THIRD PERSON POV
Kanina pa napapansin ni Abner na parang interesadong-interesado ang kanyang manugang na si Leandro sa asawa niyang si Leah. Simula pa nang mapangasawa ito ng kanyang anak na si Alice ay wala na siyang tiwala sa lalaki. Wala kasi itong permanenteng trabaho at may balita siyang babaero ito bago makilala ang kanyang anak.
Ngayon ay wala pa rin siyang tiwala rito. Nakikisama lang talaga siya para sa kanyang anak na si Alice. Habang nabubuhay siya ay gusto niyang mapalapit muli sa kanyang mga anak tulad noong nabubuhay pa ang kanyang unang asawa.
Maski ang asawa ni Lulu ay hindi niya rin gusto para sa anak niya. Pero nakita niya ang pagsisikap ng lalaki at ngayon ay mayroon na itong sariling furniture shop. Inani ni Henry ang kanyang respeto.
Pero itong si Leandro ay sadyang walang balak magbago at ayusin ang buhay nito. Wala itong kwenta. Ngayon pa ay iniisip nitong maging photographer ng asawa niya kung halimbawang bumalik ito sa pagmomodelo.
Abner: Mas mabuti siguro kung ibang photographer na lang ang kukunin ko para sa asawa ko. Mas okay na ang professional.
Naringgan ni Leandro ang pangmamaliit sa tinig ng biyenan.
G*go 'to, ah. Sige. Laitin mo lang ako, Tandang Abner. Pero matitikman ko rin ang asawa mong adik sa itlog.
'Yan ang tumatakbo sa isip ni Leandro.
Leandro: Kayong bahala, Papa. Pero bigyan niyo naman po sana ako ng chance para patunayan sa inyo ang sarili ko.
Umasim ang mukha ng matanda.
Abner: Alam kong kaya mo, Leandro. May tiwala ako sa 'yo.
Labas sa ilong na sabi ng matanda.
----------
LEAH's POV
Nakikipagkwentuhan na ako ngayon sa dalawa kong hilaw na anak na babae at sa aking hilaw na manugang na babae.
Leah: Kailan niyo balak magkaanak ni Paeng, Debbie?
Nakita kong lumungkot ang mata ni Debbie. Bakit kaya? Hindi kaya baog siya?
Debbie: Wa-wala akong kakayahang magbuntis, Mama.
Hay naku. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag na "Mama". Sa amin kasing apat ay ako ang pinakabata.
Leah: Oh. I'm sorry, Debbie.
Syempre hindi talaga ako sincere. Pakialam ko naman. Mabuti nga 'yon para mapadali ang pang-aakit kay Paeng. Kayang-kaya kong bigyan ng anak si Paeng.
Debbie: It's okay, Mama.
Naiiyak na ang boses nito. Hinimas-himas ni Lulu ang likod nito. Iniba ko ang topic.
Leah: So, ano ang mga pinagkakaabalahan ninyo sa buhay? Pasensya na kayo. Noong mga panahon kasi na may gap pa tayo sa isa't isa ay hindi ako nagkaroon ng interest na alamin ang mga buhay ninyo. I'm sorry for that.
Bait-baitan na naman ako. Kaasar!
Alice: It's okay, Mama. May pwesto ako sa palengke. Si Leandro kung anu-anong raket ang pinapasukan.
Oo. Iba-ibang babae ang pinapasukan.
Debbie: Isa akong chef sa isang restaurant. Minsan lang akong pumasok dahil hindi naman ako actual employee. Kamag-anak ko ang isa sa mga may-ari ng restaurant na pinapasukan ko. It's more like of a hobby for me.
Ah. Kaya ka pala...malusog. Haha!
Lulu: Housewife ako. Ayaw na ayaw ni Henry na nagtatrabaho ako. Talagang pinatunayan niya kay Papa na kaya niya akong buhayin sa sarili niyang sikap. Proud na proud ako sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
The Slutty Stepmom
General FictionSi LEAH NARCASIO-GALIVANIO, ang babaeng pinagkaitan ng totoong pagmamahal. Siya ay maghihiganti para sa lalaking inagaw sa kanya ng walang awa. Sa huli, may magmamahal pa kaya sa kanya ng totoo gayong galit ang nangingibabaw sa kanyang puso? May esp...