CHAPTER 26

530 8 0
                                    

LEAH's POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng master's bedroom habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Henry kagabi. Hindi ko dapat palampasin ang mga sinabi niyang iyon.

Kung kahapon ay pinagpipilian ko pa kung sino kina Henry at Paeng ang lalaking nakaitim na umatake sa akin noong isang gabi, ngayon ay sigurado na akong si Henry ang lalaking iyon base na rin sa mga salitang binitiwan niya sa akin kagabi.

Henry: Oras na malaman kong may masamang motibo ka sa pagpasok mo sa buhay ng pamilyang ito at mapahamak at masaktan si Lulu nang dahil sa ginagawa mo, may kalalagyan ka, Leah.

Ngayon ay nasisiguro ko na kung gaano kamahal ni Henry si Lulu.

Kayang-kayang manakit ni Henry ng tao para lamang maprotektahan ang kanyang asawa.

Henry: At mas masasaktan ka pa kapag sinaktan mo ang babaeng pinakamamahal ko. Wala kang ideya kung gaano ang aking naging hirap para lang mapasaakin si Lulu.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Henry sa sinabi niyang iyon? Naging magkatulad ba kami ng sitwasyon bago siya nakapasok sa buhay ng pamilya Galivanio?

Kung ako ay hindi tinanggap sa una ng mga anak ni Abner, hindi kaya hindi rin natanggap sa una ng ama ni Lulu si Henry?

Henry: Ang isang babaeng malandi, maharot, at parausang katulad mo ay walang lugar sa pamilyang ito. Tandaan mo 'yan, Leah.

Ikinuyom ko ang aking mga palad nang muling maalala ang mga masasakit na salitang iyon mula kay Henry.

Alam kong ibinaba ko ang aking sarili sa harapan ng mga lalaking miyembro ng pamilya Galivanio ngunit ginawa ko lamang ang mga ito para maipaghiganti ang aking pinakamamahal na si Philip. Hindi ako nagpakababa para lamang sa wala.

Ngunit aminado rin naman ako na may parte sa aking pagkatao ang sumasaya sa tuwing nakararanas ng init sa kama dahil sa isa akong sekswal na babae. At hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na ginising ng aking dating kasintahan na si Benjo ang aking kamalayan pagdating sa pakikipagtalik.

Pero kahit alam ko pa kung ano ang aking totoong dahilan kaya ibinababa ko ang aking sarili ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa tuwing nakaririnig ng mga masasakit na salita katulad na lamang ng mga salitang binanggit ni Henry patungkol sa akin.

Siguro ay dahil alam ko sa aking sarili na hindi ako ganoong uri ng tao at kaya lamang ako naging ganoon ay dahil sa taong kumitil ng buhay ni Philip.

Si Abner Galivanio.

Ang aking asawa na hanggang ngayon ay nanghihina pa rin at hirap kaming kausaping lahat.

Ang puno't dulo ng aking paghihiganti.

Henry: Babantayan ko ang bawat galaw mo at isang mali mo lang, sisiguraduhin kong mabubura ang isang Leah Galivanio sa ibabaw ng mundong ito.

Halos madurog ang aking mga ngipin sa sobrang galit na aking nararamdaman para kay Henry.

Dahil sa mga sinabi ni Henry sa akin kagabi ay wala ng pagdududa sa aking isipan ngayon kung sino ang lalaking nagtangkang tumapos ng aking buhay noong isang gabi. At kung kagabi ay napaluha ako nang dahil sa takot at habag sa aking sarili, ngayon ay kailangan kong magpakatatag.

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon