Ako at Ang Tatay ni Jenny (Part 1)
Ako at Ang Tatay ni Jenny (Part 1)
By: ngeraldHello. Ako nga pala si Josh, 22 years old. Ang aking height ay 5'10, moreno, maganda ang aking pangagatawan dahil sa regular na pag-gym. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa Makati bilang isang IT Programmer. Nakatira ako ngayon sa Mandaluyong kasama ng aking ina at dalawang nakababatang kapatid na pawang nag-aaral pa sa highschool. Namatay naman ang aking tatay noong 17 pa lang ako dahil sa sakit. Straight akong lalaki. Marami na rin akong naging girlfriends, sa katunayan ay meron akong girlfriend sa kasalukuyan, siya si Jenny. 5 months na kami ni Jenny at nagkakilala kami dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ngunit hindi pa nya ako napapakilala sa kanyang ama.
Isang araw ay sinabi na lamang ni Jenny na nais daw akong makilala ng kanyang mga magulang dahil naikwento na nga niya sa kanila na meron na syang nobyo. Bigla na lamang akong kinabahan dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng kanyang mga magulang. Kinabukasan ay day-off namin pareho ni Jenny, araw ng sabado. Ito ang araw na ipapakilala nya na ako sa kanyang mga magulang. Pagkagising ko ay naligo na ako at nagbihis ng puting polo at fitted maong pants. Pagkaalis ko ng bahay ay tinext ko na si Jenny na papunta na ako sa kanilang bahay. Dinala ko na ang sasakyan para di naman hassle magcommute at maayos pa rin akong tignan pagdating ko sa kanila. Pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay ipinarada ko naman ang sasakyan at saka nagdoorbell. Agad naman akong pinagbuksan ni Jenny ng gate. Pumasok na kami sa loob at pagtingin ko ay parehong nakaupo ang kanyang mga magulang sa sofa ng sala.
Ako: Magandang umaga po. Ako nga po pala si Josh. Boyfriend po ni Jenny. (Sabay abot ng kamay)
Rudy: Ganun ba? Ako naman si Rudy, tatay ni Jenny. At sya naman si Luz ang asawa ko. (Sabay abot din ng kamay at nginitian ako) Sige maupo ka iho.
Si Mang Rudy ay 45 years old na. Dati itong sundalo ngunit retirado na. May taas itong 5'8 at may kalakihan din ang katawan ngunit mas malaki ang sa akin. Wala syang abs at medyo may tyan.
Luz: Osiya sige ihahanda ko na ang pananghalian para makakain na tayo.
Jenny: Osige ma tulungan na kita ma.
At nagtungo sa kusina si Jenny at ang kanyang mama para tulungan ito. Naiwan kaming dalawa ng tatay ni Jenny. Nasa kabilang side ako ng sofa kaya lumapit ito at umupo sa aking tabi. Medyo nailang naman ako dahil di ko pa gaano kaclose ang kanyang ama.
Rudy: Tama nga ang aking anak, mukhang mabait at gwapo pa ang kanyang nobyo. Iho, basta wag mo lang sasaktan ang aking anak. Ipangako mo yan. (Sabay tapik sa aking hita at pinisil) Medyo nailang ako sa ginawa ng tatay ni Jenny pero hinayaan ko na lang at sumagot,
Ako: Syempre naman po! Mahal na mahal ko po si Jenny kahit ilang buwan palang po kami.
Tinawag na kami ni Jenny upang kumain. Kwentuhan lang kami habang kumakain. Habang kumakain ay napapansin ko ang malalagkit na tingin sa akin g ama ni Jenny. Nginingitian ko na lamang ito at sya rin ay ngumingiti pabalik sa akin. Matapos ang tanghalian ay nagkwentuhan ulit kami ng kanyang mga magulang at inabot na kami ng hapon. Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na at medyo pagabi na rin. Nag-alok naman ang tatay ni Jenny na ihatid na ako sa gate. Pagkahatid sa akin ng tatay ni Jenny sa gate ay kinuha nya ang number ko para daw sa susunod ay madali na nya akong makontak kung magkasama kami ni Jenny. Binigay ko naman ng walang pagaalinlangan dahil tatay naman niya iyon.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tinext si Jenny na nakauwi na ako. Pagkauwi ay naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na lamang ako ng boxer briefs dahil yun lamang ang sinusuot ko kapag matutulog ako dahil mainit ang panahon. Tumawag ako kay Jenny bago matulog para makapagkwentuhan naman kame. Tinanong nya kung ano daw pakiramdam ko kanina. Sinabi ko na okay lang naman dahil mababait naman ang kanyang mga magulang. Tinapos na namin ang aming usapan bandang 11pm. Sakto naman pagkababa ko ng cp ay biglang may tumatawag sa akin, unknown number. Sinagot ko ito.