Chapter 3

4.6K 87 19
                                    

Hininto ni Allen ang kotse niya sa harap ng isang Bar. Lin ang nakalagay sa sign board ng Bar. Ang alam ko sikat na sikat itong Bar na 'to dahil kahit minor pwedeng makapasok basta isang anak mayaman at alam kong makakapasok ako dahil may kasama akong anak mayaman.

Bumukas ang pintong nasa gilid ko. Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Allen ng kotse niya. Nakakahiya tuloy mukang feeling gusto kong pagbuksan niya pa muna ako bago bumaba.

Gaya rin kanina. Parang mulala kong pilit tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa 'kin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Allen na nakatayo sa gilid ko.

Galing! Hirap na kaya ako dito.

Nang hindi ko talaga matanggal parang batang pilit na lumulusot ako rito. Rinig ko ang bahagyang lakas ng tawa nito dahil sa ginagawa ko.

"Hey.. hey.. Stay still; I will help you."

Dahil sa sinabi niya muli akong bumalik sa pagkakasandal sa upuan ng kotse niya at hinintay ang gagawin niya. Saglit itong mahina muling tumawa bago pinasok ang kalahati ng kanyang katawan at agad na pinindot yung bagay na nasa gilid ko.

Nahihiyang bumaba ako sa kotse niya ngunit bahagyang umawang ang labi ko ng ipatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko upang siguro alalayan para kung sakaling mauuntog man ako.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil sa kahihiyan ko. Muntik pa akong mapasubsub dahil sa pagmamadaling maglakad. Buti na lang katabi ko siya at agad akong naalalayan.

Ano ba Snow! Kotang-kota kana sa kahihiyan sa harap ni Allen ngayon.

"Careful," bakas sa tinig niya ang pag-aalala.

Tango at mahinang pasalamat lang ang sinagot ko sa kanya.

Nang makapasok na kami sa loob ng bar. Halos mahilo ako dahil sa pailaw. Hindi ako sanay sa ganitong lugar.

Napansin ata ni Allen ang itsura ko. Nagulat ako ng hinuli niya ang kaliwang kamay ko at inintertwine sa kanang kamay niya. Bakas pa rin sa 'kin iyong pagkabigla pero hindi ko ito pinigilan at hinayaan ko na lang siya.

Sa totoo lang nakatulong ang ginawa niyang iyon. 'Tsaka ko nalang siguro iisipin ang gagawin sa akin ng girlfriend niya.

Nagsimula na siyang maglakad patungong second floor, dahil nandoon ata ang mga kaibigan niya at alam kong pang VIP ito. At dahil naka intertwine ang kamay namin napapasunod na lang ako sa bawat hakbang niya. Hindi rin naman gano'n kalaki ang mga hakbang nito, siguro para makasunod ako sa kanya.

Nang makarating kami sa taas. Hindi masyadong rinig ang tugtog dito na nagmula sa baba. Agad hinanap ng mga mata ko si Kelly. Nanlalaking mata at pagtataka ang mamabasa sa pagmumuka nito. Sinundan ko ang mga mata niya kung saan nakatingin.

Sa kamay namin ni Allen na magkasalikop.

Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak ni Allen pero mukhang walang plano ang lalaking ito na bitawan ako.

Pansin ko ang mapanuksong tingin ng mga ka-team mate ni Allen. Gagi! Bakit kasi ayaw bumitaw ng taong 'to?

Sabay kaming umupo ni Allen sa mahabang sofa sa harap mismo nila Kelly at Jackson. May kasama pa silang tatlong lalaki na nag-uusap-usap.

Bahagya akong nagulat ng ipatong ni Allen 'yong soot niyang jacket kanina sa mga hita ko. Siguro dahil nakapalda lang ako. Ginulo niya iyong buhok ko ng tignan ko siya. Muli na lang akong mahinang nagpasalamat sa kan'ya.

Gentleman naman.

Ngayon mas malinaw kong nakikita ang muka ng kaibigan kong nakaguhit ang nakakalokong ngisi sa mga labi.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon