Chapter 20

4.3K 103 19
                                    

Pagkarating namin ni Amira sa cottage. Agad kong inilibot ang mga mata upang hanapin si Kelly at Allen, sapagkat hindi na namin naabutan ang dalawa dahil sa bilis nilang maglakad.

Halatang iniiwasan ang tanong na nakuha nila kanina.

Hindi ko naman nagawang tumakbo upang maabutan sila dahil may naapakan na something si Amira kaya napatigil kami sa paglalakad, at sandaling nawala ang tingin ko kay Allen at Kelly. Nang bumalik ang tingin ko sa kanila, wala na silang dalawa.

"Hi, Miss Snow," bati ni Jasper sa 'kin. Ginantihan ko naman ito ng maliit na ngiti.

"Si Kelly at Allen?" tanong ko dahil naabutan kong anim silang lalaki na naririto ngunit wala si Allen at Jackson, wala rin ang magaling kong best friend.

"Ah si Pareng Allen ba? Nagpunta sa receptionist. I-checheck niya raw iyong mga tutulugan natin. Hindi mo nakasalubong? Kakalabas lang," sagot niya. Umiling-iling ako. Tango naman ang sinagot niya. "Baka nag-short-cut. Si Kelly naman dali-daling hinila si Captain Jackson, nagpasama. Punta raw sila sa pinakadulo nitong resort. Maganda raw kasi doon mag picture."

Nagkatinginan kaming muli ni Amira gaya kanina. Halata na parehas kami ng iniisip.

"Nga pala bilin ni Allen kumain ka raw," dagdag pa ni Jasper.

"Hindi siya sasabay kumain? Hindi pa rin iyon kumakain, e."

Nagkibit balikat siya. "Nagmamadali rin kasi umalis. Binaba niya nga lang mga bitbit niya tapos dali-dali na ring umalis pagkatapos magbilin," sagot niya.

Malalim naman akong napabuntong hininga. Halata talagang umiiwas si Allen at Kelly sa tanong na nakuha nila o mas magandang sabihin sa akin.

"K-Kayo?" pagkawari tanong ko na lang kay Jasper bago ko nahihiyang tinapunan ng tingin ang iba pang lalaki na naririto na hindi pamilyar ang mga muka sa akin. Maliban na lang kay Seth, Renzo, at iyong mukha nilang masungit na kaibigan.

"Tapos na kaming kumain Miss Snow kaya hindi ka na namin masasabayan."

Tango na lang ang sinagot ko sa kanya.

Tatlong oras lumipas ngunit kahit sino kay Allen at Kelly ay hindi pa bumabalik. Tapos na akong kumain at nakapagpalit na rin ako ng soot. Over size white t-shirt at simpleng short na binili raw ni Kelly sabi ni Amira.

Chineck ko ang cellphone kong kanina ko pa tinitignan-tignan. Nagbabakasakaling kahit isa may makuha akong message kay Allen o kahit kay Kelly ngunit wala.

Hindi rin mababakasan ng pag-aalala o pagtataka ang mga kasama namin kung bakit wala pa si Allen samantalang sa receptionist lang naman ito.

"Gusto mo lakad-lakad tayo?" mahinang tanong ni Amira sapat lang para marinig naming dalawa.

Nasa likod ko ito nakaupo at sinusuklay suklay ang buhok kong pinilit niyang ilugay ko.

"S-Sige.." pagpayag ko. Itatali ko na sana ulit iyong buhok ko ng pigilan ako nito.

"Huwag mo muna itali, Snow. Bagay sa 'yo nakalugay." Ngiting ngiti niyang ani.

Napipilitan naman akong tumango sa kanya. Ang cute niya kasing ngumiti gan'yan na gan'yan iyong ngiti niya sa akin noong una ko siyang makilala nang nagpunta siya sa classroom dala ang mga paper bag na pinapabigay ni Allen para sa akin.

Parang gusto ko rin siyang maging kapatid dahil hindi ko na-experience magkaroon ng kapatid. Maliban kay Kelly na tinuring ko ng kapatid.

Sabay kaming tumayo kaya agad na napadpad ang tingin ng anim na lalaki sa amin.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon