Daddy ni Nico

482 4 0
                                    

🏳️‍🌈 M2MCity.com — Daddy ni Nico | Pinoy M2M Sex Stories | Pinoy Gay Stories
By: Aaron

Bilang isang tao na may pakiramdam at rasiyonal kung mag-isip, magmahal, at makiramdam ay likas na sa atin ang humanga sa taong may kakaiba at angking galing sa mga bagay-bagay at larangan o kaya naman ay humanga dahil sa ganda ng pisikal na hitsura ng isang tao. Subalit, hindi maiiwasan na ang paghanga na mayroon tayo sa isang tao ay nauuwi sa isang bagay na hindi natin minsan inaasahan na mangyayari lalo na at nawawalan tayo ng kontrol sa ating mga sarili kung minsan. Magandang araw, bago pa man ang lahat ay nais ko lamang sabihin sainyo na isa ako sa masugid na taga subaybay ng programa niyo. Nakagawian ko na ang makinig mula sa programa niyo kapag ako ay may libreng oras o nais na magpalipas ng oras. Btw, ako nga pala si Aaron, isang closeted gay at 22 years old na tubong Quezon Province na kasalukuyang nag-aaral sa isang pamantsan dito sa Maynila bilang isang 4th year student. Ang kwento na aking ibabahagi ay patungkol sa aking sariling karanasan kasama ang isang lalaking hindi ko lubos akalain na mararanasan ko sa kanya ang lahat ng “first time” sa aspetong sekswal. Bago ako magsimula ay nais ko lamang linawin na nangyari ang lahat ng karanasan kong ito noong 19 years old na ako. Bagaman kakaiba at rated SPG ang kwento na aking ibabahagi ngunit alam kong kapupulutan ito ng aral lalo na ng mga katulad kong myembro ng LGBTQ+A.

Bata pa lamang ako ay alam ko nang may kakaiba sa akin, hindi kasi ako katulad ng mga lalaki na ka edad ko. Sa halip kasi na kotse-kotsehan o holen ang nilalaro ko ay nakahiligan ko nang laruin ang barbie doll na laruan ng mga kalaro kong babae. Gayon pa man, tanggap ako ng pamilya ko kung sino at ano ako. Noong bata pa ako ay masaya at proud ako na purong babae ang aking mga kalaro. Laro roon, laro rito. Gayunpaman kahit na lalamya-lamya ako ay never akong nagpabaya sa aking pag-aaral. Sa katunayan ay isa akong top performing student at isang consistent academic awardee mula kinder hanggang high school; bagay na ikinatutuwa ko at ng aking mga magulang. Nang tumuntong ako sa senior high school ay lumipat ako sa ibang school kung kaya ay panibagong adjustment na naman ang aking ginawa. Hindi katulad nung junior high school na puro babae lamang aking kaibigan, nang ako ay mag senior high ay napa barkada na rin ako sa mga lalaki ngunit hindi pa rin nagbabago ang aking pagkatao. Lingid sa kaalaman ng aking mga barkada ay isa pa rin akong closeted gay. Mahirap man sa aking part ang sitwasyon ngunit kinaya ko naman hanggang sa makapagtapos ako ng senior high school, as always, isang honor student na may maigting na pakikipag kaibigan sa aking kapwa. May 2019, bakasyon noon ngunit sa halip na magpahinga ay ginamit ko ang oras para ayusin ang mga papeles na gagamitin para sa pagpasok ko sa kolehiyo bilang 1st year student. Magastos at nakakapagod. Dalawang salita na aking naranasan bilang isang estudyanteng taga probinsiya na nagbabalak mag-aral sa isang pamantasan sa Manila. Sa awa ng Diyos ay matagumpay akong nakapag apply, natanggap at nag enrol para sa bagong school year. Sa wakas, worth it lahat ng gastos at pagod. Ramdam kong mahal ako ng Diyos at alam kong sumasang ayon sa akin ang panahon. September 2019 nang ako ay lumuwas ng Manila mula Quezon Province para sa nalalapit na pasukan bilang isang 1st year student. Kabado man ako noon ngunit palagi kong iniisip na malapit na ako sa finish line at matutupad ko na ang mga pangarap ko para sa aking sarili at pamilya. Katulad ng sitwasyon noong lumipat ako sa ibang school nung senior high school, ay back to zero ulit ako bilang isang freshman sa college. Walang kakilala, bagong kapaligaran, at panibagong adjustment na naman ang aking gagawin. Nang umupa ako sa isang dorm sa school ay hindi naging madali sa akin ang lahat. Tatlong araw na lamang noon bago ang 1st day of school ay magkahalong kaba at excitement ang aking naramdaman. Kaba na baka malaman ng aking magiging kaklase ang tunay kong pagkatao, kaba sa mga panibagong lesson para sa kurso na aking pinili, at excitement sa mga magiging kaganapan bilang isang certified college student. Dumating na nga ang first day of school. Sa wakas, certified college student na ako sa kursong Bachelor of Science in Architecture. Pinili ko ang kursong Architecture sapagkat may talento rin ako sa paguhit at hindi naman sa pagmamayabang ay matalino rin ako sa Mathematics. Nang pumasok ako sa room para sa first subject ko ay isa lamang ang aking napansin- ang katahimikan. Medyo kabado ako noon kung kaya ay umupo ako sa bandang hulihan ngunit nagkaroon pa rin kami ng sitting arrangement. Sa ginawang sitting arrangement sa unang araw ng pasukan ay nakatabi ko ang isang lalaki, siya si Nico.

$#&6Where stories live. Discover now