Ang Biyudo

658 3 0
                                    

Ang Biyudo 1 (Submitted)

“tay, kain na po tayo”  pagtawag ni Daniel sa kanyang ama na si mang dante na nuon ay abalang abala sa kinukumpuning traktora sa bodega sa gawing likuran ng kanilang bahay.

“sige anak susunod na ako sa kusina” sagot  ni mang dante sa bunso.

Mula ng yumao ang asawa ni mang dante limang buwan pa lamang ang nakakalipas ay ang bunsong anak nyang si Daniel ang gumagawa ng halos lahat ng trabaho sa kanilang bahay, ang panganay nyang anak na si Danica ay maagang nag-asawa at naninirahan sa maynila kasama ng pamilya nito. Si aling Dolores ang butihin nyang may bahay ay binawin ng buhay dahil sa sakit na kanser sa obaryo. 

Sinubukan nilang dugtungan ang buhay nito sa pamamagitan ng pag-papagamot  dito sa kilalang ospital sa maynila ngunit halos maibenta na nila ang malaking parte ng kanilang bukirin ay hindi pa rin nalunasan ang sakit ng ginang, kung kaya’t kahit mahirap ay pinipilit nalang nilang mag anak na tanggapin na wala na ang ilaw ng kanilang tahanan.

Pagpasok ni Mang Dante sa kanilang maliit na kusina ay nadatnan nya ang anak na nilalagyan ng kanin ang kanyang plato, magmula ng yumao ang kanyang misis ay ang kanyang bunso na ang nag aasikaso ng kanyang mga pangangailangan, sa eded nitong labing anim ay responsable na ito, bukod sa magagandang grado nito sa eskwelahan ay hindi sya nito binibigyan ng sakit ng ulo. Malayong malayo ang ugali ng kanyang bunso sa mga kabataan sa kanilang lugar na madalas umiinom at nag babasag ulo. Wala pa rin itong ipinapakilala sa kanyang girlfriend nito o nililigawan sa kabila ng maraming nagsasabi na gwapo ang kanyang anak. 

Ang kutis nito ay natural na maputi na nakuha nito sa kanyang ina, kahit madalas ay sumasama ito sa kanya sa bukid ay hindi nag iiba ang kulay nito, makinis ang balat at kabaliktaran nya ay wala halos balahibo sa braso at sa binti ang binatilyo, kapansin pansin din ang malamlam na mata nito na malalantik ang pilik mata na parang sa babae, katamtaman lang ang tangkad ni Daniel na bagay sa katamtaman ding pangangatawan nito.

“o tay maupo na po kayo at kumain na tayo alam kong gutom na po kayo at kangina pa kayong umaga sa bodega” ani Daniel sa ama.

“oo nga nak at hinahabol kong kumpunihin yung makina at bukas ay magsisimula na tayong magpatanin ng palay para tuloy tuloy na ang trabaho” si mang dante sabay pwesto sa kayang bangko sa kabisera ng lamesa, sag gawing kanan nya nakapwesto ang anak ang dating upuan ng kanyang misis.

“tamang tama po tay at sabado at linggo makakatulong ako sa inyo sa patanim”

“nako anak baka umitim ka kung lulusong ka sa bukid sayang naman ang kutis mong habulin ng chicks” biro ni mang dante sa anak,

 “si tatay talaga palagi nalang ako ang binibiro”

 “e sino pa bang bibiruin ni tatay anak e, tayo lang namang dalawa dito hehe” nagpatuloy ang masayang tanghalian ng mag ama, pagkatapos ay pinagpatuloy ni mang Dante ang ginagawa sa bodega at niligpit naman ni Daniel ang mga gamit sa kusina.

Bandang hapon ay pinaghanda ni Daniel ng miryenda ang ama, dala dala ang juice at sandwich ay nagtungo si Daniel sa bodega sa likod bahay, nadatnan nya duon ang ama na nasa ilalil ng traktora, nakahiga ito sa table na may gulong na sadya upang makapag ayos sa bandang ilalim ng traktora.

$#&6Where stories live. Discover now