Chapter 17

4K 79 13
                                    

Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap niya bago pilit siyang pinapaharap sa akin, nakatungo lang kasi ang ulo nito. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang pinausog dahil muli siyang sumubsob sa kalawing balikat ko.

Agaran siyang tumungo ng maikalas ko siya sa 'kin nang hindi siya manlaban. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya bago dahan-dahan kong inangat ang muka niya.

Nag kasalubong ang mga mata namin at kitang kita ko ang basang mga mata nito na medyo namumula. Suminghot siya kaya napakagat ako sa ibabang labi.

Nakaramdam rin ako ng konsensya dahil sa naisip kong kalokohan. Hindi ko naman kasi alam na gano'n kalakas ang impact no'n sa kanya.

"A-Allen... B-Binibiro lang naman kita," nauutal kong ani bago ko punasan ang mga mata niya gamit ang hinlalaki ko. "S-Sorry," dagdag ko pa.

Parang maiiyak na rin tuloy ako dahil bigla kong naalala na pagod nga pala ang mga mata nito kanina pang bago siya mag exam.

Halatang may problema siya tapos mukang dinagdagan ko pa.

Napaka childish kasi!

Sunod-sunod naman siyang umiling-iling sa akin. "I-It's okay, love. Just please don't ignore me like he always does."

Agaran naman akong napakunot noo sa sinabi niya pero hindi ko nagawang ibuka ang labi ko para magtanong.

Marahan akong tumango. "T-Tahan na. Sorry talaga.." mahinang usal ko.

Ngumiti naman siya sa 'kin pero hindi abot hanggang mata dahil bakas na bakas pa rin ang pagod sa mga mata niya.

Langya kasi! Ano ba kasing trip ko sa buhay. Dagdag problema talaga ako sa iba.

Masuyo ko siyang tinitigan lumipas ang ilang minutong pagtitigan ng siya na ang pumutol no'n.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Ramdam ko ang init ng palad niya. Dahan-dahan niyang inilagay sa tapat ng labi niya ang mga kamay ko.

Pinatakan niya ng mararahang halik ang mga palad ko bago niya binaba at marahang pinisil. Bahagya rin siyang lumapit sa 'kin at kinatalan ako ng halik sa noo na saglit kong ikinapikit.

Maliit siyang ngumiti ng magkasalubong ulit ang mga mata naming dalawa. Umayos siya ng upo at kinalas ang pagkakahawak sa kamay ko pero halos ayaw kong bitawan ang isa niyang kamay bagkos, hinawakan ko pa ito gamit ang dalawang kamay ko at bahagyang hinigpitan ang hawak.

Nakokonsensya talaga ako at nahihiya ako sa kanya. Sobrang childish kasi ang ginawa ko rito.

Taka naman niya akong nilingon. Kumunot rin ang kanyang noo habang nakatitig sa akin na tila nananantiya ang tingin. Mabilis naman akong umiling-iling sa kanya.

"Pwede ba tayong huminto sa sea side?" tanong ko bago marahang pinisil ang kamay niya.

Kahit nagtataka man tumango na lang ito. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan niya. Hindi ko pa rin binibitawan ang kanang kamay niya.

Mabilis lang naman ng makarating kami sa sea side dahil malapit lang naman ito kung saan kami huminto kanina. Humarap naman siya sa akin na tila nagtatanong. Hindi ko naman sinagot ang gusto niyang malaman bagkos nagtanong din ako.

"Nasaan iyong kinumot mo sa akin noong nakatulog ako rito sa sasakyan mo?"

Naguguluhan niya naman akong pinakatitigan bago sinagot ang tanong ko.

"In the back seat, love. Why? Are you feeling cold?"

Umiling naman ako. "Pwede mo bang kunin?"

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon