Naglakad ako ng mabilis kahit na halos hindi ko na makita ng maayos ang daan tungong cr dahil sa mga luha ko. Thankful din ako dahil wala akong taong nakakasalubong.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cr. Binuhos ko na lahat ng luha ko na gusto kong ilabas ngayon. Hindi ko alam bakit buong araw pag-iyak ang nagagawa ko.
Napaka damot ng araw na 'to! Ito ang kauna-unahan na may nakasama akong ibang tao sa gala pero hindi natatapos ang araw na 'to na hindi ako iiyak.
Ilang araw pa lang rin akong nakakaalis sa comfort zone ko. Ilang araw ko palang nakakasama si Allen.
Bakit ka bumalik, Tanya? Bakit bumalik ka pa?
Tinakpan ko ang bibig upang tahimik na umiyak. Nasa public comfort room ako kaya alam kong may makakarinig sa akin.
Minuto palang na nandidito ako sa loob ng cr ng makarinig nang katok sa pinto.
"Love, are you there?"
Mas pinag-igihan kong takpan ang bibig ng marinig iyon.
Bakit nakasunod ka na naman agad?
Kumatok muli siya ng tatlong beses.
"Love, are y--"
"S-Saglit lang, A-Allen.." pagputol ko sa balak niyang sabihin. Alam kong basag ang boses ko sa tinig na iyon pero minabuti ko ng sagutin siya dahil alam kong hindi siya titigil.
"Are you okay, love? Why is your tone like that? Are you sick? Kelly and Amira told me you look pale. Did your tummy hurt?" sunod-sunod na tanong niya. Dinig na dinig ko rin sa tono niya ang pag-aalala.
Hindi iyong t'yan ko yung masakit.
"A-Ayos lang ako, Allen. B-Balik ka na ron. M-Mag c-cr lang ako saglit," putol-putol kong sambit sa kanya.
"No, love. I'll wait for you here," diterminadong sagot niya.
Hindi ko na siya sinagot. Binuksan ko 'yong gripo at kinuha ang tabong nasa loob ng timbang naririto. Dali-dali akong naghilamos. Buti na lang may dala akong panyo sa soot kong short na may bulsa kaya may pangpamunas ako.
Pinakalma ko muna ang sarili bago dahan-dahan binuksan ang pinto ng cr. Nakayuko ako habang papalabas. Takot pa akong makita niya ang mga mata ko.
Nang mag-angat ako ng tingin nakasandal sa pader si Allen at kinakalikot ang cellphone niya. Nang mapansin niyang lumabas na ako ay nag-angat rin siya ng tingin at umayos nang tayo. Agad niya akong pinasadahan ng tingin. Bumuka ang labi niya pero hindi niya na natuloy ang balak na sabihin nang mabilis ko siyang niyakap. Isinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya upang hindi niya makita ang itsura ko.
Naramdaman ko naman ang pagtigil niya dahil sa biglaang ginawa ko pero kalaunan ay agad niya rin akong niyakap pabalik.
"What happened? Does anything hurt, love? What hurts you?" sunod-sunod na tanong niya na hindi nawala ang tono ng pag-aalala mula pa kanina na mukhang nadagdagan pa.
"A-Ayos lang ako. Walang masakit."
Gusto lang kitang yakapin kasi feeling ko ito na ang last na mayayakap kita.
"Are you sure, love? Can I see your face clearly?" tanong niyang muli bago sinubukang kumalas sa yakap namin pero hindi ako pumayag mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Kahit sandali pa. Gusto pa kitang mayakap.
"Payakap pa, kahit saglit na lang," saad ko sa magaan at mahinang boses pilit na hindi maiyak.
BINABASA MO ANG
Dating Allen Gomez
Teen FictionSnow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagamat ayaw man niyang gawin ang dare na iyon ay wala naman siyang pagpipilian dahil nakasalalay ang kany...