SM Southmall (Part 1)
SM Southmall (Part 1)
By: CarlSobrang hirap umibig lalo na kung sa ipinagbabawal na paraan. Alam kong isa rin kayo sa nakaranas ng ganitong pakiramdam, yung tipo na wala kang lakas ng loob na sabihin sa taong mahal mo kung gaano mo siya ka-mahal. Gusto mo mang ipagsigawan sa mundo ngunit pinapangunahan ka ng takot. Oo tama kayo, sobrang hirap magkagusto sa kaibigan mo. Dahil hindi lang ang feelings mo ang nakasalalay rito pati ang pinagsamahan ninyo.
Nais ko lang ipaalam sa inyo na, lahat ng ito ay naka-base sa totoong buhay. In short lahat ng ganap, lugar, pangyayare sa istoryang ito ay totoo. Silent reader ako sa website na ito, pero inaamin ko pili lang ang istoryang binabasa ko. I hope na maintindihan nyo, kase first time ko palang gumawa and mag-submit ng story dito. So bale, hindi ko na po papatagalin pa,
Ako si Carl (Hindi ko tunay na pangalan) 18yrs old, matangkad, sakto lang ang pangangatawan, makapal ang kilay, matangos ang ilong, at maputi. In coming College this SY, in short; Senior High palang ako. Nag-aaral ako sa kilalang private school sa Las Piñas. Masasabi kong straight ako, dahil naka ilang Girlfriend na ako, at inaamin ko na halos lahat ng naging Girlfriend ko ay nagalaw ko. Bago ang lahat hayaan nyong ipakilala ko muna ang mga kababata ko. Sila Lerwick, John, Jobert, Lucas. Pero sa kanilang apat si Lerwick lang talaga ang pinaka-kadikit ko, maski sa kahit anong bagay, si Lerwick lang talaga ang kasangga ko. Mapa-Basketball man, sa Computeran, sa Kainan, kahit sa Ka-gaguhan. Siya kase ang una kong naging kaibigan paglipat na paglipat namin dito sa village na tinitirahan namin. Iisang anak lang ako, ganon din siya, kaya parang kapatid na talaga ang turingan namin sa isa't isa. To the point na, kung anong meron ako nung bata kami, meron din siya. Anak na kung ituri siya nila Mama at Papa. Ganon din naman saken sila Tito't tita. Sya' nga pala, let me describe his looks; Magkasing tangkad lang kami, parehong 5'9 i guess. singkit siya, moreno, sakto lang din yung pangangatawan, matangos ilong, straight. Hindi ko din alam kung bakit nagka-ganon, pero i think yun ang rason bat ganito, siguro nadala lang ako sa pinaramdam niya kaya nahulog ako sa kaibigan ko.
Nagsimula lahat nang yon last 2018. Nalaman ko kaseng may nililigawan si Lerwick. Grade 11 kami noon, and ka schoolmate namin yung babae.
Si Vien, sobrang ganda naman kase ni Vien. Aaminin ko maski ako nagkagusto kay Vien, feeling ko kase sobrang solid niya maging jowa. Pero sobra akong nanibago kase naging iba pakikitungo samin ni Lerwick nung nakilala niya si Vien. Siguro nasanay lang ako? Kase halos lahat ng atensyon ni Lerwick sa amin niya lang binabaling.
"Ano Iwi? Sinagot ka na ba ng babae mo?" Tanong ni Lucas kay Lerwick, habang inaalis ang pagkakasintas ng kaniyang rubber shoes. Iwi ang nakasanayang tawag namin kay Lerwick dahil yun ang kanyang palayaw.
"Basta pag nag pa inom ako, matik na yun Luc." Sagot ni Iwi habang abot teynga ang ngiti.
Kakatapos lang ng training namin non sa Basketball, Ilang weeks nalang kase at Uweek nor Sportsfest na namin. Bago kami umuwi nagkayayaang mag mang inasal, dahil narin sa gutom. Ganadong ganado akong mag inasal nung time na yon, kase dalawang burger lang ang kinain ko nung lunch break namin. Medyo malayo ang Mang Inasal sa school namin, isang sakay pa bago makarating. Habang nag aabang kami ng jeep hindi ko din alam kung bakit bigla nalang akong napakapa sa bulsa ng bag ko, yung bulsang madalas na pinaglalagyan ng baunan ng tubig. Doon ko kase madalas sinusuksok yung wallet ko.
"Gago tol, teka yung wallet ko." Halos kabado nako kase nandoon sa wallet ko yung allowance na kakabigay lang saken ni erpat, pati ang atm savings ko. Sigurado akong di lang bunganga ang aabutin ko kay erpat pag hindi ko nahanap yon. Nagmumuka na akong tanga kakakapkap sa bag ko, halos naka upo nako sa sahig para lang macheck ng maayos ang nasa loob ng bag ko. "Tulong naman mga gago!" Pakiusap ko sa kanila habang patuloy na hinahanap ang wallet ko. Bigla nalang akong natauhan nung binatukan ako ni Lerwick