Me, My Stepfather and Others

1.1K 3 0
                                    

Me, My Stepfather and Others (Part 1)
Me, My Stepfather and Others (Part 1)
By: Lito

Paalala

Ang kwentong ito ay isang kathang isip po lamang. Nabuo ang kwentong ito sa pagnanais kong makapagsulat at kahit papano ay may mapaglibangan.

Anomang pagkakahawig ng kwento sa ibang mga kwento na nailathala na o ilalathala pa lang ay hindi sinasadya ng may akda, at nagkataon lamang.

Ano man din ang pagkakahawig ng character sa kwento sa mga totoong tao, buhay man o patay ay pawang pakakataon lamang. Maging ang ginamit na lugar ay walang kaugnayan sa totoong pangyayari.

Salamat po

Lito

-----o0o-----

Ako si Peter, dalawampung taong gulang, nagsosolong anak at kasalukuyang nag-aaral sa isang kilalang unibesidad sa Maynila. Ang kwentong ilalahad ko ay nangyari mahigit tatlong taon na ang nakaraan.

Maagang nabalo si Mommy. Namatay ang aking ama sa isang aksidente sa barko. Seaman kasi si Daddy. Sampung taon pa lang ako noon at magisa akong itinaguyod ni Mommy. Naging masaya naman kaming dalawa. Naibibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Nasa Grade 12 pa lang ako noon ng kausapin ako ng masinsinan ni Mommy. Kagagaling ko lang noon buhat sa paaralan.

“Anak, may gusto sana akong sabihin sa iyo. May sarili ka namang pagiisip at sana ay maunawaan mo ako.” Wika ni Mommy.

“Mommy naman, ano ba yun at parang napakaseryoso ninyo. Ano ba ang sasabihin ninyo at may pasakalye pa kayo hehehe. Syempre naman, mauunawaan ko kayo, nanay ko kayo eh. Bakit po ba? Nakahanap na po ba kayo ng ipapalit kay Daddy?’ Sagot ko na may kasunod na pagbibiro.

“Ang totoo anak ay tama ang sinabi mo. Katunayan ay kasal na kami kahapon lang.” Pagtatapat ni Mommy na may konting hiya.

Nagulat ako syempre. Ang biro ko ay totoo na pala. “Nagbibiro ka ba Mommy?”

“Totoo ang sinabi ko Peter, anak. Nadito siya ngayon at dito na rin titira. Sana ay igalang mo ang aking naging pasya. Pasensya ka na at hindi ko nasabi agad na may nanligaw sa akin at nagustuhan ko rin. Biglaan din ang aming kasal. Hindi siya pumayag na umuwi dito na hindi pa kami kasal, kaya nagpakasal kami agad sa Mayor natin.” Paliwanag ni Mommy.

“Ang daya mo Mommy. Hindi ko man lang nakilatisan kung aprub sa akin. Ano pa bang magagawa ko ay nandyan na iyan. Sana lang ay hindi kayo nagkamali sa pagpili sa kanya. Nasaan siya Mommy, ipakilala mo na ako sa bago kong daddy hehehe.”

“Tito. Tito lang ang itatawag mo sa kanya. Iisa lang ang Daddy mo at siya ay wala na sa atin. Sandali lang at tatawagin ko siya.”

Pumasok sa kanilang silid si Mommy. Naghintay ako sa kanilang paglabas. Bumukas muli ang silid ni Mommy at nauna siyang lumabas kasunod ang isang matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan, maiksing buhok na parang sa sundalo at may kaakit akit na mapupungay na mga mata.

“Magandang hapon po Tito,,,,” hindi ko maituloy dahil hindi ko pa alam ang kanyang pangalan. Titig na titig ako sa kanya at parang na starstruck.

“Victor, Tito Victor. Kumusta ka Peter. Peter ang pangalan mo ‘di ba?”

Matagal din bago ako nakasagot. “Opo, Peter po. Mabuti po naman.” Ang nasagot ko lang.

“Palagay ko ay magkakasundo tayo Peter” Turan ni Tito Victor. Pakiwari ko ay may kahulugan ang kanyang sinabi. Basta, iyon ang aking pakiramdam. Bata pa si Tito. Sa hula ko ay wala pa siyang kwarenta anyos. Si Mommy kasi ay 35 years old na. Batang bata pa kasi siya ng itanan daw ng aking Daddy. Pwede pa akong magkaroon ng kapatid dahil kaya pang mag-anak ni Mommy.

$#&6Where stories live. Discover now