CHAPTER 12

2.4K 8 0
                                    

THIRD PERSON POV

Inis na inis na humiga si Sabel sa tabi ni Leandro. Kanina pa nito niroromansa ang lalaki, pero hindi man lang tinitigasan ang alaga niya.

Sabel: Ano ba ang problema, Leandro? Ngayon na lang ulit tayo nagkita tapos ganito pa. Hindi man lang nabubuhayan 'yang alaga mo. Ano? Hindi ka na ba attracted sa akin? Para ngang napipilitan ka pang sumama sa akin ngayon. Akala mo ba ay hindi ko napansin na parang ipinagtabuyan mo ako noong isang araw?

Naaalala ni Leandro ang araw na sinasabi ni Sabel. Ito iyong araw na biglaan siyang pinuntahan nito rahil nami-miss na siya nito.

Bumibili sa isang sari-sari store si Leandro nang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Naghiyawan ang mga kaibigan niyang tambay. Humarap siya sa taong nakayakap sa kanya.

Leandro: Sus! Ikaw lang pala, Sabel.

Tinanggal ni Leandro ang mga bisig ni Sabel na nakapalibot sa kanyang baywang.

Leandro: Huwag dito. Iti-text na lang kita.

Nag-pout si Sabel.

Sabel: Miss na kita, babe.

Napakamot si Leandro sa kanyang ulo.

Leandro: Alam ko. Miss na rin kita. Pero mag-ingat tayo. Pambihira ka. Kung makayakap ka parang wala akong asawa. Buti mga tropa ko lang nakakita sa ginawa mo.

Sabel: Ang hot mo kasi, babe. Ang sarap mo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Leandro: Alam ko na 'yon. Sige na. Umalis ka na. Mamaya bumalik na galing palengke si Alice, makita ka pa. Medyo mainit pa naman ang mga mata niyon sa 'yo.

Sumimangot si Sabel.

Sabel: Hay naku! Pangit kasi siya kaya insecure siya sa ganda ko. Makaalis na nga. Hmp!

Napailing na lang si Leandro.

Alam ni Leandro sa sarili kung bakit hindi na siya nakikipagkita kay Sabel bago ang araw na iyon. At iyon ay hindi rahil sa ayaw niyang mahuli sila ni Sabel ng kanyang misis. Dati pa namang malakas ang loob niyang mambabae kahit alam niyang posible siyang mahuli ng asawa.

Ang dahilan ay walang iba kundi ang biyenan niyang babae na si Leah.

Mula nang makauwi sila ng kanyang asawang si Alice galing sa family reunion na in-organize ng kanyang biyenan na si Abner ay hindi na muli pang nakipagkita si Leandro kay Sabel. Hindi niya alam pero parang ayaw na niyang tumingin sa ibang babae maliban kay Leah. Para bang ang laman ng isip niya ay laging si Leah na lamang, ang pangalawang asawa ng kanyang biyenang lalaki.

Alam ni Leandro na naakit agad siya kay Leah sa unang pagkakita pa lamang dito. Maganda at sobrang hot ng babae. Kahit sinong lalaki ay maaakit nito sa taglay nitong alindog. At isa siya sa mga lalaking iyon.

Sa buong panahon ng family reunion ay hindi nawala sa isip ni Leandro ang matikman ang biyenang babae. Muntik nang may mangyari sa kanila kung hindi sila inistorbo ng hipag niyang si Debbie.

Malinaw pa sa alaala ni Leandro ang eksenang iyon.

Pasimpleng pumasok si Leandro sa loob ng hotel room ng kanyang mga biyenan habang ang biyenan niyang lalaki ay naliligo sa dagat kasama ang mga anak nito.

Pagkapasok ni Leandro sa loob ng hotel room ng kanyang mga biyenan ay nakita niya ang biyenang babae na pinapanood sa labas ng bintana ang asawang naliligo sa dagat kasama ang mga anak nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa biyenang si Leah at ipinulupot ang kanyang mga bisig sa baywang nito.

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon