"Allen, Snow. Tara na," pagtawag ni Kelly sa 'min na ngayon ay nasa bangka na kasama ang iba pa.
Kumalas si Allen sa yakap namin. Hinalikan niya ang noo ko at ilong bago niya hawakan ang kaliwang siko ko upang alalayan sa paglalakad, pero kinuha ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan pati na rin ang braso niya.
Putik! Akala ko tuluyan ng nawala ang takot ko kaso ng matanaw ko ang dagat parang unti-unting bumalik.
"Relax, love. I won't neglect you, okay? Just relax," nag-aalong saad niya. Pinapagaan ang nararamdaman ko.
Tiningala ko siya at dahan-dahan akong tumango sa kanya. Nang makarating na kami sa bangka inalalayan niya akong makaakyat. Tumabi ako nang upo kay Kelly na busy makipag-usap kay Jackson.
Natagalan umakyat si Allen dahil may kung ano pang sinabi sa kanya ang isa sa aalalay ata sa 'min tungo sa isla. Nang maakyat na si Allen mabilis akong kumapit sa kanya nang tabihan niya ako.
Inakbayan niya ako at pinayakap ang mga braso ko sa baywang niya. Humigpit ang kapit ko sa kanya nang umandar na ang bangka pero mabilis kumunot ang noo ko ng mapansing wala siyang soot na life vest.
"Nasa'n life vest mo?" tanong ko sa kanya bago siya tingalain.
May kinapa siya sa gilid niya bago inangat ang kamay at ipakati sa akin ang life vest niya.
"Bakit hindi mo soot?" muling tanong ko.
"I'm okay, love. I know how to swim," simpleng sagot niya lang at maliit na ngumiti.
"Kahit na, isoot mo pa rin. Akin na tulungan din kitang isoot," sambit ko bago kumalas sa yakap at umayos nang upo pero bahagyang nakaharap sa kanya. Ngunit pag-iling lang ang nakuha kong sagot.
"Kahit mga professional swimmer pinupulikat din, Allen!" may bahid na inis kong saad.
Ayaw ko mang mainis pero ang tigas kasi talaga ng ulo ng taong to.
Saglit siyang tumango at muli niya akong inakbayan bago maingat na hinila at muling pinayakap sa kanya.
"I know, love. Please, relax," pag-aalo niya sa akin.
Napabuga ako ng hangin at hindi siya sinagot.
Napakatigas ng ulo.
Pumikit ako at inayos ang pagkakasandal ng ulo ko sa dibdib niya at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Parang napalitan tuloy ng inis ang takot ko.
"I'll give you something to make you relax, love." Bulong niya sa akin.
Agad naman akong napadilat at tiningala siya. May kinapa muli siya sa gilid niya at nang makuha. Agad niya naman pinakita ito.
Isang maliit na supot. Nang buksan niya ito tuluyan kong nakita kung anong laman non.
Chocolate drink.
Agad akong napaayos nang upo ng bawiin niya ang kamay na nakaakbay sa akin. Tinusok niya ang chocolate drink bago i-abot sa akin.
"Here. I know this is the drink can make you relax."
"Paano... mo nalaman?" mabagal na tanong ko.
Saglit siyang tumingin sa mga mata ko bago ituon ang tingin sa karagatan. Hindi ko naman magawang tumingin sa dagat gaya nang ginagawa niya dahil nga takot ako.
"Knowing you and getting to know you is what I want to do, even if I'm just observing you from afar. I often see you drinking that chocolate drink, especially when you're alone. I know you're scared of people. Drinking chocolate drink makes you feel happy and relaxed."
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...