Pagpasok sa cafeteria kami lang ang taong naririto dahil nga maaga ang uwian. Naglakad kami ni Kelly sa gitnang bahagi upang makapwesto. Ang apat na lalaki naman derestyo sa counter para umorder ng pagkain nila.
Nang tuluyan na kaming makaupo. Ramdam ko pa rin na iba ang timpla ni Kelly. Halatang galit pa rin ito.
Ngunit kahit alam kong galit pa rin siya minabuti ko paring magtanong. "Kell, okay ka lang?"
Umangat ang tingin niya sa 'kin bago malakas na bumuntong hininga. "Ayos lang ako." Ngumiti ito na alam na alam kong peke.
Kaibigan ko siya kaya alam ko kung anong tunay na ngiti nito kapag okay lang siya.
"Bakit ba kasi mainit ang ulo mo kay Reanna?" tanong ko muli.
Inabot niya naman iyong kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. Magkaharap kasi kaming dalawa.
"Malakas ang tama no'n kay Allen." Panimula nito. "Hindi 'man halata sa pagmumuka ng babaeng 'yon! Pero nagawa no'n manakit ng isang estudyante dahil lang sa pagkagusto niya kay Allen."
Nabigla ngunit hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay kung may karugtong pa ang sinabi niya.
"Nang nawala si Ta.. Tanya." Hirap na hirap niyang wika. Lumunok ito at alanganing ngumiti sa 'kin.
Tanya? Ang alam ko iyang pangalan na 'yan ang ayaw ng ipabanggit pa ni Alyssa.
"Nakakuha ng tiyansa ang babaeng 'yon para lapitan si Allen. Walang ibang naging mundo si Allen noon kundi si T-Tanya kaya noong umalis si Tanya roon na siya nagpaka girlfriend kuno kay Allen."
Tinitigan niya ako na parang binabasa ang expression ng muka ko pero wala akong binigay na kahit ano kun'di ipagpatuloy niya.
Pinisil niya ang dalawang kamay kong hawak niya bago muling nagsalita. "Pinabugbog niya iyong babae. Hindi, kasama siya sa nambugbog sa babaeng estudyanteng iyon na nagkagusto kay Allen."
Lumanghap siya ng hangin na tila ba hirap dungtungan ang salita niya. "Muntik ng hindi makalakad ang estudyanteng 'yon. Walang nagawa ang pamilya ng babae kahit na gusto nilang idemanda si Reanna. Malakas ang kapit ng mga magulang ni Reanna lalo na sa batas. Kaya kahit idemanda sila wala pa rin iyong magagawa. Ibabasura lang 'yon.."
"Dahil do'n napilitan na lang ang mga magulang no'ng estudyanteng babae na ilipat ng eskuwelahan iyong babae. At dahil din sa nangyaring 'yon nagalit ng husto si Allen. Syempre kahit na tarantado ang isang 'yon noon. Ayaw niya pa rin na may nasasaktang tao lalo na kung babae pa at involved din ang pangalan niya."
"Kinausap niya si Reanna no'n. Walang nakakaalam ng totoo nilang pinag-usapan, pero nagulat na lang lahat na pinatawad ni Allen si Reanna. At hanggang ngayon okay sila."
"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Allen pero kutob naming mga kaibigan niya na may ginagawa siyang plano para mabigyang hustisya iyong babae. Kaya hindi namin siya pinipigilan kahit kating-kati na akong hilahin ang buhok ng Reanna na 'yon palayo kay Allen nagpipigil pa rin ako."
"At isa pa ayokong pati ikaw saktan niya. Lalo na kalat na kalat na sa University na girlfriend ka ni Allen. Kaya 'wag kang papabiktima sa itsura ng Reanna na 'yon, lalo na kanina bait-baitan at akala mo hindi makabasag pinggan. Gano'n ang ugali niya kasi kaharap niya si Allen." May bahid na inis na sambit niya. "Pero kampante pa rin ako na hindi ka papabayaan ni Allen," huling saad nito bago malaking ngumiti this time alam kong hindi na peke. Tumango-tango lang ako sa kanya.
Pagtapos ng mahabang lintaya ni Kelly doon na rin saktong nagsidatingan ang apat na lalaki sa pwesto namin, sabay ng pagdating ni Amira at Renzo na dala ang mga gamit namin ni Kelly.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...