Nang matapos kaming kumain tatlo. Nandito ulit kami ni Allen sa sala at parehong nakaupo sa sofa na nanonood ng TV, si Mama naman naghuhugas ng plato. Sabi ko nga sa kanya ako na pero 'wag na raw dahil may bisita pa ako.
Tinignan ko ang wall clock namin na nakasabit sa pader malapit sa TV.
8:15 na rin pala ng gabi. Gagi! Ginabi na si Allen dito sa 'min.Hinarap ko si Allen as in harap na nadikit pa iyong mga tuhod ko sa binti niya. Nabaling ang tingin niya sa 'kin dahil sa pagharap ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng may pagtatanong.
"Hindi ka naman maglalakad pauwi, 'di ba?" nag-aalalang tanong ko. Umiling ito bago sumagot.
"I will call Jasper later to pick me up."
Tumango tango ako dahil sa sagot niya at parang nakahinga ng maluwag. Kahit lalaki siya nakakapag-alala pa rin kasi baka mapaaway siya sa daan kung sakaling maglalakad lang siya pauwi.
Lalo na sa street namin. Nako! Laging may gulo tuwing gabi sa daan. At dahil dayo si Allen hindi malabong mapagtripan siya.
Muli akong umayos ng upo at ibinaling ang mata sa TV. Hindi ko matanong sa kanya kung anong oras siya uuwi. Baka kasi iba ang isipin niya. Baka isipin niyang pinapauwi ko na siya.
Pero muli ko siyang nilingon ng mapansing binuksan niya iyong bag niya at may kinakalkal.
"Here."
Napatingin ako sa kamay niyang inilahad na may tatlong bar ng chocolate. Ganito iyong binigay niya noong una ko siyang makasama sa kotse niya mismo ng unang araw ko siyang i-cheer.
"Para sa 'kin?" parang tanga kong tanong. Tango lang ang sinagot niya. "Salamat.." Maliit akong ngumiti sa kanya. Ginulo lang nito ang buhok ko na gaya ng lagi niyang ginagawa.
Kaya pala dala niya 'yong bag niya may chocolate palang laman.
Rinig ko ang yabag ni Mama patungo sa amin ni Allen. Mukhang tapos na siya maghugas ng plato kaya nilingon ko ito at saktong sa akin ang tingin niya.
"Anak, Snow. Mauuna na akong matulog at maaga pa akong papasok sa restaurant ng Tita Melissa mo. Ikaw na ang bahala kay Allen." Tumango lang ako at pagkatapos kay Allen naman siya bumaling na nakalingon na rin pala sa kanya. "Allen nak, ingat sa pag-uwi mo, huh? Uuna na ako."
"Good night, Tita," ani ni Allen.
"Good night, Ma," saad ko rin.
"Kayo rin mga anak."
Pumanik na paakyat si Mama ng hagdan kaya muli kaming bumaling dalawa ni Allen sa pinapanood.
Tumunog ang cellphone niyang nakalapag sa coffee table na nasa harap namin. Pareho namang bumaling ang tingin namin doon pero agad din akong umiwas dahil privacy niya iyon.
Mukha tuloy akong tsismosa.
Kinuha niya ito at saglit na sumulyap sa 'kin bago sinagot ang tawag. Hindi ito lumayo o kahit tumayo manlang.
"Jasper?" pabungad niyang ani sa tumawag sa kanya.
Tahimik lang akong nakatingin sa TV at pilit na iniintindi ang pinapanood.
"I'm still here. Just shut up Reyes!" bakas sa tono nito ang inis.
Basta hindi ko sinasadyang marinig ang mga sinasabi niya. Sadyang katabi ko lang siya at hindi ko naman rinig ang mga sinasabi ng kausap niya, e.
"Yeah. I'm coming, but pick me up here first. I'll sent you the address," muling rinig kong ani niya.
Mukhang uuwi na siya at nagpapasundo na kay Jasper, base sa peripheral vision ko ay binaba na nito ang cellphone niyang nasa tainga at nagpipipindot na lang. Sinisend niya na siguro iyong address.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...