CHAPTER 27

534 5 0
                                    

LEAH's POV

Muli akong napatingin sa aking suot na wristwatch habang hinihintay ang pagdating ng aking stepsister na si Krizelle dito sa loob ng restaurant na aking binanggit sa kanya. Late na siya ng thirty minutes.

Kagabi ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Krizelle na nabanggit daw sa kanya ng kanyang live-in partner na si Benjo ang tungkol sa pagsagot nito ng aking tawag kahapon. Agad akong nag-reply sa text message na iyon ni Krizelle at sinabi kong magkita kaming dalawa ngayon.

Kailangan ko na talagang magkaroon ng kasama sa mansyon na maaari kong mapagkatiwalaan at maging kakampi. Lalo na ngayon na lumiliit ang aking mundo sa loob ng malaking kabahayang iyon.

Hindi ko nagugustuhan ang mga titig sa akin ng aking manugang na si Henry sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga landas sa loob ng mansyon. Punung-puno ng pagbabanta ang mga tinging ipinupukol nito sa akin na animo anumang oras ay sasaktan ako nito kapag may ginawa akong hindi nito magugustuhan.

Ang aking stepdaughter na si Lulu naman ay nahuhuli kong pinagmamasdan ako kung minsan na parang binabantayan nito ang aking bawat kilos at galaw. Minsan pa ay may pagdududa sa mga mata nito kung ako'y titigan.

Katulad na lamang kahapon nang makita ako ni Lulu sa tool shed na nasa malawak na hardin ng mga Galivanio. Kung titigan ako nito ay para bang may ginawa akong kahina-hinala.

Mabuti na lamang ay hindi ko pa nahahawakan ang nakita kong clear trash bag sa loob ng tool shed. Dahil kung hindi ay baka pinagbintangan pa ako ni Lulu na pagmamay-ari ko ang mga gamit na nasa loob ng trash bag.

Natatandaan kong kulay itim ang mga gamit na nasa loob ng trash bag. At malakas ang aking kutob na iyon ang mga kasuotan ng lalaking nagtangkang tapusin ang aking buhay noong nakaraang gabi ng Sabado.

Sinabi ko na lamang kay Lulu na may hinahanap akong gamit sa loob ng tool shed. Alam ko namang hindi nito pinaniwalaan ang aking sinabi lalo pa nga at nakita ko ang pagtaas ng dalawang kilay nito. Ngunit mas okay na iyon kaysa malaman ni Lulu ang tungkol sa nangyari sa akin noong isang gabi.

Mas mabuti nang wala akong pagsabihan tungkol sa pananalakay sa akin ng lalaking nakaitim dahil paniguradong isa lamang sa mga taong nasa loob ng mansyon ang umatake sa akin nang gabing iyon. At hindi ako sigurado kung ang taong iyon ay may mga kakampi pa na ibang miyembro ng pamilya.

Pero kung ako ang tatanungin ay malakas ang aking pakiramdam na si Henry ang taong nagtangkang burahin ako sa mundong ibabaw. Sa paraan ng pagtingin at pakikipag-usap nito sa akin nitong mga nakalipas na araw ay para bang madali lamang para rito na ako ay saktan.

Ang pakiramdam ko ay kung may pagkakataon lamang si Henry na paslangin ako ay gagawin nito ng walang kakurap-kurap. Ganoon ito kagalit sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Hindi nito matanggap na nagtaksil ito sa asawang si Lulu.

At sa tingin ko, para makasigurado si Henry na hindi malalaman ng misis nitong si Lulu ang tungkol sa nangyari sa pagitan naming dalawa ay binalak ako nitong patayin. Sabi nga nila ay mananatili lamang na lihim ang sikreto ng dalawang tao kung ang isa sa kanilang dalawa ay nasa ilalim na ng lupa. Ngunit nabigo ang mister ni Lulu sa masama nitong balak sa akin.

Kaya naman ngayon ay binabantayan ni Henry ang aking bawat kilos at galaw nang sa gayon ay magkaroon ito ng dahilan para ilagay sa mga kamay nito ang aking buhay.

Maaaring teorya ko lamang ang mga ito tungkol kay Henry pero mas mabuti nang nag-iingat ako mula rito. At ito ngang pagpapatira ko kina Krizelle at sa aking stepmother na si Tita Vickie sa mansyon ang aking naiisip na solusyon para magkaroon ako ng mga mata at mga tainga sa loob ng malaking bahay ng aking asawa.

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon