Dalawang oras na byahe na saktong tanghalian na kami nakarating sa resort nila Allen.
Bumaba ako ng sasakyan ni Allen ng pagbuksan ako nito ng pinto. Kagaya palagi ng ginagawa niya ipapatong niya ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko upang alalay.
Sabay kaming naglakad papasok. Mahigpit na nakahawak ang kaliwang kamay ko bandang baywang niya. Ang soot niyang long sleeve polo ay halos magusot ko na.
Rinig ko ang mahinang tawa niya dahil sa ginagawa kong lakad. Tiles kasi ang daanan at medyo madulas kaya parang hinihila-hila ko lang ang paa ko palakad.
Hindi niya naman ako maalalayan dahil may bitbit siyang dalawang box na inumin na pinabili nila Kelly nang nasa byahe pa kami ni Allen.
Tiningala ko ito at sinimangutan. Maganda sana ang resort nila basa lang ang daan. Ginantihan niya lang ako ng maliit na ngiti.
"Walk slowly, love," saad niya habang pinapantayan ang bawat hakbang ko.
Ano pa nga ba.
Kahit gusto ko pa sanang ihawak ang isa kong kamay sa braso niya ay hindi ko ginawa. Baka kasi mabigatan na siya.
Nang makarating kami sa buhanginan. Binitaw ko na ang kaliwang kong kamay na nakahawak sa kanya. Papatungo kaming cottage kung saan sila Kelly at mga kaibigan ni Allen.
Habang naglalakad kami. Tinanaw ko ang dagat, iilan lang ang mga taong naroroon na naliligo mas marami ang mga nakasilong sa lilim. Tanghali kasi at mainit ang araw.
Nilingo ko si Allen at pinagmasdan ng palihim. Naisip ko bigla ang huling kataga niya kanina.
"Hindi ko gustong wala kang paki sa 'kin."
Lumunok ako at saglit siyang pinakatitigan kahit hindi ito nakatingin sa akin. Inilapag ko ang hot chocolate na hawak ko.
Tahimik lang ako dahil hindi makahanap ng tamang salita na isasagot sa kanya.
"Don't you care about me?" mababang tanong niya.
"Wala," hindi nag-iisip kong sagot sa kanya.
"H-Huh?" namamaos niyang tanong at bahagyang gumaan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Napatampal naman ako sa noo gamit ang isa kong kamay. Ang bobo ko.
"I mean hindi gano'n sa iniisip mo. I do care about you, Allen. Hindi man kasing taas kung kung paano ka mag-alala sa akin at kung paano mo ako alagaan, pero may pakialam naman ako sa 'yo.." seryoso kong saad sa kanya.
At unti-unti ko na ring prinoproseso ang lahat ng meron tayong dalawa ngayon.
"Pero karapatan mo namang magdesisyon sa sarili mong buhay. Kung may ka fling ka bago a-ako. Wala akong dapat gawin doon. Kagaya ng sabi ko sa 'yo, normal lang 'yon," dagdag ko pa.
"You're not my fling. You know that," agap niya at muling saglit na lumingon sa gawi ko. "And I don't have a fling, I told you. That girl you heard on the phone is just obsessed with me. Tell me, love. D-Did you hear what she said, that I kissed her?"
"O-Oo," utal kong mahinang sagot.
"That's not true. That's exactly what I want to explain to you," muling seryoso niyang saad.
"Hear me, love.." sambit niya. "I'm not kissing her. She thought I kissed her. But she's just imagining it. The night she claimed I kissed her, it wasn't me. It's Tristan, one of my friends."
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...