CHAPTER 21

1K 9 0
                                    

LEAH's POV

Malakas kong pinalo ang kanang pisngi ng aking pang-upo at pinisil-pisil ito habang nakaharap sa malaking salamin ng en suite bathroom ng master's bedroom.

Leah: Hay naku, Leah. Ang sexy mo talaga. Napakaganda pa. Kaya naman nahulog sa patibong mo ang matandang si Abner Galivanio.

Malakas akong tumawa matapos bumulong sa hangin.

Leah: Pati sina Leandro at Henry ay hindi nakaligtas sa iyong alindog.

Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatingin sa aking reflection sa salamin.

Leah: Isa kang hulog ng langit sa lahat ng mga kalalakihan.

Kagat-labi akong ngumiti sa harapan ng salamin habang nakasuot lamang ako ng micro two-piece bikini.

Araw ng Sabado ngayon at nalaman ko mula sa aking stepdaughter na si Lulu na bibisitahin ni Paeng at ng asawa nitong si Debbie ang aking asawa ngayong araw.

Muli na naman kaming magkikita ng aking gwapo at machong stepson na si Paeng.

Siguro ay itatanong ko na rin kay Paeng kung bakit hindi siya tumuloy sa napag-usapan namin noong nakaraan.

Inasahan kong pupuntahan ako ni Paeng sa master's bedroom nang huling beses na magpunta ito rito sa mansyon para ipasubok sa akin ang mga inerekomenda kong gamot para sa asawa nitong si Debbie.

Pero hindi si Paeng ang pumasok sa master's bedroom nang gabing iyon kundi ang aking manugang na si Henry na nauwi sa mainit na pagtatalik naming dalawa.

Malamang ay bumahag ang buntot ni Paeng sa huling minuto at bigla na lamang itong umalis ng mansyon at hindi na ako pinuntahan sa master's bedroom.

Siguro ay alam ni Paeng sa sarili nito na hindi nito mapipigilan ang sarili na may mangyari sa amin kapag nakitang umeepekto sa akin ang mga inerekomenda kong gamot para kay Debbie.

Oh, well. Pasasaan ba at mahuhulog din sa aking patibong si Paeng.

Hindi makaliligtas mula sa akin ang aking stepson.

Sinabi rin sa akin ni Lulu na baka pumunta rin sa mansyon ngayon ang mag-asawang Leandro at Alice.

Sana lang ay hindi magpahalata si Leandro sa mga tao na may namamagitan sa aming dalawa lalo na ngayon na hindi ako sigurado kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Lulu matapos nitong makita ang used boxer briefs ni Leandro sa loob ng guest bathroom.

Malakas ang aking pakiramdam na si Lulu ang kumatok sa pintuan ng guest bathroom habang nasa loob niyon si Leandro.

Paano kung nakita pala ni Lulu ang paglabas ni Leandro mula sa loob ng guest bathroom?

Paano kung may hinala na pala si Lulu sa aming dalawa ni Leandro at hinuhuli lamang ako nito?

Parang biglang sumakit ang aking ulo sa ideyang may alam na si Lulu sa bawal na relasyon namin ni Leandro.

Pero naisip ko ring kung may hinala na si Lulu tungkol sa totoong namamagitan sa aming dalawa ni Leandro ay bakit hindi pa nito kinakausap ang kapatid nitong si Alice.

Sana lang talaga ay walang ideya si Lulu sa pagiging kabit namin ni Leandro sa isa't isa rahil kung may alam ito ay paniguradong masisira ang aking mga plano.

Mariin akong pumikit at umaasang umaayon pa rin sa aking mga plano ang lahat.

Malalim akong nagbuntung-hininga sa harap ng salamin.

Ayon din kay Lulu ay babalik ng mansyon ang asawa nitong si Henry ngayon.

Mula nang may mangyari sa aming dalawa ni Henry ay ito ang unang beses na muli kaming magkikita.

The Slutty StepmomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon