Chapter 4

3.2K 69 4
                                    

"Snow White!"

Sabing Snow lang, walang White!

Agad kong nilingon at sinamaan nang tingin ang babaeng tumatakbo patungo sa lamesa ko kung saan ako kumakain ngayon.

"Anong nangyari kagabi? Bilis, bilis! Magkwento ka."

Wala naman nangyari. Alas tress na ng madaling araw nang magkayayaan ng umuwi. Dahil si Allen ang kasabay ko pumunta roon sa bar, siya rin ang naghatid sa 'kin pauwi. Buti nga at nakapasok pa ako ngayon kahit kulang sa tulog.

Hinila-hila ni Kelly 'yong kamay ko na may hawak na kutsara kaya hindi ko tuloy masubo-subo 'yong kanin at ulam na laman nito.

"Shh, 'wag kang magulo, Kell," pagsaway ko sa kan'ya.

Itong babaeng 'to absent kasi kanina kaya ngayon ako kinukulit.

"Ano nga ang nangyari kagabi? May nangyari na ba?" Pasigaw at naeexcite nitong tanong.

Buti at hindi ako sa cafeteria kumakain ngayon. Kun'di mukhang nag-eeskandalo 'to dahil sa pag sigaw niya at parang kiti-kiti sa likot.

Nasa garden ako na may lamesa at upuan na pwedeng tambayan ng mga estudyante. Dito ko naisip kumain sa garden dahil madalas walang tao dito lalo na pag lunch time at sakto nga walang katao tao rito ng dumating ako.

Halos lahat kasi mas gusto sa cafeteria kumain. E, ayaw ko naman doon masyadong maraming tao.

Hindi kinakaya ng pagiging introvert ko.

"Wala, okay. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa 'yong mga ginawa niya kagabi. Basta hinatid niya lang ako pauwi 'yon lang," mahabang lintaya ko sa kanya. Bago ko isubo 'yong nasa kutsara ko na last na.

"Sinungaling ka, girl." Ngumuso ito.
"Nakita ko si Allen kanina, mukhang maganda gising niya, dahil sa 'yo 'yon. Manhid mo lang kasi."

Napakunot noo ako dahil hindi ko narinig ang huling linya niya bago siya sinagot.

"Syempre maganda panahon ngayon," simpleng saad ko.

Iniinom ko 'yong tubig ko ng batukan ako nito kaya nasamid ako bigla. Nabasa din yung soot kong uniform. Medyo kita tuloy yung soot kong bra dahil white na blouse ang uniform namin nagkataon pang wala akong soot na sando pamatong.

Siraulo talaga 'tong Best friend ko!

"Ano ba 'yan, Kell."

Natatawa lang ako nitong tinignan. Galing talaga!

"Manhid nga," bulong nito pero hindi ko naman naintindihan.

"Ano?" tanong ko.

"Wala, wala. Ang sabi ko.. Oh?" huminto ito sa pagsasalita na para bang may nakita dahil sa expression ng pagmumuka niya.

"Speaking of.. 'yong boyfriend mo papunta rito," ani niya habang ngising ngisi.

"Sino do'n?"

Muli akong nakatanggap ng batok sa kanya.

"Ouch!" daing ko dahil literal na napasubsob ako at tumama yung tungki ng ilong ko sa lunch box ko. Buti na lang at tapos na akong kumain kaya wala na itong laman.

Nagbabaon kasi ako dahil mahal ang pagkain sa cafeteria. Hinimas himas ko 'yong tungki ng ilong ko upang mabawasan ang sakit.

"Kung magtanong 'to! Bakit marami ka bang boyfriend?!" mataray na tanong niya.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon