Taksil

624 1 0
                                    

M2M SERIES Chapter 311 - Taksil (Part 4)
308 Taksil (Part 1)
Simula bata, may isang tanong na laging umiikot sa kokote ko. Bakit may mga taong hindi marunong makuntento? Kung hindi niyo na itatanong, galing kasi ako sa isang pamilyang hindi pinahintulutan ng tadhana na maging buo. Noon, palagi kong tinatanong kung bakit nagawa ni Tatay na ipagpalit si Nanay sa kumare nito. Sa pag-iisip ng mga posibleng dahilan, ni isa wala akong nakuhang sagot. Mababaliw na lang yata ako ay hindi ko pa nasasagot ang tanong ko. Ang buong akala ko ay hindi darating ang panahon na malalaman ko ang sagot sa katanungan kong ito, ngunit ipinahintulot ng tadhana na ako mismo, ay mapapunta sa ganitong sitwasyon.

Ako si Bryan, hindi tunay na pangalan. 26 na ako at aksalukuyang nagtatrabaho sa isang man power agency dito sa Maynila. May syota ako, si Michael. Oo, lalaki rin siya. Matagal na kami. Since fourth year college ay magkasintahan na kami hanggang ngayon. Hindi rin lingid ang relasyon namin sa aming pamilya at sa mga taong malalapit sa amin. Kung tatanungin, hindi ko inakalang iibig ako sa kapwa ko lalaki. Bukod sa walang bakas ng kalambutan sa aking katawan, babaero ako noong high school. Pero tunay na walang permanente sa mundo. Si Michael? Eto ang gwapo. Maputi, makinis, mayaman, maganda ang pangangatawan, may pagkamahinhin at malambot ang pagsasalita. Isa siyang nurnse sa isang kilalang hospital dito sa Pilipinas.

Ayos naman ang relasyon namin. Hindi naman kami nawawalan ng time sa isa't isa. Siyempre, hindi maiwasan na kung minsan ay mayroong hindi pagkakaintindihan ngunit hindi namin hinahayaang sirain kami nito. Alam naman kasi namin na mahirap ang pinasok naming relasyon, ayaw na naming mas lalo pang gawing kumplikado sa pamamagitan ng pag-una sa pangsarili naming emosyon. Simula ng maging kami, alam namin na hindi na lang sarili namin ang dapat isipin, kundi ang damdamin ng bawat isa.

Isang gabi, kami lang dalawa sa pad niya, napagdesisyunan naming mag-inom. Since wala namang masyadong gagawin at after ilang months, ngayon lang siya nakapag-day off ng medyo matagal, sinulit ko na 'yung mga sandali kasama siya. Syempre kasama na doon ang makaniig siya. Sa katunayan, ayaw niya talagang uminom ngunit dahil nga may iba akong balak, ipinilit ko. Pangpalakas ng loob, pang pasarap, ika nga. Medyo nakakarami na kami ng akitin na niya ako sa kwarto niya.

'Yes! Eto na!' sabi ko sa sarili ko. Matagal tagal na rin akong walang sex eh. Syempre sa panahon ngayon, hindi lang relasyon namin ang ayaw kong masira, pati kalusugan ko. Puro mariang palad at porno lang ang kaharap ko kaya naman excited na excited si Little Bryan, nakasaludo agad. Ngunit saktong paglapat ng katawan niya sa kama ay umakto na itong tutulog.

"Biii. Mamaya ka matulog. 'Wag mo naman akong tulugan." panunuyo ko rito.

"Antok na antok na ko bii." mahinang tugon niya.

"Eh. Mamaya ka na matulog. May gagawin pa tayo." pamimilit ko.

"Hindi ba 'yan makakapg-hintay bukas, biii? Hindi ko na talaga kaya eh."

Ilang panunuyo at panggigising na ang ginawa ko pero wala pa rin. Hanggang sa sumuko na ako. Medyo iritado akong bumalik sa labas at binuksan ulit 'yung isang alak. Kunot noo akong nag-inom habang nanunuod mag-isa ng palabas sa TV. Tsk. Akala ko pa naman mapgbibigyan ako.

May kalahating oras na ang lumipas ng may biglang kumatok. Napatingin ako sa oras. Pagtingin ko, magtetwelve na. Napaisip ako, sino naman kaya 'tong nang-iistorbong 'to gabing gabi na. Pagbukas ko ng pinto, isang lalaki ang tumambad sa 'kin.

"Ahhh... si Kuya Michael po?" tanong nito.

"Tulog na eh. Bakit?" simpleng sagot ko.

"Ahhh kukunin ko lang po sana 'yung mga questionnaires na ibinigay ko sa kanya para po sa thesis ko."

"Pasensya na kid, tulog na eh. Hindi ko alam kung na'san 'yung sinasabi mong quetionnaires." tugon ko.

"Naku... pa'no 'yan." narinig kong sabi niya. Tila hindi ito mapalagay. "Nakakahiya man po kuya pero okay lang po na mahanap? Kahit ako na po maghanap? Kailangang kailangan ko na po kasi eh. Mashoshort po ako sa time kapag hindi ko pa po siya nakuha."

$#&6Where stories live. Discover now