SNOW POV
Nagising ako na masakit ang ulo. Agad dumapo ang mga mata ko sa bed side table para tignan kung anong oras na ba.
Nanlalaking mga mata ng makita ko ito. 11:10 na pala ng tanghali. Letche! Hindi na ako nakapasok ng umagang klase. Lagot ako nito kay Mama may absent na ako.
Sabi ko na, dapat talaga hindi ako nagpupuyat. Kasalanan 'to no'ng isa, e!
Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Madaliang ligo lang dahil papasok pa ako ng hapon. Hahabol ako para umaga lang absent ko.
Pagkatapos maligo at magbihis ng uniform. Mabilisan ko lang inayos ang mga gamit ko. Kinuha ko na rin 'yong polo ni Allen na pinahiram niya. Pati na rin ang cellphone ko at cellphone nito. Nilagay ko lang sa paper bag ang polo at cellphone ni Allen, 'tsaka dali-daling lumabas ng kwarto.
Sigurado akong nakapasok na rin si Mama sa trabaho niya. Deretsyo kusina ako pagbaba ko ng hagdan. Kukuha lang ako ng makakain ko at cookies na ibibigay kay Allen. Pasasalamat ko lang. Inilagay ko lang sa lunch box ang pagkaing niluto ni Mama para sa 'kin at sa ibang lunch box naman iyong cookies para kay Allen.
Nang okay na lahat pumanik na ako patungong pinto at agad na lumabas. Ni-lock ko lang pinto namin 'tsaka gate bago tumakbo tungo sa malapit na sakayan.
12 ng makarating ako sa school. Mabilis mag patakbo iyong nasakyan ko kaya saglit na minuto lang ang byahe ko. Buti na lang din 1:30 pa simula ng klase sa hapon, minsan naman saktong 2 kaya may oras pa ako para hindi malate.
Lakad, takbo ang ginawa ko patungong classroom namin. Pinagtitinginan ako ng iilang estudyanteng nadadaan ko pero hindi ko na lang pinansin.
Nang makarating sa tapat ng classroom. Bumuga ako ng malalim na buntong hininga bago binuksan ang pinto.
Nang tuluyan na akong pumasok. Ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin. Nakayuko ako at sa mga paa ko lang ang tingin ko habang papatungo sa aking upuan, gaya ng lagi kong ginagawa kapag mag-isa lang akong papasok sa room.
Wala pa si Kelly nang makaupo ako sa upuan namin. Siguro kumakain sa cafeteria 'yon. Dito na lang ako kakain sa classroom dahil hindi ako nakapag-almusal at ngayon tanghalian na.
Nilabas ko lunch box ko at sinimulan ng kumain. Maingay dito sa classroom dahil kalimitan sa mga kaklase ko rito rin kumakain at tumatambay. Tahimik lang akong kumakain ng may isa sa kaklase kong babae ang sumigaw ng pangalan ko.
"Snow, may naghahanap sa 'yo!"
Pilit kong tinatanaw ang taong sinasabi niyang naghahanap sa 'kin. Isa 'tong estudyanteng babaeng hindi ko kilala. Ayoko sanang tumayo dahil hindi ko naman kilala ang babae, kaso baka may itatanong lang na kung ano sa 'kin.
Inayos ko lang saglit ang lunch box ko bago dahan-dahang tumayo. Pansin ko ang pananahimik ng mga kaklase ko.
Ayoko talaga ng atensyon.
Mabilis lang akong nakarating sa harap ng pinto. Lumabas ako at hinarap ang babae.
"Bakit?" mahina kong tanong.
"Here." May inabot siya sa aking dalawang malaking paper bag. "Pinapabigay ni Allen. Hindi raw niya mabibigay ng personal sa 'yo kasi may exam pa siya ngayon at mamayang hapon," saad niya.
"Actually kanina pa nga iyon nag-alala sa 'yo dahil hindi ka pumasok ng umaga. Kaya nang mabalitaan niyang pumasok ka ngayong tanghali. Pinakiusapan niya ako para ibigay sa'yo 'yan," Lintaya pa niya. "Don't worry friends lang kami ni Allen. Girlfriend ako ni Renzo. One of his friend and team mate sa basketball," dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...