Chapter 10

2.9K 70 15
                                    

JASPER POV

Sarap pagmasdan ang kaibigan kong inlove. Medyo masakit sa mata pero okay lang.

Hinihintay lang namin si Miss Snow na makapasok sa loob ng bahay nila. Ayaw lubayan ni Pareng Allen ng tingin kahit nila-lock na ni Miss Snow iyong gate nila.

Nang tuluyan ng makapasok si Miss Snow sa bahay nila 'tsaka lang ako hinarap ng gago.

"Let's go," saad lang nito at naglakad na tungong driver seat. Syempre ako pasok na rin ng front seat.

"Teka, dude. Magpalit ka muna, nand'yan sa likod 'yong damit mo," saad ko sa kanya.

Pinabili niya 'yon kanina pa nang makarating siya sa bahay nila Miss Snow. Tinext ako ng gago. Saglit lang nagpalit 'tong pare ko bago pinaandar na ang sasakyan paalis.

Let's go. Partyyy!

Birthday kasi ng isa naming kaibigan na galing ibang planeta. Sakto kakauwi niya lang galing ibang bansa, sa paburitong bar daw niya gustong ganapin. Ayoko na sana roon pati ni Pareng Allen at ng ibang tropa kaso ang gago. Doon na lang daw dahil namiss niya.

Saglit lang na byahe nakarating din naman kami agad. Si Allen ba naman ang nagmaneho. Kaskasero ang animal na 'to.

Kala mo kanya kalsada!

Sabay kaming pumasok ni Allen sa loob. As usual gaya ng ibang mga bar maingay hindi gaya sa sikat na bar na lagi naming tambayan. Iba rito dahil mausok at kahit saan sulok mong tignan may naglalampungan. Partidahan mo 'yan basta na lang nilang hinugot isa't isa sa tabi-tabi maglampungan lang.

"Fuck!"

Nilingon ko si Allen dahil sa pagmumura niya. Problema ng isang 'to? Parang nangangati kakakapa sa bulsa niya.

"Bakit, dude?" tanong ko sa kanya.

"I can't find my fucking phone!" inis na ani nito.

Burara rin ang ungas! 

"Baka naiwan mo sa sasakyan mo. Tignan mo na lang, una na ako."

Tumango lang ito at agad ng lumabas. Naglakad na ako tungo sa mga ungas kong kaibigan. Nag bro fist lang kami nila Seth at Simon. Gano'n na rin sa iba bago ako naupo.

Wala ang magaling na may birthday. Siguro naghahanap na ng babae. Wala rin si Captain Jackson. Baka hindi pinayagan ni Kelly.

Mga ilang minuto ang lumipas bumungad ang madilim na muka ni Allen. Hindi siguro nakita 'yong cellphone niya.

"Bakit? Wala?" Natatawang tanong ko. Matalim lang ako nitong tinignan kaya napatikom ang bibig ko.

Puta! Hindi mabiro, e.

"Alin ang wala?" tanong ng isang tropa. Si Tristan.

"Cellphone niya," sagot ko lang.

"Aanhin mo pa cellphone mo, bro? Dati naman halos ayaw mong hawakan 'yon," tanong ni Renzo habang ang mata ay nasa cellphone niya.

Pustahan nag a-update 'to sa girlfriend niya.

"Syempre iba na ngayon. Ungas! May girlfriend na rin 'yang ia-update kagaya mo. Pinagkaiba niyo lang takot ka sa girlfriend mo," pang-aasar na saad ni Seth kay Renzo.

Sabay-sabay naman kaming nagtawanan ng halos magsakalan na ang dalawa.

"Nako! Kaya ayaw kong nag g-girlfriend! Kailangan mong i-update sa lahat ng gagawin. Tawag o text minu-minuto. Tangna! Katamad 'yon," saad ni Toby. Ang alam na --- ang pinakatamad sa tropa. Halata naman sa sinabi ng ungas.

Dating Allen GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon