Chapter 16

3.9K 82 11
                                    

Naglalakad na kami ngayon tungong palabas. Napagpasyahan na kasi nilang umalis na. Kasabay ko si Kelly at Amira dahil hinila ako nitong si Kelly palayo kay Allen at may sasabihin daw siya. Hindi naman nakaangal si Allen dahil hinila rin siya ni Jackson at may sasabihin rin daw ito.

Nakasunod lang kaming tatlo sa anim na lalaking nasa harapan namin. Mahina akong binangga ni Kelly ng balakang niya kaya tumingin ako rito.

"Problema mo?" Pinanlakihan ko siya ng mata dahil ang gaga ngiting ngiti nang lingonin ko siya.

"Ikaw huh. Ano 'yong kanina? Bakit ala monkey style ka kay Allen?" nang-aasar na tanong niya.

Natawa naman si Amira dahil sa sinabi nitong gaga.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," maang-maangan ko.

"Ay, taray. In denial?" tunog sarkastikong ani niya.

"Sira.." mahinang sagot ko lang.

Kahit naman kasi ako hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Basta ang alam ko lang masaya ako kasi nanalo si Allen at alam kong kapag nanalo siya sa akin mapupunta ang price niya.

"Nga pala may sinend ako sa 'yo, check mo na lang."

"Ano naman 'yon?"

"Basta i-wallpaper mo na lang maganda 'yon," sagot niya lang.

"Okay, sige. Check ko mamaya."

Nang nakarating na kami sa tapat ng parking lot. Lumapit si Allen sa 'kin bago inalalayan akong lumakad papuntang sa kotse niya.

Napano kaya 'to, bakit may paalalay?

Nagawi ang tingin ko kay Kelly ng alalayan rin ito ni Jackson. Ngunit impit akong napatili nang natalisod ako buti na lang mabilis ang reflect ni Allen kaya nasalo niya ako agad. Now I know kung bakit may paalalay.

Lampa nga pala ako.

Another kahihiyan sa harap niya. Asar!

Rinig ko naman ang malakas na tawa ng magaling kong best friend.

"Suntukan?" paghahamon ko sa kanya. Pero ang gaga dinilaan lang ako nito.

Natatawang maingat na hinila na ako ni Allen patungong tapat ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat bago pinatong niya ang kamay sa taas ng ulo ko habang papasok ako sa loob ng kotse niya. Kagaya ng lagi niyang ginagawa.

Nang makapos na siya sa driver seat. Kinuha niya sa akin iyong stop toy bago inilagay sa backseat. Taka ko naman siyang tinignan.

"I'm jealous. Your attention is on that toy stop, and you're always hugging that thing, too."

Natawa naman ako sa inasta niya para siyang batang nagmamaktol bahagya pa siyang sumibangot. Ngayon ko lang nakita itong side niya na 'to.

Ang cute! Kailangan ko itong makuhanan.

Nilabas ko 'yong cellphone ko bago itinapat sa kanya. Mahina naman akong napadaing ng pisilin niya iyong magkabilang pisngi ko.

"What are you doing, huh, love?" Diniin niya iyong pagpisil sa pisngi ko pero hindi naman gano'n kasakit bago niya ito bitawan.

"Isa lang, sige na. Pang lock screen.." Tinaas ko pa iyong hintuturo ko at nag sign ng isa.

Sunod-sunod naman siyang umiling. "I sent you the good one, not that epic one, love."

"Pero gusto ko iyong cute version mo. Minsan ka lang ngumuso ng gano'n. Sige na.." pangungulit ko pa. Pinagdikit ko pa iyong dalawang palad ko habang hawak ang cellphone.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon