Pagkatapos mag speech nang magaling kong best friend. Hindi ko ginawa ang sinabi niyang bumaba raw. Instead sumabay ako sa maraming estudyante na papalabas na nang Basketball gym para hindi niya ako makita.
Tama na ang maraming kahihiyan. Kahit tatahi-tahimik ang mga estudyante kanina alam kong iilan sa mga babae doon ay patay na patay kay Allen. Wala rin naman akong planong gawin ang isinigaw ko ng maka-shoot si Allen 'no.
Naglalakad ako patungo sa locker room upang kunin ang mga gamit doon na inilagay ko. Pagkatapos kasi ng laro pwede nang umuwi. Saglit ko lang kinuha ang mga gamit ko bago nagsimulang maglakad patungong gate.
Minessage ko na lang si Kelly na mauuna na ako dahil alam kong kasama siya sa celebration ng pag kapanalo ng basketball team namin dahil nga girlfriend siya ng Captain.
Pero, hindi pa ako nakakalayo ng may lapastangang sumigaw ng pangalan ko.
"Snow White!"
Snow lang walang White!
Nilingon ko ang magaling kong best friend nabungaran ko ang masamang tingin nito sa 'kin pero agad din pumihit pabalik ang ulo ko at tumingin sa harap ng mapansing kong kasama niya si Allen at seryosong nakatingin sa akin.
Nakakahiya ang mga sinigaw ko kanina rito. Kasama niya rin ang buong Basketball team kaya mas lalong nakaramdam ako nanghiya.
Lagot! Mukhang delikado ako dito.
Mabilis akong naglakad dahil medyo malayo layo pa sila sa akin. Malalaking hakbang ang ginawa ko makaiwas lang sa kanila.
"Oy, oy, oy! Saan ka pupunta?"
Muntik pa akong mapasigaw nang nasa tabi ko na si Kelly, pigil-pigil nito ang kanang braso ko kaya kusa na rin ang mga paa ko na huminto sa paglalakad. Halatang tinakbo niya ang pagitan ng layo namin.
"Uuwi saan pa ba?" kunwaring mataray kong sagot sa kanya.
"Hindi pwede! Girlfriend ka ni Allen kaya sasama ka sa 'min."
Ano daw?
Hinila-hila ako nito patungo kung saan huminto sila Allen at mga ka-team mate nito. Halata ring pinahinto ni Kelly muna ang mga ito sa paglalakad at siya nalang ang humabol sa 'kin.
Kahit kailan lakas maging batas ng best friend ko kaya idol ko 'to, e.
Huminto ako at hindi ko siya hinayaang mahila ako nang tuluyan.
"Sira na ba ulo mo? Dare mo lang lahat ng isinigaw ko. Tapos na 'yong dare mo sa 'kin nagawa ko naman lahat." Bulong ko rito. Hanggat maaari ayokong iparinig sa mga lalaking hindi gaanong kalayuan sa 'min ang sinabi ko. "Oo nga pala 'yong pera ko? Nasa'n na?"
Ngumiti ito ng matamis. Ang ngiting iyon alam kong may laman. May lamang plano na naman.
Mahina kong kinagat ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Agad naman siyang napabitaw dahil hindi niya 'yon inaasahan. Mahina niya akong ginantihan ng hampas sa braso.
"Ibabalik ko kung sasama ka sa 'min." Tumaas-taas pa ang mga kilay nito na para bang tinutukso ako.
Umiling-iling ako hudyat na hindi ako sang-ayon sa gusto niya.
"Hindi ka ba naaawa kay Allen? Siya lang ang walang isasamang girlfriend dahil ayaw ng girlfriend niyang si Snow na sumama," parang tangang sabi nito. Ang lakas pa ng pagkakasabi niya na halatang ipinaparinig sa isang tao.
Inakbayan ko siya at binulungan. Ginawa ko iyon dahil ramdam ko ang mga mata ni Allen na nakatingin sa akin. Parang nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa tingin niya.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...