Barako Kong Tatay

690 3 0
                                    

Barako Kong Tatay (Part 1)
Barako Kong Tatay (Part 1)
By: Duwidun

Si Tatay Jack na 32 anyos ay isang mechanic sa isang companya sa Maynila. Dahil malaking tao na may taas na 5'11, moreno, may makapal na kilay at may mapungay na mga ay naging sikat siya sa mga kababaihan.

Hindi ko naman sila masisi dahil talaga namang gwapo at malakas ang appeal ni Tatay. Yung parang barumbado pero talaga namang maalaga. Matalim pa makatitig sa kabila ng kanyang mapupungay na mga mata.

Kaya lang palikero si tatay. Papalit - palit ng jowa at kung sino - sinong babae ang iniuuwi sa bahay kaya lang ay wala talagang nagtatagal.

Masasabi kong ibang klase pumili ng jowa si Tatay Jack, karamihan ay magagandang dalaga at madalas pa nga ay nasa 10 taon ang agwat ng edad nito sa mga yon. Kaya naman kilala siyang playboy sa aming lugar "Virgin Hunter" pa nga ang bansag sa kanya ng kanyang mga kainuman at barkada.

Mula ng mamatay si Nanay noong ako'y 7 taon gulang dahil sa aksidente ay si Tatay na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin kahit na hindi nya naman talaga ako tunay na anak. Kaya naman napakalaki ng utang na loob ko kay tatay Jack lalo na at hindi naman siya nagkulang sa pag- aaruga sa akin.

"Liam gumising kana dyan, tatanghaliin tayo". Boses iyon ni Tatay Jack na nakatayo sa harap ng saradong pinto ng kwarto ko.

Saka ko lang bigla na alala na ngayon pala kami lilipat ng bahay sa isang probinsya sa Bataan dahil sa lupain at negosyo ng kanyang mga magulang na inihabilin sa kanya.

"Doon na rin ba ako mag - aaral Tay?" Tanong ko habang kumakain ng almusal.

"Oo, Liam. Doon muna tayo titira sa bahay na inihabilin ng lolo at lola mo bago sila kunin ng tita Cathy mo papuntang abroad." sagot ni Tatay Jack.

"Alam ko nakarating na ko dun dati eh, di ko lang masyado maalala" sabi ko sa sarili sabay tingin kay Tatay na humihigop ng kape.

Mga tatlong oras rin ang byahe mula Maynila pa Bataan at dumaan muna kami ng SM City Pampanga para bumili ng kakailanganin naming mga gamit, para narin makagala at masulit ang aming Byahe.

Masaya ako na nakabonding ko si ulit Tatay Jack. Halos kasi kainin ng trabaho ang lahat ng kanyang oras at busy rin ako sa pag -aaral kaya bihira lang ang araw na ganito. Matapos makapamili ay nagpa-alam muna ako kay Tatay Jack para umihi.

"Sige, hintayin nalang kita dito sa entrance ha! Akin na muna yang mga dala mo." Sabi nya sabay tingin sa mga babae na lumalabas pasok sa mall na tila sinisipat ang mga ito.

"Hay..ang tatay, kahit kailan talaga" sabi ko sa sarili habang nakatingin kay tatay Jack

"Oh bakit?" tanong nya.

"Wala, Tay" pabirong sagot ko bago ako umalis para umihi.

Malawak ang mall at marami din tao buti nalang ay walang gaanong gumagamit sa mga restroom. Kahit na wala naman tao sa mga urinal at tanging dalawang lalake na nagsa- salamin lang ang aking nakasabay ay yung pinaka dulo parin na urinal ang aking ginamit.

Mahiyain akong tao at hindi ako gaano sanay maki -salamuha lalo na sa mga taong hindi ko pa naman lubusang kilala at sa totoo lang ay medyo maliit lang ang t*te ko, nasa 5 na pulgada lang ang haba sagad na yun kaya nahihiya rin ako kung may makakakita.

Kakapuwesto ko palang sa harap ng urinal at aktong bubuksan ang zipper ng pantalon nang naramdaman kong may lalake na tumabi sa akin, yung isa sa mga lalake na nakaharap sa salamin kanina. Umalis na yung kasama nya kaya kaming dalawa nalang ang nasa restroom ng mga oras na yon.

Nakakapagtaka lang na kung bakit sa akin pa siya dumikit, eh wala naman tao sa iba pang urinal. Di ko nalang masyado pinansin at ginawa ko nalang ang dapat ko gawin.

$#&6Where stories live. Discover now