isang babaeng nag-uumapaw ang alindog.

Isang babaeng siguradong katulad ko ay sobrang sekswal din.

Si Leah, ang stepmother ng aking asawa.

Mahal ko si Lulu ngunit marunong din akong maka-appreciate ng ganda at kaseksihan ng ibang babae.

At si Leah ay masasabi kong naagaw agad ang aking atensyon noong unang beses ko siyang makita sa family reunion na in-organize ng aking biyenang lalaki rahil sa kanyang angking ganda at kaseksihan. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata kahit kanino.

May asawa akong tao at si Leah ay aking biyenan. Isa pa ay mahal na mahal ko si Lulu.

Hindi maganda kung pagnanasaan ko ang aking sariling biyenan.

Isa pa ay puro hindi magagandang bagay ang lahat ng aking mga naririnig mula sa aking asawa tungkol kay Leah.

Mas maganda kung hindi ako mai-involve sa isang katulad ni Leah Galivanio.

Ngunit isang gabi sa hotel and resort kung saan ginanap ang family reunion na in-organize ng aking biyenang lalaki ay nagbago ang tingin ko sa aking biyenan babae.

Bago ako lumusong sa swimming pool ay naramdaman ko nang may mga matang nakatitig sa akin. Ngunit binalewala ko iyon.

Pabalik-balik akong lumangoy sa swimming pool na iyon at bawat minutong lumilipas ay hindi nawawala ang pakiramdam na may mga matang nakatitig sa akin.

Nang umahon ako mula sa swimming pool ay ganoon pa rin ang aking pakiramdam. May mga matang nanonood sa aking bawat kilos at galaw.

Nag-angat ako ng ulo para tingnan kung may nakatingin sa akin mula sa itaas.

At tama nga ang aking pakiramdam.

Isa sa mga bintana ng hotel room sa itaas ay may babaeng nakasilip. Nakatitig sa akin. At kahit sa tingin ko ay alam na niyang nahuli ko siya ay hindi pa rin siya umalis mula sa kanyang pwesto.

Nakipagtitigan ako sa babaeng nakasilip sa bintana. Malagkit ang kanyang mga titig sa akin. Maya-maya ay ako na ang unang nag-iwas ng tingin.

Kinuha ko ang tuwalya na nasa chaise lounge chair at pumasok na sa loob ng shower room.

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon