Umayos ako ng higa na patihaya bago nagsalita.
"Hello, Kell?" paunang bati ko.
"Hindi ako makatulog."
Sigurado ako nakanguso ito. Hindi siguro niya nakausap si Jackson. Ako na naman naisip kulitin, e.
"Bakit? Anong nangyari ba?"
"Ayon nga, Wala! Walang nangyari."
Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya.
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Si Babe kasi! Sabi tatawag. E, kanina pa ako nag-aantay halos mabulok na nga ako dito. Ayon walang tawag!" inis na ani niya.
"Sana ikaw na lang ang tumawag, at saka baka tulog na kaya hindi ka natawagan."
"Sira ka, nasa bar! Hindi ba nasabi ni Allen sa 'yo na pupunta silang bar?"
"Nasabi," mahina kong sagot.
"Nice, buti naman. Wait! Sinabi ba sa 'yo kung bakit?" tanong nito.
Saglit akong napabuntong hininga bago siya sagutin. "Hindi. Kailangan ko pa bang malaman 'yon?" alanganin kong tanong.
Ang alam ko kasi wala naman akong karapatan magtanong pa sa kanya kung bakit o kung saan man siya pupunta.
"Of course girlfriend ka. Bir--" I cut her.
"Sira ka ba? Alam mo namang kayo lang nagsasabing girlfriend niya ako. Kayo lang nag-aakala no'n."
"Ah basta! Girlfriend ka, period! So deserve mo ma-knows, okay? Ako na lang ang magsasabi if hindi mo nga alam. So, ito na nga birthday ng isa nilang kaibigan daw. I-ce-celebrate raw nila ngayong gabi. Sabi ko nga sama ako kaso hindi raw pwede. No girls allowed daw," ungot niya.
"Ako pa ang niloko niya kahit ipusta ko pa iyong lupa namin sa paso may babae do'n. Saang bar ba ang walang babae, huh!? Ako pa ginoyo!"
Natawa ako ng mahina dahil sa pagmamarakolyo niya.
Ibang klase.
"Tiwala ka lang sa boyfriend mo kasi. Baka napasarap lang ang usapan nila ng mga kaibigan niya."
"Baka masarap ang kausap na babae kamo!" inis na pagsingit niya.
"Baliw. Alam naman niya siguro ang mangyayari sa kanya kung mambabae siya. Ikaw pa, kaya mong mangalbo kahit walang gamit na gunting," natatawang ani ko.
Hanggat maari kailangan pakalmahin ko ang babaeng 'to. Iba pagiging warfreak nitong best friend ko pag nag-iisip ng kung ano anong negatibo.
"Pagkatiwalaan mo boyfriend mo, Kell. Minsan kailangan din ng mga lalaki ang privacy nila. Gano'n din naman siguro sa 'yo, 'di ba? Kapag nag-iisip ka ng ganiyan sa kanya, pwedeng diyan magsisimula ang away niyo at mas worst alam mo na. Kaya tiwala lang, okay?" dagdag ko pa.
Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"Okay, okay. Tama ka. Siguro bukas ko na lang tatanungin kung anong nangyari sa gabi niya."
"Huwag mong aawayin. Kausapin mo ng maayos."
"Yeah, hindi po. Sige na may gagawin lang ako. Gusto ko lang talaga may labasan ng sama ng loob ko ngayon. See you tomorrow, Baby Snow. Bye. Mwua. Good night."
Agad naman nitong pinatay ang tawag. Bumuga ako ng hangin bago tignan ang oras. Isang oras na lang bago mag 12 na ng madaling araw. Konting oras na lang itutulog ko.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...